TC#10 : En Passant

1.6K 65 6
                                    


TC#10 : En Passant

En Passant - A move in which a pawn captures an opposing pawn on the same rank immediately after the latter moved two squares from its initial position as if it had captured it while the latter was passing through.

I

"Tok ! Tok ! Tok!"

Naalimpungatan si Arko sa mahimbing niyang pagtulog nang makarinig siya nang marahang pagkatok. Nasa kalagitnaan siya nang kanyang siyesta. Napagod siya sa maghapong klase kahapon.

Inatake na naman ng kuryusidad si Arko dahil sa naririnig na mga katok. Kahit na antok na antok ay hinanap niya kung saan galing ang tunog. Nakita niya ang isang uwak na kumakatok sa bintana nang kanyang silid.

Nakakapanibago. Bibihira na lamang sila magkita-kita ng Chess matapos ang practice match nila ilang araw na ang nakakaraan. Hanggang ngayon ay sumasakit pa rin ang katawan niya dahil sa laban na iyon.

Binuksan niya ang bintana at hinayaang makapasok ang uwak. Napansin niya ang nakasilid na liham sa likuran nang uwak. Isang 'courier' ang uwak. Ang courier ay ang mga hayop na tinuruan upang maghatid nang mensahe.

Agad binuklat ni Arko ang liham at nagimbal sa nakaloob sa sulat mula sa kanyang bayan.

Inatake sila nang dalawang hindi kilalang tao. Parehong nakamaskara ang dalawa ngunit nagawa nitong pabagsakin halos lahat ng mga mandirigma. Pasalamat na lamang at sampu lamang ang namatay sa angkan ng Void.

"Anong nangyari ?!" napabalikwas si Arko mula sa kanyang pagkakaupo. Napuno ng tensiyon ang kanyang kwarto.

Dali dali siyang lumabas nang kanilang apartment at tumakbo papuntang tarangkahan nang paaralan.

Wala siyang pakialam kung bawal sa patakaran ng paaralan na lumabas ng kwarto. Ang gusto niya lamang ay mapuntahan ang kanyang mga magulang at siguruhin kung maayos lamang ang kanyang bayan.

"Sana-- maayos lang kayo" bulong niya sa hangin na hiling niyang naririnig sana nang kanyang mga kanayon.

Puno nang mga katanungan ang kanyang utak na hindi niya inaasahan ang isang atake mula sa kung saan. Tumilapon siya at nagpagulong-gulong sa sementadong sahig sa labas ng paaralan.

Naaninag niya ang isang lalaking katamtaman ang taas. Meron itong bag na nakasukbit sa kanyang likuran at isang 'helmet' na may mga ilaw.

"Arko , the Pawn. Hayaan mong magpakilala ako. Ako si Strio Yuma. Mula sa alyansang Solar. Isang Controller Mech-type"

"Mech-type ?" tanong ni Arko habang nagpupumilit tumayo. Ngayon niya lamang narinig ang ganung klaseng ability. Marahil ay taga-Amalgam ang isang ito. Sa isip niya.

"Kung hindi mo naiintindihan , Ipapakita ko na lang saiyo" Itinaas niya ang kanyang kanang braso. May mekanismong nakalagay sa kanyang kamay. Pinindot niya ito.

Namangha si Arko nang biglang kumalas ang mga bakal sa kamay nito. Ang mga bag naman sa likod nito ay bumalot sa buong katawan nang lalaki. Mula ulo hanggang mga bisig , binti , kamay at paa ay nabalutan nang mga bakal. Kung titingnan , isa lamang itong armor , ang kaibahan nga lang ay ang mekanismo nito para makalutang at ang mga nagliliwanag nitong bahagi.

"Ito ang mech-type. Gamit ang makinaryang ito , nagagawa kong doblehin , hindi triplihin ang atakeng gagawin ko" paliwanag ni Strio. "Ang tawag sa akin ay isang mech pilot !"

"Anong balak mo ?" tanong ni Arko na nakatayo na mula sa pagkakabagsak niya.

"Tsk ! Humanda ka na !" sigaw nito sabay takbo papunta kay Arko.

'Naloko na ! Walang elementong gamit ang isang to !' sa isip ni Arko.

Mabilis na nakarating sa harapan ni Arko si Strio. Inundayan nang suntok ni Strio si Arko na sinalag na lamang ng huli gamit ang kanyang dalawang braso.

"Argh !" namilipit si Arko sa sakit at napaluhod sa sakit na tinamo niya. Hinawakan ng lalaki ang kanyang asulang buhok at iniangat.

Tiniis ni Arko ang sakit na ginagawa sa kanya. Wala siyang laban at alam niya iyon. Binugbog siya ni Strio hanggang sa wala na siyang lakas para maimulat ang kanyang mata.

'Katapusan ko na ba?' sa isip ni Arko.

II

Nagising si JL na parang may nakadagan sa kanyng dibdib. Naalimpungatan siya nang mapansing wala siya sa kwarto niya.

"Waaah! Anong nangyari ?! Nasaan ako ? Teka ano ba tong nakadagan sa'kin ?" dahan dahan niyang tiningnan ang nakadagan sa kanya. Isang babaeng walang saplot ang nakita niya.

Nanlaki ang mata niya ?!

Agad siyang bumangon at nagsuot nang kanyang damit. Natataranta na siya.

"Hindi , hindi ,hindi maaaring mangyari to !" sabi niya na ikinagising ng babae , ni Celestina.

"Aahh !" tili nang babae. "Anong ginagawa mo dito at Aaaaaaah !" tili muli nito ng mapansing nakahubad siya.

"Listen Girl , Walang makakaalam nito ok ?! Alam mo ang ranggo ko sa kaharian at masisira ang dignidad ko pag nalaman nila ito" sabi ni JL.

Tila na blanko naman ang babae at inaanalisa ang mga nangyari. Ano nga ba ang nangyari ?!

"Pakasalan mo ako , panagutan mo ako" sabi ni Celestina.

"Ayoko ! Isa akong maharlikang Morphrealm ! Anong karapatan mo para utusan ako?!"

Biglang nagbagong anyo ang kamay nang babae at dinakma ang mukha ni JL sabay untog nito sa pader. Hindi ito ininda ni JL dahil hindi man lamang siya nasaktan sa atakeng ito. Perks of being strong.

"Ano tapos ka na ?! " galit na rin ang tono ni JL sa oras na to. Marahil halo halong emosiyon na ang nararamdaman niya. Galit , inis , dismaya at kung ano - ano pa.

Ngunit nawala ang inis niya nang makita niyang napaluhod ang babae at naglupasay sa sahig. Nagumpisa ito sa hikbi , na kalaunan ay naging iyak.

"Parang-- awa-- mo na-- Dauphin JL Zoic-- Ayoko pang mamatay. Tiyak akong malalaman nila ito ! Dignidad ko rin ang nakasalalay dito. Parang awa mo na" putol putol na pagmamakaawa ni Celestina.

"Higit sakin alam mo ang batas ng Morphrealm ang malupit sa mga babae ! Tanging ang aming pagkabirhen ay nararapat lamang sa aming mapapangasawa ! Papatayin nila ako ! Ayoko pa ! Pero-- Ano't--" hindi na naituloy pa ni Celestina ang kanyang sasabihin dahil napahagugol na siya. Iniisip niyang masaklap ang kapalaran para sa kanya.

"Sige na nga. Pero hindi kita pakakasalan. Nobya. Nobya lang muna sa ngayon"

Nakapagtataka ang ikinikilos ni JL ngayon. Ang O.A na lalaki ay biglang nakaisip nang seryosong suhestiyon. Hmm.

Tiningnan siya ni Celestina na puno nang pag-asa. Nakaligtas na sila-- sa ngayon.

III

"Ha-hahaha ! Nahanap ko na ! Ang sampung mumified consumers !" sigaw ng lalaki na 'master' ni Eclipse.

Kasalukuyan silang nasa pusod nang Ruins sa loob ng Xanadu Scolu. Walang nakapansin sa kanilang pumasok.

"Eclipse. Umpisahan mo na ang pagsusulat ng mga cryptic symbols at mga runes sa paligid. Sa araw ng Tassein Czar , gagawin natin ang enkantasiyon" usal ng master.

"Masusunod" tila walang ganang sabi ni Eclipse. Nababagabag siya sa nangyayari sa Chess. Bagama't hindi niya nakikita ay nararamdaman niya. Humina ang paghinga ng Pawn , samantalang nagising ang Itim na hari. Nawawala ang Tore at may problema ang Bishop.

Ano kaya ang koneksiyon ni Eclipse sa Chess at masiyado siyang apektado sa nangyayaring kaguluhan ? Sino siya ? Sino si Fantoccio at sino ang kanyang master ?

Tassein CzarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon