TC#46 : MemoriesArko's POV
Sinundan ko lang ang batang may itim na buhok. Ayaw niyang kasing magpakilala kahit kanina ko pa siya tinatanong. Ang sabi niya malalaman ko rin mamaya.
Pumasok kami sa isang kwarto at nakita ang isang babaeng nanganganak. Pumalahaw ang iyak nang isang sanggol ngunit imbes makarinig ako nang kagalakan ay bulong-bulongan ang napansin ko.
"Alam mo ba kung ano yung pinakamasamang pwedeng mangyari sa isang Light? Yun ay ang isilang kang walang kapangyarihan." Ani nang bata sa'kin.
Nanlaki ang mata ko na lumingon sa kanya at sa sanggol. "Ikaw yan?" paninigurado ko.
Tumango siya. Ibig sabihin naglalakbay kami sa nakaraan?
"Ha-ha!Kung iniisip mong nagtime travel tayo, mali ka. Pinanunuod lang natin ang mga ala-ala nang mga taong konektado sa'kin." pagpapaliwanag niya.
Tumango ako. Naiintindihan ko naman siya. Simple lang ang paliwanag niya, eh.
Nagpatuloy siya sa paglalakad habang ako'y patuloy na sumusunod sa kanya. Itinuro niya ang isang batang umiiyak habang binabato nang buhangin nang dalawang magkamukha. Pinagtatawanan nila ito at kinukutya. "Mga kapatid ko ang mga yan." Aniya sabay ngiti sa'kin.
Wala akong maisagot sa kanya kaya umiwas na lang ako nang tingin. Hanggang ngayon kasi, palaisipan pa rin sa'kin kung ano ang kinalaman ko sa kanya.
Matapos niyang titigan ang dalawa ay naglakad ulit siya. Dinala niya kami sa isang silid na nakakasulasok ang amoy. Tila nabubulok na laman na matagal nang naka-imbak.
"Ayan ang lolo ko. Isa siyang sorserong nagpakadalubhasa sa necromancy. Pinipilit niyang buhayin ang patay. Pero hindi niya magawa. Ginawa niya akong apprentice noon at--" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya matapos magsuka nang batang representasiyon nang alaala niya.
"Err--dapat hindi mo yun nakita." sabay tawa niya. Natawa na rin ako. Sabagay nakakahiya nga yun pero hindi ko siya masisisi. Nakakadiri ang lugar sa dami nang mga patay na nakahiga sa lamesao o kaya ay nakasabit sa mga kalawit. Tapos may ibang laman loob pang nakakalat sa daan.
"Halika na. Marami pa akong ipapakita sa'yo."
"Sige. Sasamahan kita." Masaya kong tugon. Maayos na iyon kaysa naman magtagal sa lugar na ito.
Dinala niya kami sa gubat. Nagmamakaawa ang bata sa lolo nito na huwag nang pagawin ang isang bagay ngunit matigas ang lolo niya. Sinabi pa nitong kung hindi siya susunod, siya ang magiging subject nang gagawing eksperimento.
Tinakpan nang bata ang mata ko. "Mas mabuting huwag mong makita ang brutal na pagpatay ko sa apat na shaman Arko." aniya. "Halina at magpatuloy tayo." paanyaya niya.
Sumunod na lamang ako. Kahit nagtataka ako kung ano ang ginawa niya ay nirespeto ko ang kanyang kahilingan. Sunod naming napuntahan ay ang laboratoryo.
May nakahiga roong lalaki at alam kong kilala ko iyon. Walang duda! Si Del ang nakahiga roon. Ngunit, anong ginagawa niya riyan?
"Nagtataka ka kung bakit nandiyan ang King ninyo, tama?"
Kahit nalilito, naguguluhan at natatakot ay tumango ako.
"Si Del ay bunga nang isang eksperimentong ginawa ko noon. Ang pagsasama sama sa apat na kaluluwa sa iisang vessel. Apat silang magkakapatid. Sinubukan ko ito sa kanilang apat ngunit kay Del lang naging matagumpay."
Nanginig ako sa galit. Kahit kailan, hindi nila pwedeng paglaruan ang buhay at kamatayan nang ganun ganun na lang! Sinugod ko siya at binangga. Tumama ang katawan niya sa pader at dumaing nang sakit. Kinuwelyuhan ko siya at akmang susuntukuin ko na siya nang bigla siyang ngumiti.
