"Happy birthday, Elly!"
Sabay-sabay silang sumigaw pagka-blow ko ng candle. Pumapalakpak pa sila kaya bahagya akong natawa. Kaniya-kaniya na kaming kuha ng platito na inilagay ko kanina rito sa center table. Wala silang ibang ginawa kung hindi ang mag-asaran nang mag-asaran. Natatawa na lang ako.
"Salamat, Elly!" bumeso sa akin si Addie bago umuwi. "Happy birthday."
Hinatid namin silang lahat ni Luke sa pinto. Nang matapos na ay naghugas na ako ng mga ginamit namin noong kumain kami, si Luke naman ay naglilinis doon sa sala. Nagbabanlaw na lang ako dahil tapos na akong magsabon.
"Mahal," Nagulat ako nang yumakap sa baywang ko si Luke mula sa likuran ko. He put his chin on my shoulder, naglalambing.
"Hmm?" I asked him. Dalawang baso na lang ang huhugasan ko at tapos na ako. Hindi nagsalita si Luke, nanatili lang siyang nakayakap sa akin hanggang sa matapos akong maghugas.Nang matapos na ako ay humarap ako sa kaniya.
"Elly," pagtawag niya ulit.
I held both of his cheeks. "Hmm?"
"Happy birthday." He smiled genuinely.
Mabilis ang naging pagyakap ko kay Luke. I really don't know how can he make me happy by just smiling, how he can calm me by just being on my side. I guess, ganoon siguro kapag mahal mo, isang ngiti, isang yakap, lahat okay na.
"Salamat," I whispered with so much sincerity. "Salamat sa lahat,"
Araw-araw ay mas sumasaya kami, hindi ko nga alam na magiging excited ako sa pasko. Usually naman kasi ay nasa kwarto lang ako kapag pasko dahil sina Papa lang ang nagce-celebrate, but this year is different, namimili kami ni Luke para sa i-de-decorate namin sa condo.
"Gusto mo maliit na Christmas tree lang o malaki?" tanong ko habang nagtitingin ng christmas tree dito sa mall. Tulak-tulak ni Luke ang push-cart at ako naman ay abalang maghanap ng christmas decor.
"Ikaw ba?" tanong niya.
I looked at him. "Sa 'kin, okay na 'yung sakto lang sa sala, kahit huwag na masiyadong malaki. Ikaw ba?"
"Okay rin ako sa sakto lang," He smiled and pointed one of the Christmas tree. "Ito ba?"
"White? Nasa ibang bansa ka ba?" I chuckled.
"Ayaw mo?" He pouted.
Natawa ulit ako. "Gusto naman." Binalik ko ang tingin ko sa Christmas tree. Maganda naman siya, siguro ay hanggang baywang ko ang laki. Ipapatong na lang namin sa isang side table sa sala.
Bumili na rin kami ng mga christmas balls na color red. Green ang pinili kong garland at mayroong mga silver and gold na ribbons. Mayroon ding iba pang maliliit na pang-decorate gaya ng mga gifts at snowflakes.
"Ang mahal pala," bulong ko kay Luke nang nagbabayad na siya.
Tinakpan ni Luke 'yung mata ko pagkabigay niya ng card niya sa cashier. "Para hindi mo makita." He chuckled.
Inalis ko ang kamay niya sa mata ko at sinamaan siya ng tingin pero tinawanan lang niya ako. Nilagay ulit namin sa push-cart 'yung mga binili namin para itutulak na lang ni Luke dahil medyo marami rin.
Inabala namin 'yung sarili naming mag-ayos dahil wala rin namang pasok si Luke. Christmas vacation ko na at isang sem na lang ay ga-graduate na ako.
"Bal, lagay mo nga 'to riyan sa kabilang side." Ibinigay ko ang ilang Christmas balls kay Luke.
"Hala, ang cute!" Nagtakip pa si Luke ng bibig niya at bahagyang umatras. Hinila niya 'yung kamay ko at inakbayan ako. "Ang ganda, 'no?" tanong niya habang nakatitig sa christmas tree.
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...