TC#45 : NulledNie's POV
Nagkagulo ang lahat matapos i-anunsyo nang Czar ang panibagong siste nang Tassein Czar. Damn! A riot is not a good thing for my handsome and sexy image.
Kaliwa't kanan ang mga nagbabanggaang mga alyansa. Their desire for power drives them to go berserk even if they kill their enemy. A ruthless war inside the school. Shit!
I immediately rush through the center of the battlegrounds. A Rooks job is to defend his King. At dahil nawawala si Del kailangan kong i-delay ang resulta nang battle royale.
"JL, Ces, at Lily! Hanapin niyo si Del at Arko. Nasa paligid lang sila. Kailangan makuha natin ang pagkapanalo sa taong ito." Utos ko sa kanila.
Napalingon ako sa kaliwa't kanan. Kanina lang nakita ko rito si Dran. 'Asan na kaya agad siya?
"Dranny boy! Na'san ka?" Dapat tulungan niya akong dumipensa. Siya ang first line sa attacks bilang Knight. Lagi na lang siyang nawawala lately.
"ECLIPSE!" Napatigil ako, mali, lahat nang tao maging mga manunuod ay napatigil at napahawak sa tenga matapos ang napakalakas na alingawngaw. Tila isang higanteng nilalang ang nagsabi nun.
Pagtingin ko sa kamay ko, may bahid ito nang dugo. Anak nang! Bakit ko nakalimutang isuot ang gold set armour ko? Nasugatan tuloy ang gwapo kong pagkatao!
"Kung sino ka man, humanda ka!" sigaw ko.
Pero wala din naman ang ginawa. Tumayo ako sa harap nang isang nilalang na may suot na maskara. Yung nanggulo kanina sa laban ni Del.
Tiningnan ko kung saan galing ang sigaw at galing ito kay Jediah Light, ang leader nang alyansang Enchant. Ayon sa sabi-sabi, he's ability can be compared to the great magicians who defeated the consumers. Pero hindi ako chismoso, ako? Na sobrang gwapo. Hindi kailanman.
"Ilabas mo ang kambal kong si Jedeus!" galit na galit ito habang hawak ang maliit na plawta. Ngunit yung Eclipse, nakapaling lamang ang direksiyon sa langit. Sa palagay ko'y kinuha ni Jediah ang pagkakataon upang mag-cast nang spell. A loud sound was produce by his flute creating a sonic wave that pierce through the mask man's skull.
Napanganga ako sa nakita ko. Pero agad nagimbal. Mukhang sa huling pagkakataon ay ipinaling nang nilalang ang ulo nito sa'kin kaya ang tinamaan ay ang maskara nito. Nanlamig ako sa nakita ko.
Those sinister golden eyes and hair. A smirk on his face and the mole under his eyes. Dran Light, the Knight.
"Dran?" bulong ko. Pero mas lalong lumawak ang ngiti niya.
"Dran! Tampalasan! Paano mo nagawa sa lahi mo ito?" sigaw ni Jediah ngunit isang napakalakas na pwersa ang nagtulak sa lahat papalayo sa kinaroroonan niya.
"Sanctam Columnas." usal ni Dran. Matapos ito tila may kung anong bumagsak mula sa langit. Nakakasilaw ang liwanag nito kaya tumingala ako at nakita na ang liwanag ay galing sa bituing nakapalibot sa buwan.
"Draco, Fluctus."
Isang dragong gawa sa purong apoy ang nag-manipesto sa harapan namin. Nagsimula itong gumalaw at lahat nang matatamaan at mapapalapit sa dragon ay agad naabo't nalalapnos. Shit, masama to.
"Armour of God. Hermes." Sabi ko. Sa isang iglap suot ko ang kasuotan nang mensaherong diyos nang Olympus. Isang sandalayas at sumbrerong may pakpak. Ang caduceus at puting balabal na nakatakip sa kaselanan ko. Ooh! I think ang sexy ko sa outfit ko ngayon. Ang gwapo ko talaga.
Lumipad ako bago pa man makarating sa'kin ang dragon. Halos muntikan na yun. Winagwag ko ang scepter na hawak ko na naglikha nang mga makintab na pulbos.
