"Congratulations, mahal. I'm so proud of you."
Nandito kami ngayon sa puntod ng Mama ni Elly. Akala pa nga niya nakalimutan ko na pupunta kami rito. Hindi ko makakalimutan lahat ng mga pangako ko sa kaniya. Gusto ko na nga sanang sabihin sa kaniya iyong plano nina Mama pero sinabi niya sa akin na huwag ngayon, huwag ko raw sirain ang araw niya.
"Ano bang problema mo?" tanong niya pagkahinto namin dito sa parking. Iniisip ko lang naman ang reaksyon niya kapag nalaman niya, wala naman talaga akong problema.
Pero hindi ako nakapagsalita nang biglang tumawag si Mommy. Ang kulit niya, sinabi ko na ngang sasabihin ko na kay Elly. Bakit pinipilit pa nila na sila ang magsasabi? Sigurado naman ako na aawayin lang nila si Elly.
"I'll tell her, wag niyo akong pangunahan." sabi ko kay Mommy pero bigang bumaba itong si Elly ng kotse. "I'll call you later, Mom."
"Ayaw mo na ba sa 'kin?" umiiyak na tanong niya habang nandito kami sa condo. Bakit ako aayaw sa kaniya? Iyon ba ang iniisip niya lagi? Na ayaw ko na? Imposibleng mangyari 'yon.
Sinabi ko sa kaniya 'yung plano nina Mommy at hinayaan naman niya ako. Pumayag naman siya. Inexplain ko pa iyong tungkol kay Ava dahil nakita niya pala kami. Sobrang nagkulang kami sa communication, parang walang nagkukusang buksan iyong mga topic na kailangan naming pag-usapan.
Mabuti na lang at naging maayos na ang lahat, naayos na namin ang lahat.
Pero talaga namang sinusubok ang relasyon namin ni Elly. Nag-aya itong si Jason at Ava na mag-inom sa isang bar. Ayaw ko nga. Ibibigay ko na lang kay Elly iyong oras na ilalaan ko sa kanila.
"But you owe me." sabi nitong si Ava.
Ah! Wala na naman akong magawa. Kailangan ko talaga iyong trabaho ko para pag-alis ko, wala ng iisipin si Elly.
"Fine," walang ganang sabi ko bago kuhanin ang susi ng sasakyan ko. Hindi ko alam kung bakit laging nandito sa shop ni Jason itong si Ava.
Pumasok ako sa loob ng kotse ko pero ito namang si Ava, bakit biglang sumakay sa passenger seat. "Sa 'yo na lang ako sasabay." nakangiting sabi niya. Hinayaan ko na lang.
We went to one of the resto-bars here in Alabang. Wala rin naman silang napapala sa akin dahil napakatahimik ko, ewan ko ba kung bakit sinama pa nila ako rito.
"Punta muna ako roon," sabi ni Jason. Tumayo siya at kumindat pa kay Ava na para bang may sinasabi siya sa babae at nagkakaintindihan sila.
I sipped my beer. "Anong oras pwedeng umalis?" Tumingin ako sa relo ko. "Naghihintay na sa akin iyong girlfriend ko."
Nagulat ako nang humawak sa hita ko itong si Ava. "Uh, Luke," pagtawag niya.
Napatingin ako sa kaniya at bahagyang lumayo pero ayaw niyang tanggalin iyong kamay niya. "Ava. I have a girlfriend." diretsong sabi ko.
"I don't much care." sabi niya bago ipalupot ang kamay niya sa leeg ko at mabilis akong hinalikan.
"Shit!" Mabilis akong tumayo. "Anong problema mo?"
"You owe me " tipid niyang sagot habang nakatingalang nakatingin sa akin.
"At hindi ko ibabayad ang sarili ko. If it's about your car, naayos ko na kahit hindi ko naman iyon trabaho. Just please, stay away from me!" galit na sabi ko bago umalis ng resto-bar.
Nagmamadali akong pumasok sa kotse. Nagdadalawang isip pa ko kung sasagutin ko ba iyong tawag ni Mommy. I had enough shits today.
I answered the call after three missed calls. "Yes?" I calmly asked.
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...