"Anong oras 'yung dinner natin mamaya?"
Nakaupo ako sa kama, sinusuot ko na ang sapatos ko habang si Luke ay nagbubutones ng polo niya. Ang sabi niya ay may dinner daw kaming dalawa mamaya dahil ngayong araw ang Anniversary namin. Naghiwalay kami pero para sa kaniya, ito pa rin daw ang pinaka-importanteng araw sa kaniya.
"8:00 PM ako nagpa-reserve. Pupunta na tayo roon pagkagaling natin sa Doctor mo." he replied while looking at the mirror in our vanity table.
Isang buwan na ang nakalipas magsimula nang mangyari ang ginawa sa akin nina Mylene sa office. Kinabukasan, pagkatapos naming magkita-kita ng mga kaibigan ko, bumalik ako sa Doctor ko.
Hininto ko kasi ang pagpunta roon nang makapasa ako ng board exam dahil naging sobrang saya ko. Akala ko ay okay na ako dahil hindi na rin naman ako dinadalaw ng masamang panaginip. Paminsan-minsan, nalulungkot ako pero hindi umaabot sa point na bumabalik ang lahat.
Not until Luke came again. It's as if there are wounds that aren't totally healed became fresh again. Parang tinapalan ko lang ng band-aid ang mga sugat pero hindi pa pala talaga magaling.
That's why Luke and I decided that I should continue my healing. Masiyadong mabigat ang nangyari noon. I know, I needed help mentally.
Lumapit ako kay Luke nang matapos ko nang i-suot ang sapatos ko. Nakasuot ako ng maroon turtle neck fitted dress and black long coat. Tatanggalin ko na lang 'yung coat mamaya sa dinner. Si Luke naman ay naka-maroon polo tucked in with black slacks. Gusto raw niya partner ang suot namin para mamaya, hindi pa rin siya nagbabago, isip bata pa rin.
"Happy anniversary." I tiptoed to give him a soft kiss.
Luke held my waist. "Happy anniversary," He pulled me closer to him. "Ang ganda mo." he suddenly said.
"Thank you." nahihiyang sabi ko dahil hindi ako sanay na pinupuri.
"Swerte ko talaga." Luke whispered to himself before pulling me to kiss me. I followed his every move but stopped when I realize that we need to go to work.
Lumayo ako sa kaniya. Natawa ako nang makita ko ang labi niya na kulay maroon na dahil sa lipstick ko. I removed the lipstick from his lips using my thumb finger.
"Tara na?" aya ko.
Umakbay siya sa 'kin. "Okay." he said before we went outside the condo to go to our work.
"Alam mo, mas madali talaga kung sa Valdez Construction ka na lang magtrabaho, para sabay tayong papasok at uuwi." Luke said while turning the steering wheel. Papunta na kami sa office ko.
"Pwede naman kasi akong mag-commute."
"Hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin. Siyempre, okay lang sa 'kin na ihatid at sunduin ka. Gusto lang kitang makasama sa kumpanya namin."
Hindi na ako nagsalita. Gusto ko rin siyang makasama pero ayaw ko namang ipilit ang sarili ko roon dahil alam ko naman na ayaw ng magulang niya sa 'kin. Hindi ko pa sila nakakausap ulit dahil hindi pa namin napag-uusapan ulit ni Luke.
"See you later, mahal." Luke said when we pulled over in front of Ruiz Builders.
Ngumiti ako at bumeso sa kaniya. "See you."
The whole day, nagtrabaho lang ako. Masaya naman ako sa trabaho ko pero kapag naging okay kami ng pamilya ni Luke, lilipat na ako roon. Sana... sana maging okay kami.
Ang sabi ng Mommy niya, patunayan ko muna na hindi ko ginagamit si Luke para sa pangarap ko. Sana kapag humarap ako sa kanila ulit, makita nila na hindi pera ang habol ko kay Luke. Mahal ko si Luke bilang siya, hindi dahil sa kaya niyang ibigay sa 'kin.
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...