"Aattend ba kayong acquaintance?"
Nandito kami ngayon sa bench na tatlo, ako, si Calynn at si Lian. Wala si Nat dahil may klase raw, wala si Addie dahil lumipat na ng school. Sobrang nakakalungkot na wala na si Addie kapag tumatambay kami rito sa bench. Nami-miss na namin siya nang sobra.
"Siguro?" patanong na sagot ni Calynn kay Lian.
"Hindi ka pa sure, ah." Natawa ako.
Naging maayos 'yung simula ng 3rd year ko sa college. Dahil sa pabor na hiningi ni Papa kay Luke ay hindi na niya ako sinasaktan. Hindi na namin napag-usapan ni Luke 'yung tungkol sa pamilya niya, ang sabi niya ay huwag akong mag-alala dahil hindi siya lalayo sa akin.
"Bal," Bigla na lang sumulpot itong si Luke sa gilid ko. Mapang-asar pa akong tinignan nina Calynn at Lian.
"Friends," bulong pa ni Calynn. "Hi, Luke." Kumaway siya kay Luke.
"Hello, Calynn." Ngumiti sa kaniya si Luke.
"Upo ka muna," Tinuro ni Lian 'yung upuan sa tabi ko.
"Sige, thank you." Umupo sa tabi ko si Luke. "Bal," humarap siya sa akin.
"Oh, bakit?"
"Busy ka ba ngayon? Samahan mo naman ako."
Pinatong ko 'yung siko ko sa lamesa at humarap sa kaniya. "Saan?"
"Gusto ko lang lumabas." He sighed.
Hinawakan ko 'yung braso niya. "Okay ka lang?"
"Oo, okay lang. Busy ka ba?"
"Hindi, tara na." Tumayo ako sa upuan at tumingin kina Calynn. "Una na kami, ah."
"Ingat kayo." Nginitian kami ni Calynn.
"Bye!" Kumaway pa si Lian.
"Sige," Nginitian sila ni Luke bago ako akbayan at akayin palakad.
Tumingin ako kay Luke habang lumalakad kami papunta sa parking. "Okay ka lang ba?"
"Oo," tipid na sagot niya bago huminto sa kotse niya.
Pumasok ako sa kotse niya at pinapanood ko lang siya habang papasok siya kotse. Hindi siya nagsasalita.
"Bal," bungad ko pagpasok niya.
"Bakit?" Hindi siya lumilingon sa akin at sinusian lang 'yung kotse, papaandarin na sana niya pero hinawakan ko 'yung kamay niya. "Bakit?" tanong niya ulit.
I cupped his face. "Bakit?"
"Wala nga." He smiled.
"Hindi ako naniniwala, ano nga?" I caressed his cheeks.
"Wala, problema lang kina Mommy. Huwag mo nang isipin, gusto lang talaga kitang makasama."
He gave me kiss on my forehead before starting the engine. Umayos na rin ako ng upo at tumingin na lang sa bintana. Sana nga okay lang, sana nga wala lang talaga.
"Pwede ba kitang maging date sa acquaintance party?" tanong ni Luke bago kumagat ng burger. Nandito na naman kami sa burger king. Favorite niya talaga itong fast food na 'to.
"Oo naman," I smiled. "Wala ka bang ibang date?" kumagat na rin ako ng burger ko.
"Ikaw lang."
Tinago ko 'yung bibig ko sa burger para hindi niya makitang nangingiti ako. Hindi ko alam kung nanliligaw ba si Luke o ano, hindi ko rin alam kung ano kami. Basta magkaibigan kami, ang sabi niya ay mahal niya ako pero hindi pa ba pwedeng maging kami? I mean, handa naman na ako.
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...