TC#44 : Crimson

682 35 11
                                    

TC#44 : Crimson

Crimson's POV

Poor Del. Drown with his own delusions. Does he think he can kill me with this shitty mannequins? Tsk, underestimating me won't help him.

Isa ako sa sampung sinaunang diyos noon sa Terra Suelo, bago mag-aklas ang mga taga-Mirage. Bago kami traydurin nang mga mababang nilalang na iyon. Nang mga pagkain namin.

Hah! Pero ngayong gabi kami magbabalik. We will conquer this new world again. And make those lowly lifeforms suffer for cursing us. It's their fault, they didn't killed us when they have the chance. Now, as what they say, it's payback time!

Binitawan ko ang pagsakal sa naghihingalong si Del. Kinuha ko ang kapangyarihan niya, pero itinira ko ang kaluluwa niya. May utang na loob pa rin naman ako kay Eclipse.

Kailangan ko nang magmadali, malapit nang maghating gabi. Malapit nang maghanay ang anim na bituin sa paligid nang buwan. Ito ang magsisilbing paraan para magising mula sa matagal na pagkakahimlay ang mga kapatid ko.

Lalabas na sana ako nang kwarto nang maramdam ko ang matinding kirot sa dibdib ko. Ugh, umaatake na naman ang sumpa nang alkemikong iyon.

Bumagsak ako sa malamig na sahig dala nang matinding sakit. Halos maglaway at magdeliryo ako. Ang pakiramdam nang sugat na iginawad sa'kin ay parang sinasaksak ako nang paulit-ulit sa parehong lugar nang mabilis. Tila paulit-ulit na napupunit ang balat at laman ko.

Sinubukan kong tumayo gamit ang pinto bilang suporta. Kailangan kong mahanap ang gamot na ibinigay sa'kin ni Eclipse. Isang potion na kayang maibsan ang sakit na dulot nang kahit anong sumpa.

Pasuray-suray akong naglakad pabalik sa kwarto kung saan ko iniwan si Del. Bwesit, kung kailan talaga nagmamadali, saka pa nagkakaroon ng aberya. Kumirot ang sugat ko, mas doble sa nauna na nagpabagsak sa'kin sa sahig.

Grr, nakalimutan ko. Pag may ginawa akong masama labag kay Eclipse, sasakit nang doble o triple ang sugat na ito.

Mukhang alam na niya ang ginawa ko sa manika. "Bwesit! Isang alkemista lang ba ang makapaglalaro sa diyos na tulad ko?" halos magiba ang sahig sa lakas ng suntok ko. Nanginginig ang kalamanan ko sa galit.

Kailangang mawala ni Eclipse. Kapag natapos niya ang ritwal mamaya, tatapusin ko siya.

Tumayo ako at hinalungkat ang mga gamit ko. 'Asan na ba 'yun?

Nakuha ko na. Dali-dali ko itong binuksan at agad nawala ang sugat sa dibdib ko. Pati ang kirot ay nawala.

Hinimas ko ang dibdib ko at bumuntong hininga. "Hmm, dapat siguro'y maghanap muna ako nang magaling na brewer na kokontra sa sumpang ito?"

Naglakad ako palabas at dali-daling pumunta sa battlegrounds. Naglalaro na sa mga oras na ito ang Rook at si Relic. Ano na kaya ang magiging resulta?

Hah! Kahit sino'ng manalo, pare-pareho silang insekto sa paningin ko. Aapakan ko lang sila na parang ipis. Mga mababang nilalang. Mahihina.

Nakarating ako sa battlegrounds. Madilim na at tanging mga sulo na lamang ang nagbibigay liwanag sa buong area. Marami ring sira-sirang bahagi ang grounds, dulot marahil nang labang nangyari. Ah, tapos na pala ang laban ng rook at ni Relic.

Hinanap ko si Tusk. May i-aanunsyo akong bagay na tiyak yayanig sa buong Xanadu Scolu. Magbabago ang lahat ngayong gabi.

Ang Xanadu Scolu ay isang bluff upang pagtakpan ang ginagawa namin ni Eclipse. Ito ang naisip kong paraan upang maka-lure nang maraming tanga, na magiging alay sa pagbuhay nang mga kapatid ko.

Sa kagustuhan nilang maging angat sa iba, bumagsak sila sa pagiging alay. Ngunit may magandang dulot naman ang pagiging tanga nila, sila ang magiging susi upang mabuhay ang mga kapatid ko.

Inagawa ko na lang basta kay Tusk ang mikroponong hawak niya. Nakaagaw pansin ang ginawa ko, dahilan upang magtinginan ang lahat sa direksiyon ko. Ganyan nga, tingalain niyong muli ang diyos niyo.

"Mga minamahal kong Xanadian." ani ko at tumingin sa buong battlegrounds.

"Bakit pa natin patatagalin ang laban? Lahat nang alyansang nakapasok, lumapit kayo sa paligid nang battlegrounds."

Ramdam ko ang tensiyon at pagkasabik sa bawat alyansang naririto. Nakakapangilabot na katahimikan ang bumalot sa buong lugar. Walang kumibo, ni kumurap nang isa-isang nagsilapitan ang mga alyansa sa harap nang isa't-isa.

Lumingon ako sa kanila at bahagyang napaatras. Dalawang pares nang gintong mata ang nakatingin sakin. Ang sikat kong estudyante, ang psycho na si Dran Light.

Hah! Hanga ako sa kanya at nagawa niya akong sindakin gamit ang mga titig niya. Ngunit hindi pa rin nuon mababago ang tingin kong insekto lang silang lahat.

Ngumisi si Dran at alam kong para sa'kin yun. Tila inaasahan niya nang mangyayari ito. Ngumiti ako at tumango.

"Tatanggalin ko ang second round na duel event. Ngayon, uumpisahan na natin ang battle royale! Ang grupong matitira ang tatanghaling Tassein Czar." Tumigil ako. Huminga nang malalim. At muling nagsalita.

"Alliances, Let the battle begin!"

Nabingi ang lahat matapos kong ibagsak ang mikropono nang nagdulot nang matinis na tunog. Matapos nito ay ang masigabong palakapakan at hiyawan nang mga manunuod.

Tumalikod ako nang makita kong unti-unting naglapit ang mga manlalaro. Ayos lang dumanak ang dugo sa paaaralang ito. I don't care about this school or the students. All I care is for the fulfillments of my plans.

Umakyat ako at umupo sa pinakamataas na silya. Kitang-kita ang ruins mula rito at ang battlegrounds. Pati na ang mga naglalabang mga insekto.

Nakakapagtaka lang ang isang estudyanteng nakatayo sa gitna nang battlegrounds. Walang nagtatangkang lumapit sa kanya. At mukhang wala rin siyang balak umatake.

"Dranius Helius Light, 'di ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo. Pero nasisiguro kong--"

Nanginig ang buong sistema ko. Tila may dumaang lamig sa gulugod ko matapos akong tingnan ni Dran at ngitian. Nakakaramdam ako nang matinding takot na hindi ko alam kung saan.

Umiling ako at winagwag ang mga iniisip ko. Ako? Matatakot sa isang insekto. Hindi kailanman mangyayari ang bagay na iyon.

Tumayo ako at bumaba. Siguro kailangan kong maghanda. Nasasabik lang siguro akong makita ang mga kapatid ko. Tama, yun na nga siguro.

Dali-dali akong pumasok sa building at sumandig sa pader. "Dran..."

Tassein CzarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon