Chapter 11

7.7K 187 33
                                    

"Ready ka na umuwi?"

Nandito na kami ngayon sa kotse ni Luke. Madaling araw pa lang at kanina pa akong bumubuntong-hininga na akala mo naman ay mababawasan 'yung kaba ko. Kinakabahan pa rin ako, hindi ko alam kung paano haharapin sina Papa.

"Kailangan, eh." I chuckled. "Tatawagan na lang kita kung kailangan mo akong dalhin sa ospital."

"Elly!" sigaw ni Luke.

"Joke lang," Natawa ako. "Sige, tara na."

Tumango si Luke bago paandarin 'yung kotse niya. Matagal-tagal din 'yung byahe kaya nag-Drive-Thru kami noong nagutom kami. Natutulog lang din ako kapag inaantok ako, pinipigilan ko naman dahil alam kong baka antukin din si Luke pero hindi ko mapigilan.

"Sorry," Kinusot ko 'yung mata ko. "Nakatulog na naman pala ako."

"Okay lang." Natawa nang bahagya si Luke. "Sige, pahinga ka muna."

"Hindi, sige." sinampal ko 'yung sarili ko. "Gising na ako."

"Huy, bal!" Hinawakan niya 'yung kamay ko. "Matulog ka na lang kaysa saktan mo 'yung sarili mo."

"Nako, hayaan mo na. Immune na 'yung katawan ko." I chuckled a bit. Totoo naman, eh. Wala na yatang naramdaman 'yung katawan ko dahil sanay na.

"Tsk. Taylor Ellery!" pagbabawal niya.

"Oo na, oo na." Tinaas ko 'yung dalawang kamay ko. Natatakot ako kapag tinatawag na niya ako sa buo kong pangalan. Ang weird!

Malapit na mag-sunrise. Ang ganda talaga kapag sumisikat na 'yung araw, para siyang nagbibigay ng hope sa 'kin... na kahit na anong ibato ng mundo sa 'kin, may pag-asa pa dahil may panibagong araw pa ako na haharapin. Panibagong posibilidad na baka ito na 'yung araw na sasaya naman ako, na matatapos na lahat ng problema ko.

"Teka, sandali." Humawak ako sa dibdib ko dahil nandito na kami sa tapat ng bahay.

"Halika, sasamahan kita." Hinawakan ni Luke 'yung kaliwang kamay ko.

"Sigurado ka?"

"Oo." Ngumiti siya. Tumango ako at bumaba na ng kotse.

"Puta, sandali." Napaatras ako nang nandito na kami sa tapat ng gate. Bakit pakiramdam ko ay bawat hakbang ko ay bawat paglapit ko rin sa kalbaryo ko. Ganito na ba ako katakot sa sarili kong ama?

Umakbay sa akin si Luke. "Kaya natin 'to."

Tumango na lang ako kay Luke pagkatapos ay pumasok na kami sa gate. Hindi naka-lock 'yung gate kaya sa tingin ko ay gising na si Tita. Umaga pa lang kaya sigurado rin ako na nandito pa si Papa. Sinadiya namin na umaga umuwi para makausap ko si Papa.

"Pa," bungad ko pagpasok ng pinto, nag-aalmusal na sila.

"Elly, may balak ka pa palang umuwi?" bungad ni Papa. Lumakad ako papasok habang nasa likod ko si Luke. "Oh, kasama mo na naman 'yang lalaki mo?" Tumayo si Papa.

"Pa, ayaw ko po ng gulo. Gusto ko pong mag-sorry." Yumuko ako, nakatayo pa rin kami sa tapat ng pinto.

"Hoy, ikaw. Ano bang pangalan mo?" Lumapit sa amin si Papa at tinanong si Luke. Halata kay Papa na galit na kaagad siya dahil sa paraan ng pagtingin niya sa 'min ni Luke.

"Luke Greyson Valdez, sir." sagot ni Luke. Napaawang 'yung labi ni Papa at bahagyang napahinto sa paglakad sa hindi ko alam na dahilan. Kinabahan ako dahil akala ko ay susuntukin niya si Luke o kung ano man. Tinignan niya si Luke bago magsalita.

"Pwede ba kitang makausap?" tanong ni Papa. Tumango si Luke kaya lumabas silang dalawa.

Nakatingin lang ako sa mga kapatid ko na masama ang tingin sa akin, pati si Tita ay masama ang tingin sa akin. Hindi ako makalapit sa kanila dahil baka bigla na lang nila akong saksakin ng kutsilyo, pumapasok na talaga sa isip ko 'yon.

The World Could Die (Change Series #3)Where stories live. Discover now