Trigger Warning: Physical Abuse
"Hindi ko naman tinuloy dahil tumawag ka."
Nakayakap pa rin ako kay Luke. Sobrang guilty ako dahil bakit nga ba hindi ko siya inisip bago ko maisipang magpakamatay? Sobrang selfish ko... gusto ko nang tapusin lahat pero hindi ko naisip 'yung mga taong maiiwan ko.
Kumawala siya sa yakap sa 'kin. "Kung hindi ako tumawag?"
"Luke,"
"Kung ako hindi ako tumawag baka ⎯" tinakpan niya 'yung mata niya gamit 'yung kanang kamay niya. "Tangina, Elly. Hindi ko kaya," he sobbed.
"Sorry,"
He cupped my face. "May problema ka ba? Sabihin mo sa 'kin, Elly, kasi tangina mamatay talaga ako kapag nawala ka." was uloy-tuloy na 'yung mga luha niya. "Elly, kaya ako nandito para may makakapitan ka, may mapaglalabasan ka ng mga problema mo. Huwag mo namang gawin sa 'kin 'to." He cried. "Huwag mo naman akong takutin nang ganito."
"Sorry," puro iyon lang 'yung nasasabi ko.
"Huwag mo nang uulitin, Elly. Please naman," Yumuko siya at niyakap ulit ako.
Hindi ako nagsalita kaya inakay niya ako papasok sa kotse. Nang makapasok na ako ay iyak lang ako nang iyak. Halos mapatalon ako nang suntukin ni Luke 'yung manibela.
"Tangina, kasalanan ko 'to, eh. Sana napansin kong may problema ka. Sana nalaman ko na..." Yumuko siya at pinagsusuntok 'yung manibela. Nang medyo kumalma na siya ay tumingin siya sa 'kin, pulang-pula ang mga mata. "Elly, sorry. Sorry kung nararamdaman mong mag-isa ka. Sorry kung nararamdaman mong wala ka ng dahilan para mabuhay. Sorry kung nagkulang ako. Sorry kung⎯" hindi ko na siya pinatapos dahil mabilis ko siyang niyakap.
"Ikaw ang dahilan kung bakit kinakaya ko pa lahat," bulong ko.
"I'm sorry. Sorry, Elly. I'm sorry, mahal. Sorry. Please, huwag mo nang ulitin. Sorry..." paulit-ulit na sabi ni Luke habang nakayakap sa 'kin.
"Sorry, Luke. Ang selfish ko," Halos paos na ang boses ko kakaiyak.
Hinarap niya ako sa kaniya. "Hindi ka selfish, nasasaktan ka lang pero please," Nagpunas siya ng luha niya. "Huwag ganoon,"
I nodded. "Sorry,"
Pinakalma ako ni Luke. Kumuha rin siya ng alcohol at bulak para linisin 'yung sugat ko. Mabuti na lang at mayroon siya rito sa kotse niya. Sinabi ko sa kaniya na kailangan kong magtrabaho kahit na may pasok na dahil hindi na ako bibigyan ng baon ni Papa.
"Sa 'kin ka na lang," Hinawakan niya ang pisngi ko matapos kong sabihin lahat ng nangyari kanina. "Sa 'kin ka na lang umuwi."
I held his cheeks. "Luke, susubukan ko pa."
Napailing si Luke. "Elly, please..."
Gusto kong sabihing gustong-gusto ko na pero hindi pwede. Alam ko na hindi lang sa akin magagalit ang pamilya niya kung hindi pati sa kaniya. Ayaw kong madamay siya at kung ang magtiis sa bahay namin ang tanging kaya kong gawin para hindi masira ang relasyon niya sa pamilya niya ay gagawin ko.
"Hindi na ako magpapakamatay ulit, okay na ako, Luke."
Hindi madaling kumbinsihin si Luke pero wala naman siyang magawa dahil ayaw ko. Hindi ko sinabi sa kaniya ang dahilan kaya alam kong hindi niya ako naiintindihan. Kaunti na lang. Isang taon na lang naman at pwede na akong umalis sa impyerno na 'yon.
"Bibigyan na lang kitang baon," pag-ooffer ni Luke habang nandito na kami sa tapat ng bahay. Ang sabi ko ay kailangan ko pang umuwi.
"Luke, hindi," mabilis na sagot ko. "Kaya ko."
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...