TC#39 : RevelationLopkilom's POV
A-anong nangyayari?
Tumatakbo ako ngayon sa maputik na lupa na halatang kakatapos lang ng ulan. Napakadilim ng paligid na kahit buwan at mga bituin ay wala.
Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Kanina lamang ay kinokotrol ako ni Jude, ngayon nasa isang lugar ako na hindi ako pamilyar.
Nabiktima ba ako ng sarili kong kapangyarihan?
Napailing ako. Malabong mangyari yun dahil matagal na panahon ko nang na-master ang pagtime travel at paggawa ng time loops.
Nakaisip ako ng paraan kung papa'no makakaalis sa lugar na ito. Inilabas ko ang gintong orasan ko. Inikot ko ang mga kamay nito na nag resemble sa oras na 10:00. Inipon ko ang kapangyarihan ko sa orasan para makagawa ng time portal pabalik sa Sheol.
Labis ang pagkadismaya ko nang hindi ako nakaalis sa lugar na ito. Bakit?
Kaya wala akong choice kung hindi ang maglakad-lakad. May narinig akong mga yabag galing sa kung saan. Hinanap ko kung saan nanggaling ang mga tunog at hindi naman ako nabigo.
Nasa gitna ako ng kakahuyan. Sa tingin ko ay parte ito ng Elementalika. Hindi nga lang ako sigurado.
Nakakita ako ng apat na binata. Naglalaro sila sa kakahuyan, kahit na halos gabi na.
Kamukha ni Del ang binatilyong may pulang buhok.
Iyon ang una kong napansin. Bagama't mas bata pa ang isang 'to. Siguro'y kamag-anak niya si Del. Sakto! Magandang pagkakataon ito upang makaganti.
Handa na sana akong umatake nang biglang magsalita ang isa sa apat kaya agad akong napatago sa likod ng puno malapit sa'kin. Muntik na akong mahuli.
"Oy Vow! Tama na ang paglalaro mo ng mga punyal at masugatan ka niyan" ani nang may pulang buhok sa binatang gloomy ang mukha at may suot na gula-gulanit na strawhat.
"Hahaha! Tingnan mo naman si Faith oh! Busangot na naman." natatawang sabinang binata maputla ang balat.
"Wag mo nga pagtawanan si Faith, Divine" pag-awat nang may pulang buhok.
Kayang-kaya ko naman silang apat.
Nagitla ako nang may nagsalitang panibagong boses. Mas lalo ko pang ikinubli ang presesnsiya ko dahil sa panganib na maaaring dala ng bagong dating.
"Ang apat na mga espesyal na shaman. Delusion, Faith, Divine and Vow" ani nang medyo namamalat na boses, sa hula ko ay matanda na ang nagsalita.
"Si-sila na ba ang subject sa necromancy, Lo?"
Narinig ko pa ang maraming diskusiyon na hindi ko na pinansin. Hanggang sa biglang nanahimik ang buong lugar. Sinubukan kong sumilip. Usang nakakagimbal na tanawin ang nakita ko.
Pinagpapatay ng isang batang nakamaskara ang apat na binatilyo kanina. Maging ang kamag-anak ni Del!
Kahibangan!
Doon ko maihahalintulad ang ginagawa nang batang nakamaskara. Kahit patay na ang kanyang mga biktima ay pilit niya pa rin itong pinagpipiraso sa harap mismo ang naghihingalong binatang may pulang buhok.
Nawala ako sa malalim na pag-iisip ng biglang sumigaw ang kamag-anak ni Del.
"Tama na! Maawa ka sa katawan nila"
"Apo, gawin mo na sa kanya ang ginawa mo sa iba nang maumpisahan na natin ang ating eksperimento" usal ng nakahood.
Tumango ang batang nakamaskara habang unti-unting lumalapit sa binata.
