"Ang corny mo."
Napairap ako bago tumingin ulit sa dagat. Narinig ko ang mahinang tawa ni Luke. Sa sinabi niya, naalala ko tuloy kung paano namin pinanood ang Titanic noong first anniversary namin.
Hindi ko maintindihan pero sa tuwing nagkikita kami ni Luke, parang walang nagbago. It's as if there's a connection between us everytime we'll talk. Connection na hindi nawawala... kahit gaano pa katagal ang lumipas.
"Kumusta ka?" tanong niya habang nakatingin sa dagat.
"Ayos naman, ikaw?"
"Okay lang din. Sino kasama mo?"
"Kaibigan ko. Ikaw, fiancé mo?"
I pursed my lips because of what I said. Agad ding napatingin sa akin si Luke. "Fiancé?"
"Oo, 'yung fiancé mo." pag-ulit ko na lang.
Kumunot ang noo ni Luke at bahagyang napaisip. "Have I been engaged without me knowing?" bulong niya sa sarili niya. Napairap na lang ako, magde-deny pa si loko! Kitang-kita ko kaya ang engagement ring ni Celine!
"Sus," I whispered.
"Who's fiancé are you talking about?" he asked, still looking at me.
I rolled my eyes again. "Marami ba?"
Lalong kumunot ang noo ni Luke. "I don't have a fiancé." he said, I just shrugged. "How about you?" biglang tanong niya. "Are you in a relationship or something?"
Napatingin ako ulit sa kaniya. "Bakit mo tinatanong?" matapang na tanong ko.
"Because..." Hinintay ko ang kasunod na sasabihin niya pero hindi niya naman tinuloy. "Nothing." he said instead.
"Okay." I shrugged.
"Elly," pagtawag niya kahit nakatingin lang naman kami sa isa't isa. Tinaas ko ang kilay ko. "Bakit ka pumunta noong oath taking?" seryoso ang boses na tanong niya. Parang bigla tuloy lumakas ang tibok ng dibdib ko.
"Kasi..." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ano? Kasi mahal pa rin kita? Kasi gusto kitang makita, kahit sa malayo lang?
"Kasi?" tanong niya nang limang segundo akong hindi nagsalita.
"Kasi sinamahan ko 'yung kaibigan ko, oath taking ng boyfriend niya." Totoo naman. Sinamahan ko naman talaga si Mylene pero hindi ko sinabi ang totoong rason na nagpunta ako roon para sa kaniya, hindi naman na niya kailangang malaman.
"Iyon lang?" mapang-usisang tanong niya habang bahagyang nilalapit ang mukha niya sa 'kin.
Nag-iwas ako ng tingin. "Oo. Ano pa bang ibang rason? Wala naman na." I bitterly said.
"Elly!" Napatingin ako nang may biglang humawak sa braso ko. Nakita ko si Margaux na pipikit-pikit at mukhang anytime ay mahuhulog na lang dito sa dagat. "Uwi na tayo." she said while holding her head.
I nodded. "Nandiyan na ba 'yung sundo mo?" tanong ko dahil bumalik na kami sa station. "Lasing ka ba?"
Napahawak sa railings si Margaux dahil muntikan na siyang matumba, mahinhin pa rin naman siya pero halata sa mapungay niyang mata na lasing na lasing na siya.
"Okay ka lang ba?" tanong ko habang inaalalayan siyang umayos ng tayo.
"Elly, I think I'm going to pass out─"
"Margaux!" Napasigaw na lang ako nang bigla siyang bumagsak. Mabuti na lang at nasalo siya ng lalaki sa likuran niya, si Andreas. Napadilat din kaagad si Margaux nang maramdaman niyang sa lalaki siya bumagsak, nang makita niya 'yung lalaki ay napasimangot kaagad siya.
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...