"Bakit mo ako isasama roon?"
Kumunot 'yung noo ko sa sinabi ni Luke. Bakit niya ako aayain doon? Nakakahiya! Hindi ako marunong makipagsosyalan. Wala pa man ay natatakot na ako sa pamilya niya. Pakiramdam ko ay hindi ako bagay roon. Alam ko pa na hindi maganda ang relasyon niya sa mga Ate niya, paano na lang 'yon?
"Ayaw mo ba?"
"Hindi naman sa ayaw. Baka lang kasi mapahiya ka kapag sinama mo ako roon."
Kumunot 'yung noo niya. "Bakit ako mapapahiya?"
Nag-iwas ako ng tingin at tumingin na lang sa bintana. "Siyempre, iba 'yung mga tao roon. Mga mayayaman 'yung nandoon."
"So?" Tumingin ako sa kaniya at tinaas niya 'yung kilay niya.
"Ewan ko sa 'yo, bal." Pinagkrus ko 'yung braso ko at padabog na sumandal sa sandalan ng kotse.
Kinalabit niya ako. "Sige na, please."
"Nandoon naman si Celine." bulong ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko 'yon sinabi. Sana hindi niya narinig.
"Ano?"
Nakahinga ako nang maluwag. "Wala, sige pag-iisipan ko."
"Thank you, bal." He smiled. Tumango na lang ako at lumabas na ng kotse niya.
Hindi ko alam kung papayag pa ako. Gusto kong samahan si Luke pero natatakot din ako sa pamilya niya. Isa pa, nandoon naman si Celine.
"Saan ka na naman nagpunta?" bungad ni Papa na nakaupo sa couch pagpasok ko ng pinto.
"May pinuntahan lang po, Pa." Ngumiti ako nang tipid. Tinanguan lang niya ako kaya nakahinga ako nang maluwag. Nagmamadali akong pumasok sa kwarto ko. Ginawa ko lang 'yung mga dapat gawin pagkatapos ay nagpahinga na ako, habang nakahiga ako ay nag-vibrate 'yung phone ko.
lukegreyson: Bal payag ka na please :(
ellesquivel: bakit ba kasi ako hmp
lukegreyson: Sige na para may kausap ako roon
ellesquivel: sasabihin ko bukas kung payag ako o hindi
lukegreyson: :(
Natawa pa ako bago patayin 'yung wifi ko. Mabuti nga at pinapa-connect nila ako sa wifi dito. Hindi ko na nireplyan si Luke. Bukas ko na lang sasabihin na payag ako. Friday na kasi bukas, eh. Tapos sa Saturday na 'yung birthday ng Mommy niya.
The next day, abala lang akong makinig sa prof buong klase hanggang sa sumunod na klase. Nag-aya lang mag-lunch si Luke kaya nandito kami ngayon sa cafeteria.
"Wala ka bang ibang friends? Bakit lagi mo ako inaaya maglunch?" tanong ko bago kainin 'yung nasa kutsara ko.
"Mayroon, siyempre. Gusto ko lang malaman 'yung sagot mo." Nag-beautiful eyes pa si loko.
"Oo na. Happy?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Thank you, bal." Ngumiti siya na akala mo nanalo siya sa lotto. Napailing ako bago ituloy 'yung pagkain ko.
Ang sabi ni Luke ay semi formal daw na party 'yon kaya nagsuot na lang ako ng black dress na fit sa akin. Nag-heels na lang din ako na stiletto para mas okay tignan. Mabuti na lang at may mga ganito ako para sa paminsan-minsang party sa school. Madalas din kasi ako regaluhan ng girls kapag birthday ko tapos puro dress at shoes.
"Saan ka pupunta?" bungad ni Papa na nakaupo sa couch. 5:00 PM pa lang at 5:30 daw 'yung start noong program. Susunduin daw ako ni Luke pero hihintayin ko na lang siya sa labas.
"May party po akong pupuntahan, Pa." sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Wala kang balak magpaalam?" Tumayo si Papa sa couch kaya medyo kinabahan ako.
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...