"Kahit naman kalaban ko ang mga pangit na to. Kailangan ko pa rin silang tulungan." sabi ko sarili ko.
"Tutulong kami Nie." Napalingon ako at nakita si Lily na bitbit ni Ces. Nag-morph ito bilang harpy upang makalipad.
"Tama. Kailangan natin siyang pigilan. Dahil kapag hindi natin siya mapigilan, maraming mamatay. At kapag marami ang namatay, walang matitira. At kapag walang natira, masasayang lahat nang pinaghirapan nang mga kalahok para sa titulong Tassein Czar. Kaya dapat nating pigilan si Dran." ani JL na katabi lang nina Lily. Halos same built ang dalawa, si JL at Ces.Ang El Zodia, Virgo ni JL ang gamit niya na isa ring harpy.
Napangiti ako. Ngayon na lamang kami ulit nagkausap. Nakakamiss din ang paulit-ulit na mokong na 'to. Naging masiyadong tensyonado ako this past few days. Napalingon ako kay Lily at napabuntong hininga. Poprotektahan kita.
Napatagal siguro ang paglipad namin at kwentuhan kaya huli na nang mapansin namin ang isang bagay. The dragon is not aiming for the players, it is drawing a huge magic circle in the battlefield.
Masama ang kutob ko sa mangyayari. Hindi na ako nag-isip and immediately swung towards Dran. Kung ano man ang balak niya, pipigilan ko siya. Nang malapit ko nang maabot si Dran ay humarang sa harap ko ang Czar.
Napatigil ako sa ere at hindi na naiwasan pa ang pagkalmot niya sa'kin gamit ang mahahaba niyang kuko. "A-anong ginagawa mo Czar?! Pigilan mo siya!" pa-utos kong sigaw ngunit tila wala siyang narinig.
"Ang isang insektong gaya mo ay dapat nang mawala sa mundong itatatag nang mga Consumers." aniya.
"Subukan mong saktan ulit siya, Sir Crimson. Papatayin kita." ani Lily na bigla na lang humarang sa pagitan ko at ng Czar. Anong ginagawa niya diyan?
"Umalis ka Lily! Hindi mo siya kaya!" sigaw ko ngunit hindi siya umalis.
Napansin kong nag-iba ang kilos nang mata ng Czar. Siya nama'y nakatayo lang sa harap nito. Ginagamitan niya nang ilusiyon ang Czar.
Kahit kumikirot pa ang mga sugat ko ay pinuntahan ko siya. Hinarap ko siya at nagimbal sa naging itsura niya. Lubog ang pisnge at mata niya. Tumutulo ang masaganang dugo sa labi, mata, ilong at tenga niya.
Nataranta ako at hinawakan ko siya. Ang lamig na niya. Hindi, hindi pwede to. "Hoy babaeng walang hinaharap! Tigilan mo na yan! Mamatay ka!" ngunit tila wala na siya sa huwisyo.
Nakita kong gumalaw ang iris niya. Tila pilit niya akong tinitingnan. Kahit mabagal, gumuhit ang ngiti sa labi niya ang mouthed me the words she always tell me. "I... love you, Nie"
No, no. Shit wag kang mamatay. Umiyak na ako sa harap niya. Ang bading, hindi pwede ang umiyak para sa gwapong katulad ko pero imbes na pahirin, ay mas lalo ko siyang niyugyog.
Halos balat na lang siya nang maalala ko ang isang bagay. Mahal niya ako, dahil sa isang enchanment. Huminga ako nang malalim at nag-summon nang isang pana galing sa Bow of Eros. Ang panang ito ay may kakayahang i-nullify ang unang enchantment na iginawad nito.
I hugged Lily. Sana maramdaman niyang unti-unti ko na siyang minamahal. Pero kailangan kong gawin to. Kapag naalala niyang never niya akong nagustuhan, titigil siya sa pagsaid nang kapangyarihan niya.
"Pahamak ka talaga flat. Ang pagsasama natin parang katulad mo. Wala nang hinaharap." After I said those things, I stabbed her heart with the bow.