"Don't tell me you're staying here?"
Pinakasuri ng Ate ni Luke 'yung damit ko at napansin niya siguro na damit ni Luke 'yung suot ko. Hindi ko na ngayon alam ang gagawin at sasabihin, kasama pa si Celine. Naka-jumpsuit sila parehas, red si Celine at black naman 'yung Ate ni Luke. May mga dalang paper bag at mukhang nag-shopping sila.
"Answer my question, are you mute?" iritang tanong ng Ate ni Luke habang unti-unting humahakbang papasok ng condo kaya napilitan akong umatras.
"You live here? Pinayagan ka ni Luke?" Tinaasan ako ng kilay ni Celine na ngayon ay sinasara na ang pinto ng condo ni Luke. Nasa tapat na ako ng dining table nang huminto sila kakalakad.
"Ahm," I don't know what to say! "Ah, yes po. Dito po muna ako."
Nanlaki 'yung mata ko nang sampalin ako ng Ate ni Luke. Napahawak na lang ako sa pisngi ko na sinampal niya. "I told you, huwag na huwag kong malalaman na nakikinabang ka sa pera ng pamilya namin!" sigaw niya sa 'kin.
Napahawak 'yung kanang kamay ko sa lamesa para roon kumuha ng lakas. "Sorry po."
I almost cried when she slapped the other side of my cheek. "You whore! I know you're just doing this because of our money. As if naman mahal mo ang kapatid ko!" galit na sigaw niya sa 'kin.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Sa tingin ba niya ay pera lang ang habol ko kay Luke? Kung hindi mayaman si Luke, mamahalin ko pa rin siya at sigurado ako roon.
"I'm sure, pretty sure, sis that she's just after the money." Inirapan ako ni Celine. Hindi ko maintindihan kung bakit kapag nandito si Luke ay ang bait-bait niya.
"I swear to God, ilalayo ko si Luke sa 'yo!" sigaw ng Ate ni Luke habang dinuduro ako. "Mukha kang pera! Tandaan mo 'to, ilalayo ko si Luke sa 'yo at wala kang magagawa roon!" madiin na sabi niya.
"Hindi po pera 'yung habol ko kay Luke," nanggigilid-luhang sabi ko. "Hindi lang po 'yon ang pwedeng magustuhan ko kay Luke. Luke is so much more than that. Wala po akong pakialam sa pera ni Luke, minahal ko siya dahil mabuti siyang tao." Tumingin ako kay Celine. "Alam mo dapat 'yon, Celine, dahil sigurado naman akong hindi pera ang dahilan kung bakit mo siya minahal noon." Hindi ko alam kung bakit medyo napalakas yata ang boses ko.
Napaatras na lang ako nang lumapit si Celine para sabunutan ako. "Dapat hanggang ngayon kung hindi ka lang pumasok sa eksena!" sigaw niya sa 'kin. Tinulak niya ako ng isang malakas kaya napaupo ako sa sahig.
Napatingin kaming tatlo nang biglang bumukas 'yung pinto. "Mahal, I'm home!" excited na bati ni Luke pagbukas ng pinto, may dala pa siyang doughnut pero nawala 'yung ngiti niya nang makita niya ako. Nagmamadali siyang tumakbo at lumapit papunta sa 'kin. Nilapag niya sa lamesa 'yung doughnut at tinulungan ako tumayo. Nang makatayo ako ay galit na galit siyang tumingin kay Celine at sa Ate niya.
"What are you doing here?!" nagpipigil na tanong ni Luke habang hawak ang dalawang braso ko.
"We just brought you clothes and that's how you welcome us?" iritang tanong ng Ate niya. Si Celine naman ay nakayuko na ngayon na para bang hindi na siya makabasag pinggan, ibang-iba siya kanina.
"What do you expect? Dumating ako na sinasaktan niyo 'yung girlfriend ko!" galit na sagot ni Luke.
"But... siya 'yung nauna," biglang sabat ni Celine.
Napatingin sa 'kin si Luke, hindi ako nagsalita at yumuko lang. Binalik niya 'yung tingin niya kina Celine. "I don't care!" sigaw niya. "Condo namin 'to at wala kayong karapatang saktan siya sa sarili naming condo!"
Sarkastikong tumawa 'yung Ate niya. "Condo niyo? Si Daddy ang nagbabayad nito, 'di ba? May ambag ba 'yan?" Dinuro ako ng Ate niya.
"Still... nandito kayo sa condo namin. Umalis na lang kayo, Ate. Pasensiya na," Ramdam ko 'yung pagpipigil sa boses ni Luke.
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...