"I don't believe you."
Kanina pa ako kinukulit nina Calynn at Lian habang nandito kaming tatlo sa CR. Sinabi ko naman na sa kanila na magkaibigan lang kami ni Luke pero ayaw nilang maniwala.
"Mga scammer," biglang sabi ni Lian na kakalabas lang ng cubicle. Pumunta siya sa lababo at naghugas ng kamay. "Isa pa 'to si Calynn." Bahagya niyang siniko si Calynn. "Mabuti na lang ako, una pa lang aminado ng mahal ko si Drew." Tumingin siya sa taas at bumuntong hininga habang nakangiti.
Natawa ako. "First day pa lang, mahal mo na 'yon, eh."
"Weird," Umirap si Calynn at lumabas na ng CR. Nakatingin pa rin si Lian sa taas habang nakatulala at nakangiti.
"Huy," Bahagya ko siyang siniko kaya natauhan siya. "Huwag ka nang mag daydream dahil boyfriend mo na 'yon at hinihintay ka na sa labas."
"Oo nga." Humagikgik pa siya at nagmamadaling lumabas. Napailing na lang ako. Mahal na mahal niya talaga si Drew.
Kinabukasan ay hindi na rin ako sinaktan ni Papa. Mabuti na 'yon at mayroon naman siyang pahinga saktan ako. Baka ma-ospital na ako sa susunod, eh.
"Ang akala ko naman pinagsasalitaan ka lang!" inis na sabi ni Luke habang nandito kami sa cafeteria. Sabay kaming kumain ng lunch.
"Basta ang sabi ko sa 'yo sinasaktan ako." Nagkibit-balikat ako.
"Hindi mo nilinaw. Elly, wala ka ba talagang ibang lilipatan? Baka kung mapano ka pa riyan?" tanong niya bago uminom ng tubig.
"Wala nga, okay lang ako. Sanay na yata 'yung katawan ko. Okay lang, Luke. Lagi namang nangyayari."
Hinampas niya 'yung lamesa. "Aba!" sigaw niya kaya nagulat ako. "Hindi dahil laging nangyayari ay okay na. Kung pwede lang kitang sa condo ko patirahin, eh. Kaya lang siyempre hindi ka papayag. Ah! Paano ba?!" Napasabunot si Luke sa buhok niya.
Hinawakan ko 'yung kamay niya para kumalma siya. "Okay lang. Ang importante may nasasabihan na ako. Basta iiyak na lang ako sa 'yo kapag nasasaktan ako, ah."
"Hay nako, Elly. Gagawa tayo ng paraan." Napailing siya bago kumain ulit.
"Elly!" Napalingon kami kay Thomas na kakadating lang. Lumapit siya at tumayo sa gilid ng table namin ni Luke.
"Brad!" Tinanguan siya ni Luke. Magkasama nga pala sila sa Varsity.
"Kaya ba ayaw mong makipagdate dahil may boyfriend ka na?" Tumingin siya kay Luke.
Napatingin din ako kay Luke at mabilis na kumunot ang noo ko nang mapagtanto ko ang iniisip niya. "Huh? Hindi!" I waved my hand. "Hindi ko siya boyfriend."
"Bakit ayaw mo?" Tinaasan ako ng kilay ni Thomas. Anong pakialam niya? Kung ayaw ko, eh!
"Wala ka na roon." Binalik ko na lang 'yung tingin ko sa pagkain ko.
"Isang date lang. Pagkatapos titigilan na kita." sabi ni Thomas.
Napabuntong-hininga ako at tumingin sa kaniya. "Oo na, para tumigil ka na." napipilitang sabi ko bago ibalik ang tingin kay Luke. Kitang-kita ko 'yung gulat sa mata ni Luke.
"Bakit?" he mouthed. Pinanlakihan ko lang siya ng mata.
"Thank you, Elly." Tinapik ako sa braso ni Thomas pero agad ko ring iniwas. Hindi na niya napansin na nasaktan ako at umalis na siya.
"Taylor Ellery!" sigaw kaagad ni Luke.
"Luke Greyson!" sigaw ko rin.
"Ano 'yon?" Kumunot 'yung noo niya.
"Hayaan mo na, para tumigil."
"Anak ng!" Napailing siya bago bumalik sa pagkain niya.
Hindi ko na pinansin si Luke. Bumalik na rin naman kami sa klase namin. Malapit na matapos 'yung sem na 'to at mga final requirements na lang 'yung kailangan kong gawin.
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...