"Gising! Gising!"
Nagising na lang kaming lahat dahil pinupukpok ni Lian 'yung kaldero gamit 'yung sandok. Dito kami lahat nakatulog dahil anong oras na, ilang asaran pa 'yung nangyari kagabi bago kami tumigil sa spin the bottle. Si Nat at Addie sa kwarto ni Drew, wala naman daw kasi silang jowa kaya kahit malambot na kama na lang.
Nakasandal sa magkabilang dulo ng couch si Steve at Drew, nakahiga sa dibdib nila sina Calynn at Lian, kami naman ni Luke ay pinagkasiya namin 'yung sarili namin sa isa pang couch na pang-isahan lang. Hindi ko rin alam kung paano kami nagkasiya ni Luke.
"Ano, sakit katawan niyo?" tanong ni Addie na pababa ng hagdan, kasama niya si Nat na kinukusot-kusot 'yung mata.
"Selfish," pang-aasar ni Calynn na kakagising lang sa kanila.
"Nakakahiya naman, mga Ma'am at Sir. Kain na po." nakapamewang na sabi ni Lian, tumayo na rin kami ni Luke sa couch, may pagkain na pala sa lamesa.
Kumain na kaming lahat, nagprisinta na rin sina Nat at Addie na sila na raw 'yung maghuhugas dahil malambot naman 'yung kama nila kagabi. Sana all!
"Drew, thank you." Tinanguan ni Steve si Drew, hinatid nila kami sa labas. Sa amin ulit sasabay sina Nat at Addie, si Lian naman ay maiiwan na raw.
"Sure," Tinanguan din ni Drew si Steve.
"Sige, salamat, bro." sabi ni Luke kay Drew, nagtanguan lang din sila bago pumasok si Luke sa kotse. Hinatid na namin sina Nat at Addie pagkatapos ay hinatid na rin ako ni Luke.
"Bye, bal." Ngumiti ako kay Luke pagkatapos kong alisin 'yung seat belt ko.
Hinawakan ni Luke 'yung batok ko at nilapit ako sa kaniya, napapikit ako nang dampian niya ng halik 'yung labi ko. "Bye, I love you."
Namumula na yata ako sa kilig. Tinanguan ko lang si Luke bago bumaba ng kotse dahil nangingiti na ako. Pagpasok ko ng bahay ay wala na si Papa, walang tao sa sala kaya payapa akong pumasok sa kwarto ko.
Lumipas 'yung mga araw na mas naging masaya kami ni Luke, kapag wala na siyang klase ay hinahatid niya ako. Hindi ko rin naman sinabi kina Papa na kami na ni Luke dahil sigurado naman akong wala silang pakialam.
Simula na raw ng training nina Luke para sa Inter-University kaya hindi na niya ako naihahatid, okay lang naman sa akin. Nandito ako ngayon sa school at gabi na dahil may tinapos kami ng groupmates ko na requirements. Naisipan ko na rin puntahan si Luke sa bleachers. Medyo kinakabahan pa ako dahil mag-isa lang ako, binilihan ko lang siya ng burger at gatorade.
Sisilip-silip ako ngayon dito sa bleachers. Nagpa-practice na pala sila ng basketball dahil sa Monday na 'yung start ng game. Friday na kaya inabot na sila ng anong oras.
Nagningning 'yung mata ko nang makita kong naka-three points si Luke. Noong nakaraang nood namin ay hindi ko naman siya napapansin dahil kasama ko si Eugo noon, isang beses lang yata ako nanood last year.
"Water break," sabi noong coach nila. Pumunta na sila sa gilid ng bleachers kaya lumapit na rin ako. Nagpupunas ng pawis si Luke habang nakatalikod.
"Elly!" sigaw ni Steve kaya napatingin si Luke. Ngumiti ako kay Steve bago lumapit kay Luke, may dala-dala akong paper bag, 'yung burger at 'yung gatorade.
"Bal," Parang nagulat pa si Luke nang makita ako.
"Hello." I smiled. "Okay lang ba? Pwede ko namang iwan tapos alis na ako."
"Hala, hindi. Okay lang, siyempre. Kaya lang may isang game pa yata kami, okay ka lang maghintay?"
Tumango ako. "Dito lang muna ako." Umupo ako sa upuan sa bleachers.
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...