"Ano po ang pangalan niyo, Sir?"
Tinanong ng babaeng singer ang pangalan ni Luke, nanonood lang ako. Hindi nga ako makagalaw dahil hindi ko naman inaasahan na makikita ko siya ulit. Akala ko ay sapat na 'yung kaninang umaga. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Naalala ba niya na ngayon nawala ang anak namin? Naiisip pa kaya niya ako? Kami ng anak niya?
"Luke." He smiled at the singer that caused her to giggle. Mukhang kinilig pa.
"Napakagwapo niyo naman po, single po ba kayo? Mine ko na po kayo." sabi ng singer kaya nagtawanan ang mga tao pero hindi ako natawa. Pati si Mylene na katabi ko ay nakikitawa na rin.
Luke chuckled. "Umh... I already have my eyes on someone." Luke said in a very sincere voice. Nagtilian pa ang ibang tao.
Tinignan ko ang bawat table para makita kung sino ang pwedeng kasama ni Luke. Kung si Steve, baka nandito rin si Calynn.
Napaawang ang labi ko nang makita ko si Celine, may mga kasama siyang babae at lalaki rin. Nakatingin siya kay Luke habang nakangiti. Siya ba... ang kasama ni Luke ngayon?
"I'd like to dedicate this song to someone whom I want to be with for the rest of my life." Luke said.
Sinasalitan ko ang tingin ko sa kanila ni Celine para makita ko kung nagtitingingan ba sila pero nang ibalik ko ang tingin ko kay Luke ay nagulat ako nang tignan niya ako. Napako ang mata ko sa kaniya at hindi ko na ulit natignan si Celine. Diretso lang siyang nakatingin sa mga mata ko.
"I love you..." he said while looking straightly to my eyes. "Still you..."
I gulped. Hindi ko na marinig ang ibang tao, parang biglang kami na lang ni Luke ang nandito ngayon.
Sa akin ba niya sinasabi 'yon? Pero nandito rin si Celine? Paano kung─
"Go, Luke!" One of Luke's friend suddenly shouted. Napatingin tuloy si Luke sa kaniya at pati ako ay napatingin din. Nakangiti lang si Celine sa kaniya habang nanonood. Ngumiti rin sa kanila si Luke bago nagsimulang tumugtog ang banda.
~Sa pagkumpas ng iyong kamay
Aking landas, ginagabay
Nag-iisang tiyak sa isang libong duda
Silong sa iyak at pagluluksa~I blinked to contain my tears. Oh, how the destiny plays. Dati lang ay magkatabi kami habang pinapakinggan din ang kantang iyan, dito rin mismo sa bar na 'to.
~Kung puso ko ay imamapa
Ikaw ang dulo, gitna't simula
Nahanap din kita (Kay tagal kong naghintay)
Nahanap din kita (Kay tagal kong naghintay)~Napapikit ako kaya tumulo ang luha ko. Ni hindi ko na nakausap ang mga kasama ko dahil na kay Luke lang ang tingin ko. Madiin akong napahawak sa shot glass na hawak ko nang tumingin sa akin si Luke.
~Maligaw man
At mawala
At umikot man
Sa kawalan~"Elly, nakatingin sa 'yo." Hindi ko na napansin ang sinabi ni Jean dahil na kay Luke lang ang mata ko.
~Sa bawat kailan
Sino't saan
Ikaw lamang ang
Kasagutan~Ininom ko ang nasa shot glass ko habang patuloy pa rin na nakatingin kay Luke. Sa akin lang din siya nakatingin.
~Bawat kanan
At kaliwa
Kung timog man
O hilaga~And when his tears suddenly fell, that is when I realized that I will never love anyone else as much as I love him.
Pinahid niya ang luha niya sa pisngi niya pero ang mga mata niya ay hindi niya inaalis sa akin.
~Ang bawat... daan ko
Ay patungo (ay patungo)
Ay pabalik (ay pabalik)
Sa 'yo~
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...