TC#29 : Trap

920 39 35
                                    


TC#29 : Trap

I

Lee Myer's POV

Nakamasid lamang kami at ang temporary guild kong pinangalanang Canard sa labanan ng Chess at Ravine. Umpisa pa lamang ay alam ko nang ganito ang kahihinatnan ng labang ito. Masiyadong talentado ang mga miyembro ng Chess para harap-harapang banggain.

Sa tingin ko, kung gusto mong manalo laban sa kuponang ito ay kinakailangan mong labanan sila salungat sa kanilang estratihiya. Hindi ko alam kung paano nila iyon nagagawa, parang kahit anong gawin ng kalaban ay naka-ayon sa kanila. Kumbaga, sa oras na makaharap mo ang Chess ay mabubuhol at malilito ka sa salasalabid na estratihiya at taktika nila.

Yung kahit na anong gawin mo ay nasa kanila pa rin ang panalo. Napakagaling ng kanilang hari magplano ngunit mas mapanlinlang ang knight. Natuklasan ko ang lihim niya, na ayokong ipagsabi. Tikom ang bibig ko dahil sa kadahilanang, ayoko nang isipin pa.

Kasalukuyan kaming nakasakay sa isang napakalaking baraha, jack of hearts. Isa kakayahan ng miyembro kong si Kuyu. Ang kakayahan niya ay nagagawa niyang palutangin at palakihin ang kahit na anong bagay.

Nasa hangganan kami ng kapangyarihan ng bago nilang miyembrong Rook, si Lily Laverinth. Mula sa posisyon namin ay malaya naming nakikita lahat ng kaganap at naiwasan namin ang mga ilusyong ginawa ni Lily upang i-divert ang sinumang lalapit sa labanan. Hindi namin magawang lapitan ang baguhang miyembro dahil katabi nito ang isang pawn na siyang inatasan na magbantay sa ilusionist.

"Master Lee! Nagpakawala ng pana si Nie Bust!" ani Mithe.

Napangiti ako. Maaari namang makigulo sa labanan nila hindi ba? May iba pa kasi akong plano bukod sa panunuod.

"Kuyu, kontrolin mo yung pana at itarak mo sa gumagawa ng ilusyon. Kapag nadistract ang rook na iyon ay maaari nang makapang himasok ang ibang guilds sa kanila." utos ko at agad niya itong sinunod.

Magaling.

"Wooly, ang hudyat"

Pinagmasdan ko si Wooly habang sinisindihan ang pampasabog niya. Lumipad ang pulang liwanang sa ere kasabay ng pagdagsaan ng lahat ng guild na ginawa kong alyansa.

Hah! Ang pakikipagtulungan ko kay Dranius Light ay isa lamang trap card. Ang tunay kong hangarin ay ang hindi niya kami magalaw habang isimasagawa ko ang pakay ko, ng aming guild.

Kung sila ay nagmamanipula ng laro gamit ang chess, naglalaro ako gamit ang mga baraha. Alam ko lahat ng alas ko laban sa kanila.

Lumawak ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang pagdagsa ng lahat ng natitirang guild sa labanan. Simple lang, kung matatalo ang Chess, sa akin ang badge nila. Pero kung ang mga guilds na ito ang matatalo, maaari akong mamili ng badge sa guilds na hindi karapat-dapat manalo. Kapag nakuha ko ang badge ng isa sa kanila, maaaring mang-agaw ito ng badge sa ibang mga guild upang makakumpleto sa iniatang na palatuntunan sa round na ito.

Mga hayok sa kapangyarihan at posisyon ang mga guilds. Lahat sila ay nag-aasam na manalo katulad ko kaya gagawin nilang lahat upang bawasan lahat ng malalakas upang maging sigurado na ang pagkapanalo nila sa duel event.

Mas exciting ang laro kung maraming makikilahok!

"Lee, Sigurado kabang hindi tayo gagantihan ng isa sa mga 'yan?" ani Yuri habang tinuturo ang Chess na walang kaalam-alam sa mangyayari.

