TC#22 : BeginArko's POV
Nakatayo kami ngayon sa harap ng pavilion upang pakinhgan ang sasabihin ng Czar o nang headmeaster ng paaralang ito. Ngayong araw na pala , ngayong araw na uumpisahan ang Tassein Czar battle.
Sa loob ng isang buwan , lahat kami sa Chess ay nadagdagan pa lalo ang lakas , pwera na lang ata kay Nie na walang ginawa kundi ay ang pambababae. Puno nang pagsasanay ng abilidad ang inatupag namin. Nagpapasalamat ako kina Dran at JL na siyang nagturo sakin ng mga estilo at pamamaraan sa pakikipaglaban.
Maingay. Napkaraming estudyante at panauhin ang dumalo, halatang nasasabik na rin gagawing patimpalak. Hindi ko tuloy maiwasan hindi magtaka kung ano sa paligsahan ang kinasasabikan nilang masaksihan ?
Tumingala ako sa kalangitan. Dapit-hapon na, oras na lang ang bibilangin bago mag umpisa ang Tassein Czar battle.
Kasalukuyang nagsasalita ang "Czar" ng paaralan sa entablado.
"Magandang umaga aking minamahal na mag-aaral. Ito ang umpisa ng araw kung saan makikita natin ang pagtatagisan ng lakas , talino at teamwork nang bawat alysansa ng ating paaralan. Paghandaan na ang labang ito ay magiging mahirap para sa lahat ng mga manlalaro. Batid kong may dalawang alyansa na ang nag laban na kahit hindi pa man ito opisyal na inuumpisahan , dahilan upang mabuwag ang alyansang Solar. Ako , si Crimson Warlock , ang inyong Czar is now officially starting the Tassein Czar Battle ! Alliance and Guilds! When i call your name please step forward!"
Lumingon siya sa aming lahat at ngumiti.
Isa isa niyang tinawag ang mga alyansa na nagpakilala sa mga manunuod. Nakakagulat ang dami ng Myriad. Sa tantya ko ay mahigit sila sa limampung miyembro !
Pagtingin ko naman sa kagrupo ko. Bagot na bagot na sila. Nakaupo si Dran habang nag guguhit sa libro niyang kuma ng mga bilog-bilog na linya.. Si Nie , kumakaway kaway sa mga babae. Si Del , nakatayo lang. Samantalang si JL , nakikipag paliparan ng halik kay Ces na nasa hulihan lang namin.
Hindi katulad ng ibang alyansa na may magagarang suot at uniporme, ki naman ay wala. Iba-iba ang suot namin. Si Dran ay naka checkered na polo , si JL , naka 3/4 , si Nie naman ay nakajacket na itim , si Del nakasuot ng mahabang polo na hindi nakabutones at ako naman ay simpleng t-shirt lang. Umabante ako dahil akala ko aabante din ang ka-miyembro ko tulad ng ginawa ng ilan. Nag bow ako sa mga manunuod at ngumiti. Ako lang pala mag isa ang humakbang paunahan kaya bumalik na lang ako sa pwesto namin. Nakakahiya.
Kinakabahan ako, ito na ba ang umpisa ?
May napansin akong lumapit sa Czar at may ibinulong. Nagulat ang ekspresiyon ng Czar ngunit agad din itong napalitan ng ngiti.
"Mga Xanadian ! muling nagbabalik ang alyansang Solar !"sabi niya sabay turo sa kanyang kanan.
Biglang lumabas ang dalawampong miyembro ng Solar. Ang napansin ko ay ang nangunguna sa kanila , ang kalahati ng mukha nito ay nakamaskara at lahat ng katawan ay nababalutan ng benda. Matalim itong nakatingin sa kinaroroonan namin.
"Papaalalahan ko lang ang mga kalahok , kahit iminumungkahi ko na kahit papaano ay huwag kayong pumatay , sa oras ng laban ay hindi natin iyan maiiwasan. Kaya mag-iingat kayong lahat. Sasabihin ko na ang mga paglalaban upang tanghaling Tassein Czars."
Naghiyawan ang mga estudyante at nagpalakpakan. May kanya-kanya silang pambato. Ang hindi ko lang marinig ay ang aming grupo. Wala ba kaming taga hanga ? O meron din , pero hindi ko lang naririnig sa lakas ng sigawan.
"Ang elimination rounds ay team battle. Ang semi-finals ay duel event. At ang finals naman ay isang royal rumble"
Tumingin muna siya sa amin bago magpatuloy sa pagsasalita.
"Mag-iingat kayo" huling salita ng Czar bago bumaba sa entablado.
Mamayang gabi na, paano na to ? Kaya kaya namin manalo sa kanila ?
3rd person
Gabi na , kung kaya't lahat ng mga estudyante ay nagtipon-tipon sa battlegrounds upang manuod ng unang laban na gaganapin ngayong gabi.
"Ehem ! Magandang gabi ! Ako si Tusk Fang ! Ang punong pandanggal ng patimpalak na ito ! Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa , gaganapin ang laban sa loob ng ruins.--"
At ipinaliwanag ng master of ceremony ang tuntunin sa elimination round. Bawat grupo ay inilagay sa magkakaibang panig na lugar. Malaya silang gawin ang kahit ano sa loob upang maagaw ang emblem na hawak ng pinuno ng bawat kupunan. Kinakailangang kunin ng grupo ang emblem ng kalaban kasabay ng pagprotekta nila sa kanilang emblem. Matatapos ang elimination rounds sa loob ng tatlong araw.
"Simulan na!" ani Tusk Fang.
Sa lawak na isang kilometro, Napaka layo ng agwat ng bawat pinaglalagyan ng kada-grupo sa isa't-isa dahilan upang makapagplano muna ang mga grupo bago sumugod o bago masugod ng kalaban. Sa ganitong paraan ay makakaisip sila ng magandang estratihiya at mapipili ang gusto nilang makalaban.
"Sandali Arko " hinawakan ni Dran ang braso ni Arko. Doon niya nilagay ang isang pulseras.
"Ano to ?" tanong ni Arko
"Telepath, para makapag usap tayo sa isip" sabi ni Dran. Napansin ni Arko na meron na ang lahat ng kanyang miyembro maliban sa kanya.
Ang pinili nila Dran na base ay sa loob ng sirang gusali sa loob ng ruins. Matatag pa naman ang pader at mainam na pag-taguan habang namamahinga.
Napalinga si Arko , bale pito sila sa labanang ito. Si Lily at Ces ang nadagdag. Si Lily ay naging rook samantalang si Ces ay isa ring pawn kagaya niya. Nagulat siya sa umpisa nang malamang niyang kasama ang dalawa pero hindi na niya naitanong pa kung bakit ito sumali sa paligsahan.
Gabi na. Malamig ang hangin ngunit hindi nito naitatago ang mainit na tensiyon sa bawat kuponan. Lahat ay kalmado sa ngayon ngunit alerto sa mga pwedeng sumugod.
"Lily-- ani Dran -- gumawa ka ng ilusyon sa paligid ng gusali upang iligaw ang mga magtatangkang umatake sa atin. Bukas na lang tayo gagalaw. Sa ngayon , magpahinga muna tayo." na agad sinang-ayunan at sinunod ni Lily Laverinth.
"Ravine" ani Del dahilan upang lumingon ang lahat sa kanya na nagtataka.
Umingay ang paligid sa biglang paghalakhak ni Dran. "Ha-ha ! sila pala ang makakalaban natin?"
Tumango si Del bilang tugon. Pumikit ito bago magsalita. "Heto ang plano--"