"Graduate na po ako, Ma!"
Nakangiti ako habang nakatingin sa puntod ni Mama. Hindi pa ako CPA pero alam ko, one day, magiging parehas din kami. Magiging proud din siya sa 'kin. Masasabi rin niya na... tama ang pagpapalaki niya sa 'kin dahil kahit gaano kahirap ang dinanas ko, hindi ako sumuko. Parehas kami, lumaban siya hanggang sa dulo ng sakit niya.
"Sigurado ako, proud siya sa 'yo." Luke suddenly said. Nilapag niya 'yung isang bouquet sa puntod ni Mama.
Tumingin ako sa kaniya. "Tingin mo?"
He smiled. Nakatingin pa rin siya sa puntod ni Mama habang nakatayo kaming dalawa. "Oo, sigurado ako."
Napangiti ako at ibinalik na lang ang tingin sa puntod ni Mama. Ilang sandali na tahimik lang kaming dalawa, nararamdaman ko lang ang hangin. Ewan ko ba, lunch time pero makulimlim ngayon.
"Elly," Napatingin ako kay Luke nang bigla siyang magsalita. Kinabahan ako bigla sa tono ng pananalita niya.
"Hmm?"
"May sasabihin ako," seryosong sabi niya.
I sighed. "Luke, kung pagod ka na, kung sawa ka na kaya ganito tayo nitong mga nakaraang linggo, maiintindihan ko naman."
"Elly,"
"Pero kung iiwan mo ako, wag namang ngayon, wag naman sa harap ni Mama." I tried my best to contain my tears. Ayaw kong umiyak ngayon. Ayaw kong sirain 'yung araw na 'to kasi gusto ko lang naman i-celebrate 'yung 5 years na paghihirap ko sa college.
"Pwede bang kung ano man 'yan, bukas na lang natin pag-usapan?" nakangiting tanong ko kasabay ng pagpahid ko sa luha ko.
Pero mas nasaktan ako noong tumango siya. Kailangan na ba naming tapusin 'to? Ano ba ang nangyari?
"Tara na?" aya ko kay Luke matapos ang halos sampung minuto na walang nagsasalita sa amin. "Uwi na tayo."
"Kain muna tayo." he said.
I merely nodded. Nagpaalam na ako kay Mama pagkatapos ay pumunta kami sa isang restaurant. Mamahaling restaurant 'to kaya sigurado ako na gagastos na naman nang malaki si Luke.
"Bakit dito pa?" tanong ko pagkaupo namin.
"Graduation mo, eh. Siyempre, magce-celebrate tayo." sagot naman niya bago itaas ang index finger niya para umorder.
"Pwede naman kahit saan na lang, ayaw ko naman na may maisumbat pa 'yung pamilya mo sa 'tin⎯"
"Wala ka ng dapat alalahanin." He cut me off. "Hindi na ako humihingi sa kanila, may trabaho na ako, 'di ba?" sabi niya bago umorder ng maraming pagkain na hindi ko naman alam 'yung iba.
"Ano bang trabaho 'yan? Wala naman akong dapat ipag-alala, 'di ba?" naniniguradong tanong ko. Ayaw ko naman na magkaproblema kami sa kung ano man 'yon.
He sighed. "Wala kang dapat ipag-alala." Bahagya akong nagulat nang hawakan niya 'yung kamay ko na nasa lamesa. "Pagod lang ako lagi dahil may apprenticeship ako tapos may trabaho pero 'yung iniisip mo kanina..." Umiling siya. "Hindi ako pagod sa 'yo."
Napalunok na lang ako dahil wala akong masabi. Bukas na lang namin pag-usapan lahat.
Bahagyang nagkukwento si Luke tungkol sa apprenticeship niya pero hindi ko pa rin naman tinanong 'yung tungkol sa babae na kasama niya. Bukas na lang para sabay-sabay na. Isang sakitan na lang.
"Hindi ka man lang ba cinongratulate ng Papa mo?" tanong ni Luke.
I smiled bitterly. "Hindi, pero pwede ba tayong dumaan sa bahay? May kailangan lang akong iwan doon."
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...