"Malapit na anniversary niyo, ano'ng reregalo mo?"
Naglalakad kami ni Lian dito sa school, kakatapos lang ng klase ko at pauwi na sana ako pero hinila ako ni Lian at samahan ko raw muna siya dahil mag-au-audition pala siya para sa Inter-Univ, mamaya pa raw 'yon, 5:30. Okay lang naman sa 'kin, siyempre.
Graduate na si Drew at Steve pero nagre-review na yata para sa board exam. Sa sobrang pagka-friendship goals nitong si Calynn at Lian ay pareho pang engineer 'yung jinowa.
Nagtrabaho ako buong bakasyon, ayaw ko kasing mamalagi sa bahay, kailangan ko rin ng pera para sa anniversary namin ni Luke. Nakahanap na rin ng bagong trabaho si Papa pero maliit lang yata 'yung sweldo dahil lagi pa rin siyang bad trip sa akin.
"Wala pa nga, eh." sagot ko kay Lian. "Ano ba'ng pwede?"
Napaisip siya. "Eh, ang regalo ko noon kay Drew ay shirt lang. Nag-iipon kasi ako kaya hindi ako makagastos nang malaki pero kung may budget ka naman, gusto mo tanong natin si Calynn?"
Napasapo ako sa noo ko. "Nako, sigurado akong hindi aabot 'yung budget ko sa i-s'suggest noon." napailing ako, iniisip ko pa lang ang i-s'suggest niya, sumasakit na ang ulo ko.
"Ayan, baka may mai-suggest." Tinuro niya 'yung babae na naglalakad at nakaputing uniform. Parang white lady na dahil napakaputi talaga nitong isang 'to, eh. "Nat!" sigaw ni Lian.
Tumingin sa 'min si Nat. "Hi," bati niya.
"May mai-s'suggest ka bang anniversary gift?" tanong ni Lian. "Wait, upo tayo. Napapagod na ako." umupo kami sa plant box na malapit. "So, ano nga?" tanong ulit ni Lian.
"Wala, eh."
Napairap si Lian. "Wala kang ambag,"
"Okay, fine." biglang sabi ni Nat. "Magaling ka sa arts, 'di ba, Elly? Gawa ka ng explosion box. Nakakita ako noon sa Tiktok." Natawa si Nat.
"Pwede, kaya lang wala akong kasamang bumili ng gamit. At saka baka hindi magustuhan ni Luke." I laughed awkwardly.
"Luh? Kami, kasama mo. Kapag hindi nagustuhan ni Luke sasamapalin ko siya." biglang sabi nito ni Lian kaya natawa kami.
"Uy, thank you, ah." Bahagya kong tinapik 'yung braso ni Lian.
"Sus, wala 'yon. Basta sabihan mo ako kung kailan ka bibili, sasamahan kita." She smiled.
Nagsisimula na pala 'yung training nina Luke, siya na pala 'yung captain dahil wala na silang captain noong gumraduate si Steve. Hanggang 2 years pala pwedeng maging captain kaya dalawang taon na si Steve ang captain ball nila.
Sabado ngayon at nandito na ako sa mall, hinihintay ko lang si Lian at si Calynn dahil nagpasama ako sa kanila bumili ng regalo. Busy kasi si Nat tapos si Addie ay iba na ang school kaya ang hirap din talagang ayain.
"Hello." bati ni Calynn nang makita niya akong nakatayo rito sa gilid ng fountain sa labas ng mall.
"'Wag ka namang mag-suggest ng mahal." bungad ko.
Natawa si Calynn. "It's the thought that counts."
"Binubudol ka na bang bilhan ng Balenciaga si Luke?" tanong ni Lian pagdating niya.
"Inunahan ko na." I chuckled.
Pumunta muna kami sa bookstore para makahanap ng mga art materials. Si Lian 'yung may hawak ng basket dahil kaya naman daw niya, mamili na lang daw ako. Si Calynn naman ay nasa bookshelves at naghahanap ng law books na pwede raw niyang basahin.
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...