Nakaramdam ako nang takot sa ginawa niya kaya hindi ko na natuloy ang gagawin ko. Binitawan ko siya at huminga upang pakalmahin ang sarili.
"Sa tingin mo ba may magagawa ka pa? Ang lahat nang ito, maging ako ay representasiyon na lang nang nakaraan." aniya.
Napatigil ako at umiwas nang tingin. Tama nga siya, nandito ako upang makinig hindi ang manghusga. "Saan mo pa ako dadalhin?"
Ngumiti siya at tumalikod. "Sundan mo ako."
"Lo! Bakit niyo po sinabing kayo ang bumuhay kay Del?"
"Tampalasan! Porke't nagawa mong bumuhay nang patay ay may gana ka nang pagtaasan ako nang boses? Wala kang utang na loob. Alalahanin mong isa ka lang hamak at walang silbing heretiko."
"Pero..."
"Pero? Sa tingin mo maniniwala sila? Wala kang kapangyarihan. Hindi ka rin tanggap nang buong angkan. Umalis ka sa ilusiyon mo. Huwag kang hangal."
Narinig kong usapan sa likod nang pintong pinuntahan namin nang bata. Binuksan ko ito at nakita ang ngising binibigay ng lalaki sa matanda.
"Gan'on?" sabi nang bata sabay bunot nang isang patalim sa likuran niya. "Kung wala akong kapangyarihan, lilikha ako."
Nanlaki ang mata ko bago pumikit. Nilalaslas nang bata ang lalamunan nang matanda, ang huling nakita ko. Nakakasuklam.
"Arko! Dumilat ka. Sundan mo ako. Bilis." utos nang bata sa'kin sabay takbo. Sumunod ako sa kanya. Lumabas kami nang kwarto at napadpad sa bayan. Doon naabutan namin ang napakaraming nakahilatang katawan. Naliligo ito sa dugo at ang mas karimarimarim pa ay maski mga sanggol ay nakaipon sa iisang pwesto.
Tiningnan ko ang bata. "Anong ginawa mo sa kanila?"
Ngumiti siya at napayuko. Nagtaas-baba ang mga balikat niya na sinundan nang napakalakas na tawa. Tila tuwang-tuwa siya sa ginawa niya noon.
"Natuklasan ko kung paano makukuha ang kapangyarihang matagal nang hinahangad nang aking angkan. Ang philosopher's stone. Ang batong nagtataglay nang lahat nang kaalaman nang mundo."
Philosopher's stone? Katulad nang sinabi ni Nie sa akin noon. Tanging mga alkemista lamang ang maaaring gumamit nun. Napaatras ako nang mapagtanto ang isang bagay. Ang batang ito ay si Dran.
"D-dran?" tanong ko at tumango siya, tanda nang pagsang-ayon.
"Bakit?" tanging namutawi sa bibig ko dala nang pagkabigla.
Ngumisi siya at tinuro ang imahe niya. Nakaupo ito sa gitna nang mga nakahilerang bangkay. May iginuguhit siya sa lupa na tila isang cryptic symbol.
"Spill your own blood. Iyan ang batas sa pagbuo nang maalamat na bato. Marami ang namatay dahil sa maling interpretasiyon."
Napalingon ako ulit sa batang Dran dahil sa paliwanag niya. Anong ibig niyang sabihin?
"Ang blood na tinutukoy rito ay hindi ang sarili kundi ang kadugo. Natuklasan ko ito at sinubukan."
Nakuha nang liwanag mula sa imahe ni Dran ang atensiyon ko. Nakatayo na siya ngayon at nakangiti. Tila nahihigop ang mga dugo nang nakahilerang mga patay papunta sa kinaroroonan niya. Bumubuo ito nang napakaliit na bato. Tumawa ang bata nang makuha niya ang bato ngunit natulala ako nang bigla niya itong lunukin. Nangisay siya at tila nagdeliryo na. Naglaway at sumisigaw nang lingwaheng hindi maintindihan.
"'Yan ang ginawa ko upang magkaroon nang kapangyarihan. Upang matanggap nang sarili kong angkan." paliwanag sa'kin nang katabi ko.
Tumayo ang batang Dran at laking gulat ko nang nagbago ang kulay nang mata at buhok niya. Naging kulay ginto. Si Dran nga.
"Ngayong alam mo na. Bumalik ka na sa oras mo. Pigilan mo ako."
Pagkasabing-pagksabi niya nang salitang iyon. Umikot ang paningin ko. Nahilo at unti-unting nakatulog.