"Sandali,"
Napasapo ako sa ulo ko, pilit pinoproseso ang mga nangyayari ngayon. Nakatayo lang kaming dalawa ni Luke. Nagulat ako nang yakapin niya ako nang mahigpit na para bang doon nakasalalay ang buhay niya. Nang matauhan siya ay bumitiw siya sa 'kin at hinawakan 'yung dalawang pisngi ko.
"Ikaw lang pala 'yon," nakangiting sabi ni Luke habang hawak pa rin ang magkabilang pisngi ko.
Huminga ako nang malalim at tumingin sa kaniya. "I-Ikaw... Ikaw 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango si Luke. "Nagkita na tayo dati?" tanong ko ulit at tumango ulit si Luke. I chuckled softly, feeling amused.
"Number one ka na," biglang sabi ni Luke. "Number one ka na sa 'kin, only one pa." He smiled.
I held both of his cheeks. "Ikaw rin, my number one... my only one." I tiptoed and gave him a soft kiss. He put his hand on my back to deepen our kiss. When he let go of my lips, I hugged him so tight.
"Meant to be?" I asked, still hugging him.
Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin. "Must be," he whispered.
Hindi pa rin ako makapaniwala. Siya pala 'yung batang nakita ko noon. Sobrang espesyal pa sa akin 'yon dahil wala talaga akong kaibigan noong mga panahon na 'yon. Nakaupo na kami ngayon sa kama at nakatingin lang sa keychain at hairclip. Hawak ko 'yung hairclip ko at hawak naman ni Luke 'yung keychain.
"Alam mo ba," panimula niya. "Noong bata ako, isa 'to sa mga una kong binili sa baon ko." He chuckled. "Kaunti lang 'yung baon ko noon dahil nagagalit sina Ate kaya nag-ipon pa ako noon para rito."
Tumingin ako sa kaniya. "Bakit mo binigay sa 'kin?"
He looked at me, too. "Hindi ko rin alam, basta may something sa 'yo na hindi ko maipaliwanag."
I rested my head on his shoulder. "Itong hairclip na 'to, galing kay Mama 'to." I smiled, almost tearing up. Naiiyak ako kapag naalala ko si Mama. "Mahilig kami sa Math dahil accountant siya, kaya nga ako nag-accountancy, eh."
Humarap sa 'kin si Luke kaya napaalis 'yung ulo ko sa balikat niya. "At least, nakita ko 'yung Mama mo, tinuro mo siya sa 'kin noon, eh." He smiled.
Tumango ako. "Ganda niya, 'no?"
Tumango rin siya. "Oo, kamukha mo."
"Ibig sabihin maganda rin ako?" tanong ko.
Natawa siya dahil iyon na iyon 'yung sinabi ko noon. Pinisil niya 'yung pisngi ko. "Hindi ka pa rin nagbabago."
Bahagya rin akong natawa. "Ikaw, bakit ka ba malungkot noon?"
"Nag-aaway lang sina Mommy at Daddy." Nagkibit-balikat siya. "Alam mo ba, sad boy ako noong bata." Natawa siya.
"Totoo?"
Tumango siya. "Oo, tapos sinabi mo na mas bagay sa 'kin kapag nakangiti ako kaya magsimula noon naging palangiti na ako, naging masayahin na ako."
"We?"
Ginulo niya 'yung buhok ko. "Oo nga," He planted a soft kiss on my lips. "You changed me, Elly, without you even knowing it."
Hinawakan ko ang dalawang kamay niya. "I love you."
Inakbayan niya ako at sinandal sa kaniya. "Mahal din kita, sobra."
Kinuha ko ang pictures mula sa box. Umayos ako ng upo para maipakita ko kay Luke 'yung mga picture namin ni Mama noon. Na-miss ko tuloy lalo si Mama, ang saya namin noon kahit dalawa lang kami.
"Dalaw tayo sa kaniya, gusto mo?" tanong ni Luke habang hawak ang picture namin ni Mama. Baby pa lang ako at karga-karga ako ni Mama, nakatawa si Mama habang nakatingin sa akin.
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...