TC#18 : Rage

1K 47 7
                                    


TC#18 : Rage

I

Nasa loob nang apartment ni Ces si JL. Ipagluluto raw ni Ces si JL nang dinner. Sa ngayon ay kakatapos pa lamang nilang kumain.

Matagal nang may espesyal na pagtangi si Ces para sa Dauphin nilang si JL. Natakot lamang siyang lapitan ito dahil sa posisyon nito bilang maharlikang morpher. Nagkataon lang ang nangyari sa kanila at wala sa hinagap niyang mangyayari ito.

Natakot at nasiyahan siya nang malaman na may nangyari sa kanila ni JL. Natakot na maharap sa kahihiyan ang kanyang angkan dahil ibinigay niya ang kanyang sarili na hindi pa kasal, tiyak na malaking usapin ito sa buong angkan nila. Masaya dahil naging dahilan ito upang maging malapit sila sa isa't-isa nang mahal niya.

Si JL , bagama't naguguluhan ay alam niyang sa ilang araw na palagi silang magkasama ni Ces ay nakabuo siya nang espesyal na pagtingin dito. Sino nga bang hindi ? Maganda at maalaga ang dalaga , bagay na ngayon niya pa lamang naranasan sa buong buhay niya. Ngunit ayaw niyang magcommit , bata pa siya at ayaw niya pang magpakasal kahit na hindi kaso sa mga morphers kung ano ang edad sila magpapakasal.

Inilibot ni JL ang kanyang mata at isinandig ang likod sa headboard maliit na kama ni Ces. Halatang mula sa maralitang angkan si Ces dahil hindi man lamang ito makabili ng mga mamahaling pagkain sa loob ng Xanadu Scolu. Bumuntong hininga siya.

Napansin niyang tumabi sa kanya si Ces. Halatang kinakabahan ang babae dahil sa hindi ito mapakali sa kanyang pagkakaupo.

"Uhmm , JL , na-naisip ko lang. A-ano totohanin na lang natin ang relasiyon natin" utal utal at kinakabahan na sambit nang dalaga.

Nahihibang naba siya ? Totohanin ?! Una pa lamang ay nilinaw na ni JL na hindi sila magiging totoong magnobyo't nobya na hindi pa nila gusto ang isa't-isa.

"A-ayoko nga ! Nababaliw ka na--" isang halik ang iginawad nang babae upang mapatigil sa pagsasalita si JL na naging mabisa. Natameme si JL.

"A-ano ?! Payag ka na ba ?" malakas ngunit nahihiyang sambit ni Celestina.

Hindi agad nakabawi si JL. Unang beses niyang makatanggap ng halik mula kay Ces , isantabi na lamang ang unang halik nila na tawag lamang ng laman. Naramdaman niyang may pag-ibig sa halik na iyon ngunit hindi siya sigurado. Napag-isip isip siya. Is it even worth a try ?

"O-kay ?" nabigkas niya na lang. Nanlaki ang mata nang babaeng kaharap niya. Hindi dahil sa sagot niya kundi dahil ito na ata ang pinakamaikling sagot na natanggap nang babae mula sa kanya , himala bang maituturing ?

Gagawaran na sana ni JL nang halik si Ces nang isang kulay pulang scroll na may nakaukit na gintong dragon ang nahulog mula sa bintana ni Ces. Paglingon niya ay nakaalis na ang courier. Isang mensahe mula sa kataas-taasang ministro.

Binasa niya ang nakasulat at nagulat. Nag-init ang dugo niya. Trinaydor ba siya ni Celestina ? Isang utos mula sa taas ang nagsasabing dapat niyang pakasalan ang anak nang punong Coldvlad , sa pagpatak ng bluemoon ngayong buwan. Naikuyom niya ang kanyang kamao.

"Bakit JL ?" nangangambang tanong ni Ces.

"What's is the meaning of this Celestina ! Di'ba ang sabi ko ay hindi pa tayo magpapakasal ngunit ano ito ?! Paano nalaman ng konseho ang nangyari sa atin. And now what ?! You and your damn clan wantes us to get married soon ?! Tell me ! May kinalaman ka ba rito hah ?!"

"Wa-wala akong alam diyan JL" paliwanag na Ces na hindi pinaniwalaan ng una.

Totoo , walang ka-alam alam si Ces. Ang kanyang angkan ay kilala bilang "Source". Isang angkan na mainam na pinagkukuhanan nang impormasiyon patungkol sa lahat ng morpher at ibang lahi , mapamasama man ito o mabuti. Hindi na siguro kataka-taka na malaman nang angkan nila ang nangyari sa kanilang ng Dauphin kaya agad itong nag-took advantage sa sitwasiyon. Marrying the Dauphin means the possiblity of their clan to gain more power.

