Chapter 3

10.2K 227 74
                                    

"Oo naman."

Ngumiti ako kay Luke. Bakit ko naman hihindian na maging kaibigan siya? Mabait naman siya, eh. Isa pa, wala naman akong masiyadong kaibigan tapos tatanggi pa ako sa kaniya? Masaya kaya ang maraming kaibigan.

"Sabi mo 'yan, ah." ngumiti siya at inabot 'yung kamay niya. "Friends."

Nakipag-kamay ako sa kaniya. "Friends." Ngumiti ako pagkatapos ay lumabas na ako ng kotse niya.

"Hello, Elly." bati sa akin ni Lara. Siya lang 'yung kaibigan ko sa room pero madalas ay wala rin siya dahil madalas silang magkasama noong best friend niya kahit magkaiba sila ng department.

"Hi," tumabi na ako sa tabi niya. Tahimik lang naman ako at hindi ako pala-kwento kaya puro tungkol lang sa school 'yung topic namin.

Payapa lang akong nakinig sa Prof buong klase. Hindi naman ako pala-kaibigan, eh. Mas madalas ay nag-aaral lang akong mag-isa. Kailangan ko rin kasing i-maintain 'yung grades ko para sa scholarship ko.

"Hi, Elly." bati sa akin ni Calynn nang magkasalubong kami rito sa school. Pauwi na ako at mukhang pauwi na rin siya.

"Hello." ngumiti ako sa kaniya.

"Someone is asking for your number, can I give it to him? If you don't want it's okay." sabi niya habang naglalakad kami palabas ng gate.

"Huh? Sino?"

"Steve's best friend."

"Iyon bang kasama natin noong birthday mo?" tanong ko habang naglalakad pa rin.

"Yes." sagot niya.

"Okay lang naman." Pumayag naman akong maging kaibigan niya kaya okay lang para sa akin.

"Yey! Thank you, Elly!" bumeso siya sa akin bago magtatakbo papunta sa gate dahil nag-aabang na pala roon si Steve. Sila na pala ni Steve, sinagot na niya.

Nandito lang ako sa kwarto at nag-aaral. Pinipilit kong umuwi nang maaga palagi para hindi na ako pagalitan nina Papa. Kailangan ko kasi silang ipaghain at ipaghugas ng plato lagi. Parang nakikita lang ako ni Papa bilang katulong niya.

Habang nagco-compute ako ng mga debit credit na 'to ay biglang tumunog 'yung phone ko. Tinignan ko kaagad 'yon.

From: Unknown Number
Hi.

Sa tingin ko ay si Luke na 'to. Siya lang naman 'yung nanghingi ng number ko.

To: Unknown Number
Luke?

From: Unknown Number
Who's Luke?

Napakunot 'yung noo ko, nangti-trip ba 'to? Hindi ko na lang nireplyan at binalik na lang 'yung phone ko sa kama. Nakadapa lang ako sa kama at nag-aaral dahil wala naman akong study table dito.

Pero nagvibrate ulit.

From: Unknown Number
Elly 'di ba?

To: Unknown Number
Sino ba 'to?

From: Unknown Number
Thomas. Basketball player ng NAU ;)

"Sino ba 'to?" tanong ko sa sarili ko. Nag-vibrate na naman pero this time, sa instagram 'yung notification.

(ellesquivel): lukegreyson started following you.

Tinignan ko 'yon. Cinlick ko 'yung profile niya para ma-follow back siya. Friends naman na kami kaya okay lang.

@lukegreyson
35 Posts - 9,201 Followers - 230 Following

Luke Greyson Valdez
ARKI.

Marami rin siyang followers. Sabagay, varsity player ng NAU, eh. Mga drawing ng design ng bahay 'yung nasa feed niya, mayroon ding mga sapatos at bola ng basketball.

The World Could Die (Change Series #3)Where stories live. Discover now