"Ano, buhay ka pa? Inom pa."
Kakalabas lang ni Luke ng kwarto, mumulat-mulat pa 'yung mata. Nandito ako sa kusina at nagluluto ako ng omelette. Nakapamewang pa 'yung kaliwang kamay ko at hawak ko 'yung sandok sa kanan.
Maaga akong gumising para hindi niya malaman na niyakap ko siya buong gabi. Gusto ko lang maramdaman 'yung pagmamahal na sinabi niya, kahit kagabi lang.
Hindi man ako sigurado kung anong pagmamahal ang nararamdaman ko para sa kaniya pero isa lang ang sigurado ako... mahal ko siya.
"Ano'ng nangyari kagabi?" Lumapit siya sa akin at umupo sa upuan sa dining table.
"Balak mo lang naman ibangga 'yung kotse noong pauwi na tayo." sagot ko habang kinukuha 'yung omelette at inililipat sa plato.
"Hala, sorry." Tumingin ako sa kaniya na ngayon ay nakapatong na 'yung siko sa lamesa at nakasabunot sa buhok niya.
Nilapag ko 'yung omelette sa lamesa. "Tagay pa, brad." I laughed.
Naglagay na rin ako ng kanin sa plato at nilagay ko na rin 'yon sa lamesa. Nilagay ko na rin sa tasa 'yung ginawa kong kape kanina. Siya naman ay hindi na nagsasalita. Lumapit na ulit ako sa kaniya at nilagay na 'yung kape sa gilid ng plato niya.
"Ano?" Tinaas ko 'yung kilay ko pagkaupo ko. Nakatingin lang siya sa pagkain.
"Ang sweet mo naman," Pinagpag pa niya 'yung kunwaring luha niya. Napaka-OA talaga!
"Kumain ka na, baka gusto mong ipaglagay pa kita ng pagkain sa plato mo?" I asked sarcastically.
"Hala, pwede?" Nagtakip siya ng bibig gamit 'yung dalawang kamay.
"Abusado, amp!" Natawa na lang ako bago siya ipaglagay ng pagkain sa plato niya. "Wala kang naalala kagabi?" Nilapag ko 'yung kanin sa lamesa, hindi ko siya tinitignan.
"Hala, ano'ng nangyari? Pinagsamantalahan mo ako, 'no?" Niyakap pa niya 'yung sarili niya kaya bahagya akong tumayo mula sa upuan ko at lumapit ako para batukan siya.
"Kilabutan ka nga!"
Tumawa siya. "Ano ba'ng nangyari?" seryosong tanong niya bago sumimsim ng kape.
"Wala kang naalala?" kumunot 'yung noo ko.
"Wala,"
Ouch. Okay.
"Okay. Sige kumain ka na." I smiled a bit.
"Anong plano mo ngayong bakasyon?" tanong niya habang naglalagay ng kanin sa kutsara niya.
"Magta-trabaho siguro." sagot ko. "Ikaw?"
"Mumunting tambay." He chuckled.
"Sana all patambay-tambay lang." I laughed.
"Tambay ka rin dito. Samahan mo ako, dali." OA na sabi niya kaya napairap ako. Siraulo talaga!
Tinapos lang namin kumain pagkatapos ay siya na 'yung naghugas ng plato. Nakakahiya naman daw kasi sa akin.
Hinatid na rin niya ako sa bahay kaagad dahil sigurado akong masasampal na naman ako ni Papa. Hindi naman ako nagsisisi dahil naalagaan ko si Luke. Narinig ko pang mahal niya ako. Kahit lasing lang siya noon ay masaya pa rin ako na narinig ko 'yon sa kaniya.
Kahit kaibigan lang... masaya pa rin.
"Ingat!" sabi niya paghinto sa tapat ng bahay namin.
"Thank you." Ngumiti ako at tinanggal 'yung seat belt ko. Bababa pa lang sana ako ay may nagbukas na ng pinto ko. "Pa?" gulat na gulat na tanong ko. Hinila niya 'yung buhok ko pababa sa kotse at kinaladkad ako. Agad namang lumabas si Luke.
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...