Trigger Warning: Suicide, Self-harm
"Congratulations, mahal!"
Natawa ako sa reaksyon ni Luke nang buksan niya 'yung condo niya. Nakakunot 'yung noo niya at gulo-gulo ang buhok, mukhang bagong gising. Pinaghandaan ko talaga 'tong araw na 'to, maaga kong pinag-gayak ng pagkain sina Papa para maaga ako makapunta rito kay Luke. Gusto ko na umaga pa lang ay masaya na 'yung araw niya dahil finally, graduate na siya.
"Ano'ng ginagawa mo rito nang ganito kaaga?" Tumingin siya relo niya. 8:00 AM pa 'yung graduation pero 6:00 AM pa lang ay nandito na ako.
"Paghahanda kita ng breakfast, sige na, gayak ka na." Pumasok na ako sa condo niya at hinawi ko pa siya nang bahagya.
Sumunod sa 'kin sa Luke sa kusina. Abala akong maghanap ng mga pwedeng lutuin sa kitchen cabinet niya. "Bakit ang aga mo? At saka ano nga 'yung tinawag mo sa 'kin kanina?"
Kinukuha ko 'yung pancake pero hindi ko maabot kaya kinuha ni Luke para sa 'kin. "Bal," sagot ko pagkakuha ko sa kaniya ng box ng pancake. "Ang sabi ko, 'congrats, bal'."
"Bal ba?" Napakamot siya sa ulo niya. "Akala ko iba 'yung rinig ko, inaantok pa nga siguro ako." Napailing siya bago lumakad papunta sa kwarto niya.
Tumingin ako kay Luke at bahagyang natawa. "Congratulations, mahal." biglang sabi ko.
Biglang napalingon si Luke pero naibalik ko na 'yung tingin ko sa ginagawa kong pancake. "Ano 'yon?" mapang-asar na tanong niya.
Maang-maangan akong tumingin sa kaniya. "Huh? Hindi naman ako nagsalita."
"Okay, kunwari na lang hindi ko narinig." He smirked before going to his room. Napangiti na lang ako.
Pinagtimpla ko na siya ng kape pagkatapos kong ilagay 'yung pancake sa lamesa. Mabuti na lang at lumabas na rin sa CR si Luke. Nakasuot siya ng black slacks at wala pa siyang kahit anong suot sa taas. May hawak siyang twalya at pinapatuyo 'yung buhok niya. Napalunok ako nang dumaan siya sa harapan ko. I mean, hindi ko naman sinasadiyang mapatingin sa abs niya.
"Ayan 'yung breakfast, ha. Hindi ako." pang-aasar ni Luke. Nag-iwas kaagad ako ng tingin at nilapag ko na 'yung kape niya sa lamesa.
"Magdamit ka nga," Inirapan ko siya bago umupo.
He chuckled. Lumapit siya sa harapan ko. Ipinatong niya 'yung isang kamay niya sa lamesa, 'yung isa at sa sandalan ng upuan ko tapos yumuko para magpantay ang mukha namin. "Na-d'distract ka ba, Taylor Ellery?" He smirked.
I gulped. Nakatingin lang ako sa kaniya.
Imbis na sumagot ay tumayo na lang ko. Pumunta ako sa kwarto niya at kinuha ko 'yung polo niya na nakasampay sa labas ng cabinet. Gray polo 'to kaya nag-gray din ako, tinanong ko kasi 'yung kulay ng isusuot niya. Cute nga dahil gray din 'yung suot namin noong Acquaintance Party na sinagot ko siya.
Lumabas ako at lumapit kay Luke. Ako na 'yung nagsuot sa kaniya ng polo. Natawa siya sa 'kin pero inistretch naman niya 'yung kamay niya para maisuot ko pagkatapos ay binutones ko na.
"Sweet mo," Bigla na lang niyang hinalikan 'yung labi ko. Akala ko ay dadampian lang niya pero ginalaw niya 'yung labi niya. Nang hindi ko sagutin 'yung halik niya ay bumaba 'yung labi niya sa leeg ko.
"Luke, baka ma-late ka. Iyong pagkain, lalamig." pagbabawal ko.
"Saglit lang, eh." he said, still kissing my neck.
I gasped. Napahawak ako sa braso niya nang makaramdam ako ng kiliti sa paghalik niya sa leeg ko. "Malulukot 'yung damit mo." halos pabulong na sabi ko.
"Pa-plantsahin," he said, removing the buttons of his polo. Bumalik 'yung labi niya sa labi ko at nagsimula na 'yung kamay niyang ibaba 'yung zipper sa likod ng dress ko.
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...