Chapter 42

9K 170 12
                                    

"Binili mo 'to?"

Nagpapalinga-linga si Luke sa bahay ko. Nauuna akong lumakad dahil pupunta na ako sa kitchen habang siya ay nandoon lang sa sala at patuloy pa rin ang pagtingin-tingin sa loob na akala mo ay ngayon lang siya nakakita ng bahay.

"Ah, hindi. Kasama sa signing bonus ko." sagot ko bago kuhanin ang jar ng kape ko sa kitchen cabinet sa ibabaw ng kitchen ko. Maliit ako pero abot ko dahil pina-renovate ko 'tong bahay kaya naka-design talaga siya para sa 'kin.

"Nasa 'yo pa pala 'to?" biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya habang may hawak akong jar ng kape at asukal sa magkabilang kamay ko. Hawak pala niya ang teddy bear na regalo niya sa 'kin noon.

I nodded. "Siyempre." Nahagya akong ngumiti tapos pinatong ko na 'yung kape sa counter top, kumuha na rin ako ng tasa niya.

"Ikaw lang mag-isa rito?" Lumalakad na siya ngayon palapit sa 'kin habang hawak ang teddy bear sa kanan na kamay niya.

I nodded again. "Wala naman akong ibang makakasama," I chuckled. "Upo ka muna riyan, matatapos na."

He sat on the chair of the dining table. "Hindi ka ba nalulungkot dito mag-isa?" biglang tanong niya.

Lumakad ako papunta sa kaniya, bitbit ang mug. Nilapag ko 'yon sa lamesa sa tapat niya tapos umupo na ako. "Minsan, pero sanay na ako."

Tumango siya. Kinuha niya ang mug at hinipan-hipan 'yon bago sumimsim. Hindi siya nagsalita at tumingin lang sa 'kin.

"Hindi ba masarap?" kinakabahang tanong ko. "Nagbago ka na ba ng timpla?" Maraming kape kasi ang nilagay ko tapos kaunti lang ang asukal. Ganoon kasi ang gusto niya noon. Mahilig siya sa mga mapapait kaya dark chocolate ang favorite niyang chocolate.

Naalala ko, hindi niya nga pala kaya ng walang chocolate. Ganoon pa rin kaya siya? Mahilig pa rin sa chocolate?

He smiled. "Masarap. Mabuti na lang naalala mo pa." sabi niya bago ilapag ang tasa sa lamesa.

"Wala naman akong nakalimutan." I smiled, too.

Tuluyan na siyang napangiti at ganoon din ako. Para kaming tangang nakatingin sa isa't isa. Naputol lang 'yon nang bumuntong hininga siya para pigilan ang ngiti niya.

"Masaya ka ba?" biglang tanong ko.

He intensely looked at me. "Ngayon, oo."

"Noon?"

He shook his head. "Hindi. Hindi malungkot, hindi masaya. Parang wala lang."

I nodded. Ganoon din ang nararamdaman ko noong naghiwalay kami. Sakto lang. Mas lumalamang pa ang lungkot kapag nami-miss ko siya, sila ng anak namin.

He held my hand that is resting on the table. "Pero ngayon..." he said, looking straightly into my eyes. "Masaya na ulit, okay na ako ulit."

I smiled sadly. "Sana ganoon lang kadali, 'no? Para tapos na, okay na ulit lahat."

"Sana nga." He sighed.

Kinuha ko ang kamay ko sa kaniya at ngumiti. Hinintay ko lang siyang maubos ang kape niya. Hindi ko na rin kasi alam kung ano pa ba ang pag-uusapan namin. Baka bigla na lang ako bumigay at sabihing kami na lang ulit.

Hindi pa pwede. Kailangan ko munang ayusin ang tungkol sa pamilya niya.

"Gabi na rin pala," He stood up after he finished his coffee. "Una na ako para makapagpahinga ka na."

I stood up, too. "Sige, hatid na kita."

Lumabas na kami parehas ng pinto pagkatapos ay binuksan ko na 'yung gate pero kaagad akong napaigtad at napasigaw nang may marinig akong putok ng baril.

The World Could Die (Change Series #3)Where stories live. Discover now