"Wala ?! Wala kang alam ? So paano malalaman nang angkan mo at angkan ko ang nangyari satin ? Damn , tayong dalawa lang ang nakakaalam dito at alangan namang ako ang magsusumbong eh in the first place ay ayoko ng commitment !" JL shouted and pinned Ces to the wall. Nalaglag ang salamin ni JL revealing his eyes.

Kaiba ang kanyang mata na kulay magenta dahil mayroon itong apat na guhit sa taas , baba , kaliwa at kanan resembling a compass. Ang unang guhit sa taas ng mata ay nagrerepresent sa Hilaga , amg guhit sa baba ay para sa Timog , samantalang ang kaliwa at kanang guhit ay nagrereprisinta sa Hilaga at Silangan. Ito na siguro ang tinatawag nilang Polaris eyes , ang matang kayang makita kahit pinakamaliit at pinakamalayong bagay as long as walang nakaharang dito.

Nakakatakot. Nangiginig sa takot si Ces nang makita ang nangangalit na mata ni JL. As if his eyes are devouring her and she can't do anything about it.

"Siguro, siguro ay plinano mo lahat nang nangyari satin ano ?! Siguro masaya ka dahil ikakasal ka na sakin at magkakaroon na nang pwesto sa kaharian ang angkan niyo. You planned all of this huh ?!"

Umiiyak na si Ces. Natatakot siya kay JL. Sa unang pagkakataon nakita niya itong nagalit. Nakakakilabot. Pakiramdam niya ay mapapatay siya nito.

"A-ano ba JL ! Nasasaktan ako ! Hindi ko ito plinano ! Ngunit oo , masaya ako dahil sa nangyari satin!" sigaw ni Ces pabalik.

Saglit na natigilan si JL. Damn , masaya ? So gusto lang talaga ang kapangyarihan ? Nandun na sana eh , He's close to falling in love but shit happened and then what ? Malalaman niyang ginagago lang pala siya nang babaeng MUNTIK na niyang mahalin.

"So you really want this huh ?!" napangisi si JL nang mapakla. Ngayon alam na niya ang tunay na kulay ni Ces.

Gusto sanang bawiin ni Ces ang sinabi niya. She did'nt meant it the way JL interpreted it. Masaya siya dahil nakasama na niya ang lalaking mahal niya! Magsasalita pa sana siya nang bigla siyang hatakin ni JL palabas sa apartment niya.

II

Dinala ni JL si Ces sa apartment ng Chess. Mukhang alam na niya kung ano ang plano nang angkan ni Ces. Pagkinasal sila ni Ces magkakaroon ito ng pwesto sa kaharian. Kapag namatay siya maililipat lahat nang kapangyarihan , kayamanan at karapatan sa trono sa angkan nang kanyang mapapangasawa. Mahirap man tanggapin ngunit kailangan.

Naabutan niya si Dran sa salas. Nagliliwanag ang sahig kaya't agad siyang napayuko nakita niya si Arko na sumusuka nang dugo. Anong nangyari sa kanya ?!

Saka lamang siya napansin ni Dranius nang matapos ang paggamot niya kay Arko. "Haha ! Oh anong kailangan mo ?" heto na naman si Dran sa pagtawa nang walang dahilan.

Tiningnan ni JL si Ces na umiiyak habang hawak hawak niya. It is painful for him but he must do it.

"Ipasok mo siya sa Chess Dran , not an official but a Pawn. A primary attack." sabi ni JL bago humarap kay Ces at may ibinulong.

Nagulat si Ces. Hindi niya akalaing hahantong sa ganito ang lahat. Umalis na si JL bago tuluyang magsink-in sa kanya ang binulong ni JL.

"You and your clan wants me to get killed during Tassein Czar battle that's why they wanted us to get married soon. Hindi ko hahayaan makamtan niyo ang plano niyo. You and I must die in agony during the battle-- together"

III

Nangingiting mag-isa si Equinox. Chess is breaking from the inside because of her plan. Ngayon , ang kailangan na niya lang gawin ay maghintay sa pagkasira nang pinakamalaking banta sa kanila para sa titulong Tassein Czar. Matagumpay na nilang naidisqualify ang Chess noong isang taon at kampante siyang mauulit ito. Malapit na.

Tassein CzarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon