TC#11 : Defensive Stance(A/N: So ! Next updates will be a First Person POV's dahil tapos ko nang isingit ang mga edited versions :) Kamusta naman ? Nga pala survey lang , alin mas maganda ? Yung original o itong revised ? Comments badly needed )
---
I
Halatang inis si Dranius Light o Dran na pumasok sa kanilang apartment. Wala pa man nagsasabi sa kanya ay alam na niya ang nagaganap sa grupo niya. Kailangan niyang magmadali ngunit dapat niyang unahin ang mga dapat unahin.
Lumuhod siya at tinanggal ang carpet na bumabalot sa marmol na sahig nang kanilang apartment.
Ginasgasan niya ang kanilang sahig gamit ang matulis na bakal. Gumuhit siya nang isang napakalaking magic circle na malaking david's triangle o hexagram at maraming nakalagay na kakaibang simbolo na tila siya lamang ang nakakaintindi o hindi ?
Gamit ang bakal na hawak niya , sinugatan niya ang kanyang hintuturo at hinayaang pumatak sa gitna nang magic circle. Tila may buhay na gumapang ang dugo sa bawat linya nang hexagram. Nagliwanag ito. Nagkaroon ng vacuum force ang magic circle na hinihila si Dran papasok.
"Haha !" sigaw niya sabay pasok nang kamay niya sa loob nang magic circle. Nang hilahin niya pabalik ang kanyang kamay ay hawak hawak na niya si-- Nie Bust !
"Salamat Dranny boy !" masiglang sabi ni Nie na nginisian lamang ni Dran.
"Next time you go for a dimensional travel , ask for my help." sabi ni Dran sabay talikod."Puntahan mo si Del , gising na ang Black King na si Jude. Mas mabuting iwasan ang annihilation nang mga estudyante dahil sa maniac na yun. Haha ! Sa tingin ko mas bagay kay 'Jude' ang palayaw na Psycho"
"Si- si Jude ?! Paano ?" nanlalaking mata na sigaw ni Nie. Tila hindi makapaniwala na nagising ang isang walang takot pumatay at mamatay na katauhan ni Del.
"Gumagalaw na naman ang Solar alliance. Gusto nila mapatalsik tayo bago pa man magumpisa ang laban" paliwanag ni Dran.
"Sa canteen, nandoon si Jude" at dali-daling iniwan ni Dran si Nie.
II
"Haha ! At anong ginagawa mo sa aking piyesa ? Strio Yuma ?" bigkas ni Dran na kadarating lamang sa kinaroroonan ni Arko , sa maingate.
"Hmm , naglalaro lang ang aming hari ng Chess. Ang pawn mo ay naka-'en passant'" paliwanang ni Strio na ngayon ay binitawan na si Arko na maga ang katawan at mukha. Duguan ito at halos hindi na makahinga.
"Globos Ignis!" sigaw ni Dran. Mula sa kanyang pulso lumitaw ang magic circle na nagpakawala nang napakaraming fireballs.
Gamit ang mech ni Strio , lumipad siya sa himapapawid upang iwasan ang atake ni Dran. Lahat nang bolang apoy ay walang kahirap hirap niyang naiwasan. Sumugod siya kay Dran at inundayan nang suntok ang huli.
Sinalo ni Dran gamit ang kanyang kaliwang kamay ang suntok ni Strio. Nangigigil si Dran. Hinila niya si Strio at buong pwersang ibinagsak sa sementadong sahig nang paaralan.
Nagbitak-bitak ang buong lugar na binagsakan ni Strio. Tumalon si Dran palayo at nakapamulsang tumayo.
Wala man lang gasgas o sira ang mekanismong suot ni Strio. Nakapaskil ang ngisi sa kanyang labi na tila ba sinasabing walang binatbat si Dran laban sa kanya.
"Ganyan lang ba ang kakayahan nang Psycho Knight nang Chess ?!"
Humalakhak si Dran. Gusto niya ito. Gustong gusto niyang tapakan ang pagkatao nang mga taong mataas ang pagtingin sa sarili nila. Tiningnan niya ito nang matalim at nginitian.
"Gusto mo bang putulin ko ang matabil mong dila ?!" sigaw ni Dran.
"Subukan mo--" sumalampak si Strio sa lapag. Nagulat siya. Hindi niya nakitang gumalaw man lamang si Dran kaya papaanong napunta ito sa likuran niya ?
Tumayo si Strio at pumuwestong lalaban.
"Recta Fulmine" sabi ni Dran. Mula sa kanyang pulso lumabas ang berdeng magic circle. May pentagram at mga sinaunang simbolo ito sa loob. Galing sa magic circle ang kumawalang kidlat na direktang inatake si Strio.
Sinalag ito ni Strio at naghanda sa pinsalang matatamo niya. Masakit. Masakit ang kidlat na tumama sa kanya ngunit hindi ito sapat upang patumbahin siya.
"Haha ! Ano ba yan na atake mo ?! Weak !" pangungutya ni Strio.
Ngumisi lamang si Dran at dahan-dahang lumapit kay Arko at pinasan ito sa kanyang balikat.
"Haha ! Next time Strio ! Magdasal ka na. Ako kasi , hindi ko alam ang pakiramdam na mamatay , kaya saiyo ko gagawin" matapos nun , nagliwanag ang inaapakan ni Dran. Napuno nang usok ang kanina nitong kinatatayuan at naglaho na parang bula.
"Humanda ka" tila bulong nang hangin kay Strio.
III
"Equinox ! Equinox !" galit na galit na sigaw ni Solstice na duguan ang kanang braso. Nagulat siya dahil sa kakayahan ng Black King. Kaya nitong kumontrol nang mga tao na labag sa kanilang kalooban !
Nagmamadali siyang pumasok sa silid ni Equinox upang komprontahin ito. Katulad pa rin nang dati ang silid nito , madilim. Sa dulo nang kwarto makikita ang prenteng nakaupong si Equinox
Nakakakilabot ! Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin siya dahil sa ginawa sa kanya nang Kin-- nang Black King. Ayaw na niyang alalahanin pa ang bangungot na dulot nang kanyang ingkwentro sa Black King.
"Bakit hindi mo sinabi na ganoon ang mangyayari if I provoked his bloodlust ?!" nangagalaiting sigaw ni Solstice nang makaharap si Equinox.
Tanging ngiti lamang ang naging tugon ng babae at tumalikod. "Kailangan natin silang mapatalsik sa laro bago pa man mag-umpisa ang patimpalak" aniya.
"Kahit pa mamatay ako ?!" sigaw ni Solstice.
"Kahit pa mamatay ka pa ! Hahaha ! Ang mga piyesa nang hari sa larong Chess ay mahalaga ngunit kung para sa ikakapanalo ko , bilang hari niyo , okay lang ang magsakripisyo kahit na ikaw pa na Queen ko. Kahit ikaw pa ang pinakamalakas kong piyesa sa larong ito" sabi nang babae sabay halakhak na mapang-uyam.
Nagtangis ang bagang ni Solstice. Totoo , gusto niyang matanggal ang Chess sa laro pero ayaw niya pang mamatay. Ngunit ano ang magagawa niya ? Kailangan niyang sumunod sa kanyang hari upang manalo sila.