"Anong nangyari?"
Kakagising ko lang at hindi ko pa maproseso ang nangyari kanina. Binugbog ako ni Papa. Nasaan na siya? Baka saktan niya ako ulit. Lumakas ang tibok ng dibdib ko nang maisip ko si Papa. Parang hindi ako makahinga.
"Anong nangyari?" halos pabulong na sabi ko. Wala na halos boses na lumalabas sa lalamunan ko. "Si Papa?" Pilit akong umupo sa kama ko. "Baka saktan niya kami ng anak ko, nasaan siya? Ayaw ko siyang makita." iyak ko.
Niyakap ako ni Nat at hinaplos-haplos ang likod. "Calm down, Elly."
"Hindi!" Kumawala ako sa yakap niya. "Alam ko sasaktan ako ni Papa." Humawak ako sa buhok ko at tumingin sa lapag, takot na takot ako. "Tapos... tapos, Nat. May balak mang-rape sa akin, tapos 'yung... 'yung Mommy ni Luke..." Hindi ko na natapos dahil napalitan ng malakas na hikbi ang nilalabas ng bibig ko.
"Elly, please," Hinawakan ni Nat ang kamay ko. "Look at me, you have to calm down." Hinawakan niya ang pisngi ko.
I shook my head. "Ayaw kong masaktan kami ni baby. Hihintayin pa namin si Luke."
Pumikit siya kasabay ng pagpatak ng luha niya. Ang huli kong naalala ay may dugo...
"Okay naman si baby, 'di ba?" I shook Nat's hand. "Okay naman siya, 'di ba, Nat? Please, sabihin mong okay lang siya."
Napahawak ako sa tiyan ko. It felt... empty.
"I'm sorry," bulong ni Nat. "I'm sorry, na-late ako."
"Anong sinasabi mo?" Pilit hinahawakan ni Nat 'yung braso ko pero nagpupumiglas ako. "Anong sorry? Bakit sorry? Okay kami, okay? Kailangan lang namin lumayo kay Papa."
Bahagya akong natawa. "Tama," I laughed. "Kailangan namin malayo kay Papa. Iyon lang ang solusyon."
"Elly, stop."
Napatigil ako sa pag-iyak-tawa ko nang may biglang pumasok na doktor. Lumapit siya sa akin. "Mrs. Esquivel, I'm sorry for your loss."
Biglang sumikip ang dibdib ko. Mabilis ako napatakip sa bibig ko. 'Yung... anak ko.
"Elly,"
"Nat," I cried. "Nat... iyong anak ko." Naghanap ako ng makakapitan dahil para na akong hihimatayin. Umupo si Nat sa tabi ng hospital bed ko at niyakap ako.
"Sorry, Elly. I'm sorry." paulit-ulit na sabi ni Nat.
"Iyong anak ko. Iyong anak namin ni Luke." I sobbed. "Wala na... wala na siya." The room was filled with my cries.
Paano ko sasabihin kay Luke? Baka isipin niya pinabayaan ko ang anak namin. Anong mararamdaman niya? Nakakulong pa siya.
Tinanggal ko ang dextrose ko. "Pupunta ako kay Luke. Kailangan niyang malaman, kailangan kong sabihin. Kailangan..." Natigilan ako at muling umiyak. "Kailangan niya ng makakapitan." I sobbed.
"Alam na niya," mahinang sabi ni Nat.
The whole world stopped.
Ano ang nararamdaman ngayon ni Luke? Nasasaktan siya, kailangan niya ako. Kailangan naming pagluksaan ang anak namin. Kailangan kong umalis dito.
"Magpahinga ka muna, Elly." sabi ni Nat bago tumayo mula sa pagkakaupo sa hospital bed ko. "Magpahinga ka tapos pupuntahan natin si Luke, hmm?" she said. I nodded. Pero alam kong matatagalan pa ako rito. Kailangan ko nang makita si Luke. Kailangan kong umalis.
Iniwan ako ni Nat at noong kasama niyang lalaki. Tinignan ko ang oras at tanghali na. Hinintay kong mag-gabi para makaalis ako, para mapuntahan ko si Luke.
Pumunta rito sina Lian kanina pero nagpanggap akong tulog, ayaw ko muna ng kausap dahil baka umiyak na naman ako.
Nang maramdaman kong wala ng tao, bumangon ako mula sa pagkakahiga. Inalis ko ang dextrose ko. Nakita kong may dalang bag si Addie kanina kaya kumuha ako roon ng damit para hindi mahalata na pasyente ako.
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...