"Hi, Ma. Nandito ulit ako."
Lumuhod ako at tinanggal ang mga dahon sa ibabaw ng puntod ni Mama. Nasa gilid ang maleta ko. Inilapag ko ang bag ko sa gilid ko at umayos ng upo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon, wala akong pupuntahan.
Gusto ko sanang pumunta sa mga kaibigan ko pero mas pinili ko na lang dito kay Mama. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanila ang desisyong ginawa ko, hindi ko rin alam kung maiintindihan nila... hindi pa ako handa, hindi pa ako handang pag-usapan. Gusto ko lang munang mapag-isa.
"Ma, patulog dito. Wala kasi akong pera pang hotel. Ayaw ko rin muna sanang abalahin ang mga kaibigan ko, masiyado ko na silang naabala nitong mga nakaraang araw." sabi ko kay Mama habang kumukuha ng kumot sa maleta ko.
"Sana walang multo rito, Ma. Medyo nakakatakot din pala." Bahagya pa akong natawa sa sarili ko. Inayos ko ang kumot at payapang humiga. Ipinikit ko ang mata ko at sandaling tumakas sa nakakapagod na mundo.
"Nak?" tawag sa akin ng isang babae sa likuran ko. Hindi malinaw ang lahat pero ang alam ko lang ay nasa ospital ako. Sa hallway ng ospital.
Unti-unti akong lumingon. Nang makita ko ang babae ay napangiti kaagad ako. "Ma," Ngumiti ako at nagmamadaling tumakbo papunta sa kaniya.
"Kumusta na ang baby ko?" malambing na tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko.
Nagsimula ng manggilid ang luha ko dahil sa tanong niya. Bumitaw ako sa yakap niya at tumingin sa kaniya.
I missed her. Those beautiful brown eyes, angelic face and her sincere smile. I miss her. Miss na miss ko na si Mama.
"Ma," iyon pa lang ang nasasabi ko ay naiyak na ako. "Ma, pagod na pagod na pagod na ako." I cried. "Ma, hindi ko na alam kung anong gagawin ko, kung saan ako pupunta, hindi ko na alam." paos ang boses na sabi ko.
Hinawakan niya ang pisngi ko. "The world hasn't been good to you, my baby Elly." sabi niya sabay punas ng luha sa pisngi ko. "But that doesn't mean you won't be good to yourself, too."
Nagkibit-balikat ako at humikbi. "Ewan," I cried. "Ewan ko na, Ma. I-I'm so lost." utal na sabi ko.
"Go back to where you started, sa pangarap mo... natin."
"Ayaw ko na, Ma." Yumakap ako sa kaniya. I miss her hug. "Pwede bang sumama na lang ako kung nasaan ka man ngayon?"
Bahagya siyang natawa dahil sa sinabi ko. "God isn't finish writing your story yet. Lumaban ka, anak."
Hinarap niya ako sa kaniya. "Hope... that's what you need." Inipit niya ang gulo-gulo kong buhok sa tainga ko. "Don't lose hope, anak. You'll be happy, too... because you deserve it." She smiled.
Parang may kung anong liwanag akong nakikita. Napaupo ako mula sa pagkakahiga at napasigaw. "Ma!"
Nang tumingin ako sa paligid ay gabi na pala. May liwanag akong nakikita sa harapan ko, itinaas ko ang kamay ko at bahagyang tinakpan ang mukha ko para hindi ako masilaw.
"Anong ginagawa mo riyan!" sigaw ng isang babae. Nagmamadali siyang lumakad papunta sa 'kin.
Tumayo ako. "Natutulog." sagot ko dahil totoo naman.
"Gaga ka ba?!" iritang tanong ni Addie. "Bakit ka natutulog diyan? Bakit hindi ka pumunta sa 'min?"
Napakamot ako sa ulo ko. "Uhm,"
Nakita ko si Nat na lumalakad na rin papunta sa amin, may kasama siyang lalaki. "Elly, are you out of your mind?" hindi makapaniwalang tanong ni Nat. "Bakit diyan ka natutulog?"
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...