"Thank you. Happy anniversary."
Mas hinigpitan ko pa 'yung yakap ko kay Luke. Hindi ko talaga alam kung ano'ng mabuting bagay ang nagawa ko para magkaroon ako ng tulad ni Luke. Parang all in one na, eh. Siya na 'yung best friend ko, iyong boyfriend ko, pati pamilya, siya na rin 'yung maituturing ko.
He cupped my face and planted a soft kiss on my lips. "Happy anniversary."
Hinila na niya ako papunta sa lapag sa couch. Mayroong kumot doon kaya okay lang na umupo ako kahit naka-skirt ako. Mayroong madaming pagkain sa harapan namin, nakagilid 'yung center table kayang kitang-kita namin 'yung TV.
"Movie date." nakangiting sabi ni Luke habang hawak 'yung remote.
Nagplay siya ng Titanic para raw romantic. Minsan corny talaga si Luke, eh. Umakbay siya sa 'kin kaya sumandal ako sa kaniya habang may hawak na chichirya. Nakasandal kami sa couch. Tahimik lang akong nanonood. Ang weird lang dahil sa ilang taong nabubuhay ako ay ngayon ko pa lang mapapanood 'yung Titanic. Maybe, si Luke talaga 'yung destined na makasama ko sa panonood nito.
Tahimik lang ako habang nanonood. Hindi ko na napigilan 'yung luha ko nang mamatay si Jack. Ang sakit ng mga ganitong love story. Grabe lang.
Tumingin sa 'kin si Luke, nakaakbay pa rin. "Hala, dapat yata hindi na 'yan 'yung pinlay ko. Umiiyak ka."
Natawa ako nang bahagya at hinampas siya sa dibdib niya. "Pang-asar ka, alam mo?"
Natawa rin siya at tumayo. "Sandali, papasayahin na lang kita." Pumunta siya sa ref at may kinuhang kung ano roon. Napangiti ako nang maglabas siya ng chocolate cake. Umupo siya ulit sa tabi ko habang hawak ang cake.
'Happy anniversary. I love you forever.'
Mayroong isang candle na nakatusok doon, siguro dahil 1st anniversary. Nilapag niya ang cake sa harapan namin at kumuha ng lighter sa bulsa niya. Sinindihan niya 'yung kandila bago hawakan 'yung dalawang kamay ko.
"Wish tayo." sabi niya habang nakatingin sa cake.
"Okay." Pumikit ako at ngumiti. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. Tahimik lang, wala akong ibang marinig kung hindi ang tibok ng puso ko.
I silently wish... no, I prayed. From the deepest bottom of my heart, I prayed.
Sana si Luke na ang pang-habang buhay ko.
"1... 2... 3..." Sabay naming hinipan 'yung kandila. "Ano 'yung wish mo?" tanong niya.
Natawa ako. "Aba, sa 'kin na lang 'yon."
He pouted. "Madaya," Napatingin siya sa teddy bear na nasa couch. "Oo nga pala," Kinuha niya 'yung teddy bear at inabot sa akin. Inabot din niya 'yung box na rectangle na color black.
Napapikit ako nang makita ko 'yung tatak. Daniel Wellington. Binuksan ko 'yon at napabuntong-hininga ako nang makita ko 'yung Iconic Link Lumine na relo. Color silver 'yon na may rose gold sa gitna. Alam ko 'to dahil nakita ko na 'to nang minsan sa social media, alam ko rin na mahal 'to.
Napailing ako. "Tsk,"
Bahagyang nalungkot si Luke. "Ayaw mo?"
Napatingin kaagad ako sa kaniya dahil sa lungkot ng boses niya. "Huy! Siyempre, gusto. Nahihiya lang ako na bili ka nang bili ng mga mahal para sa 'kin."
"Bakit? Mas mahal naman kita, eh." He pouted.
"Ikaw!" Pinisil ko 'yung pisngi niya gamit ang kanan na kamay ko. "Kaya mahal na mahal kita, eh."
Napangiti si Luke. "Ah! Ang sarap marinig. Ang dalang mo kasing sabihin." He chuckled.
Natawa rin ako. "Action speaks louder than words."
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...