"Wala silang magagawa--" nakaramdam ako ng labis na pangingilabot ng makitang kong nakatingin sa direksiyon ko si Dran, habang nakangisi na parang alam niya ang lahat.

Wag' mong sabihing kasama ako sa mga piyesa mo Dranius Helius Light?!

II

3rd Person

Napansin ni Dranius Light si Lily Laverinth at Celestina Coldvlad na binubuhat si Nie Bust. Mukhang nakatulog na ang lalaki dahil kung hindi, malamang ay tuwang-tuwa na itong akay akay nang dalawang nag-gagandahang dilag.

Napangiti si Dran. Umaayon lahat sa laro niya.

Si Del King naman ay nakaupo sa tabi ng walang malay na si Arko. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay ang huli dahil sa pagkakasuntok sa kanya ng pinuno ng Ravine na si Giga.

"Ceeeeeesss! Bitawan mo yang si boy landi na yan!" sigaw ng isang minotaur na palapit sa kanila. Garalgal ang boses nito at parang hingal na hingal. Nagiging visible pa ang hininga nito na tila ba nasa malamig siyang lugar. Si JL, sa anyong Taurus. Isa sa kanyang Zodiac morph.

"Haha! Ano ka ba naman JL? Hanggang ngayon ba ay pinagsiselosan mo pa rin yang si Nie?" ani Dran.

"Wala lang talaga akong tiwala sa manyak na babaerong makating malanding higad na nagkatawang tao na yan. Para siyang male version nung si Alyxandra! Eh pa'no lahat ata ng babae rito sa Xanadu Scolu ay nashota na niya. Eh kasi nga, malandi yang haliparot na iyan. Kaya--"

"Jail?!" pagpapatigil ni Ces kay JL matapos mailapag si Nie sa lupa. Paulit-ulit na naman kasi ang sinasabi nito.

Nag-inat ng braso si Dran at humikab. Ngumiti ito at tumawa na naman. "Mabuti pa ay pagtabihin niyo si Arko at Nie para magamot ko." ani Dran na nag-umpisa nang gumawa ng magic circle sa tigang na lupa ng sirang city ruins. Sa mismong lugar kung saan nabaon ng buhay si Giga.

Inilagak ni JL sa magic circle si Nie at Arko nang magsimula na itong lumiwanag. Unti-unting nagmulat ng mata ang dalawang lalaki ngunit mas naunang nakatayo si Arko.

'Sabagay, nasaid ang kapangyarihan ni Nie kanina' sa isip ni Dran.

"May nakikita ako Dran" ani JL. Nag-"constrict" ang mata nitong polaris upang makita ng malinaw ang tinitingnan niya. Umikot ng bahagya ang mga guhit sa kanyang mata na parang manibela ng isang barko.

"May papalapit sa ating lampas sa limampung mga kalaban" paliwanag ni JL. Inilibot nito ang paningin at bahagyang nabigla ng mapansing maging sa lahat ng dako ay mayroong pasugod sa kanila.

"Dran! Ambush ito!" sigaw ni Ces na natataranta. Hindi pa siya ganu'n kalakas upang makipagsabayan sa Chess!

"Itataboy ko karamihan sa kanila. Babantayan ko si Nie hanggang sa maka-recover ito" ani Lily na may subo na namang lolipop.

Sumeryoso ang mukha ng lahat pwera lang kay Dran na nakangisi habang nilalapatan ng lunas si Nie Bust. Tila hindi niya alintana ang peligrong papalapit sa kanila.

Nagsimulang yumanig ang kinatutuntungan nila na tila ba may stampede ng mga kabayong nagkukumahog makatakas sa leyon. Ang kaibahan nga lang, ang mga guilds na ito ang nag-aakalang sila ang predator at ang Chess ang prey.

Lamang ba sila dahil sa marami sila?

--

(A/N: parenks ito na hinihintay mong exposure! xD)

Tassein CzarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon