TC#50 : Last3rd Person
I
Damn you Crimson! Damn you Dran! Hindi ko mapapalampas ang ginawa niyo kay Lily. Mabibigat ang mga hakbang ni Nie habang patungo sila sa Mirage. Hindi siya mapakali. Kahit nanghihina ay buo pa rin ang determinasiyon niyang makapaghigante.
"Shit!" Bulalas niya sabay upo. Napasabunot siya sa sarili. "Hindi ka ganito Nie!"
Nilingon siya nila Arko at JL. Nagtataka sila sa ikinikilos nang binata. Masiyado itong tensyonado at tila 'di mapakali. Tumayo ito at lumapit sa kanila. "Tara na, kailangan nating magmadali." aniya.
Tumango na lamang si Arko. Habang si JL lumapit kay Nie at agad itong kinuwelyuhan. Hindi nakapagtimpi ang binata at sinuntok si Nie. Bumagsak sa lupa si Nie.
"Ano? Ganyan ka na ba Nie Bust? Ang untouchable, magiging ganito karupok? Kung hindi mo kayang ayusin ang emosiyon mo, umuwi ka na. Huwag ka nang sumama samin. Baka matulad ka lang kay Lily. Pero kung gusto mong makapaghiganti, umayos ka. In war, your just not have to be physically prepared but also emotionally stable. Kung ganyan ka, trust me, hindi ka tatagal sa kanila."
Natawa si Nie. Mukha kasing bumabalik na naman si JL. Hindi na kasi ito tipid magsalita. Pero kahit gan'un, tinamaan siya sa sinabi ni JL. Tama, hindi siya dapat nagkakaganito.
Tumayo siya at sinuntok si JL. "Baliw? May dalawang bagay lang na magpapabaliw sa'kin. Boobs, at wala nun si Lily." aniya sabay takbo. "Ang mahuli, malabo ang mata!" Pang-aasar niya sa salamin ni JL.
Natawa na lang si Arko sa dalawa. Ang bilis kasi nila magbago nang mood. Parang kanina lang ang seryoso nila. Kahit natatawa siya, tumakbo na rin siya. Takot na niya na lang sa pang-aalaska ni Nie sa kanya.
II
Nakarating sila sa napag-usapang tagpuan, malapit sa nag-iisang oasis sa Mirage kung saan nakatira ang mga Light. Lumikha si Arko nang masisilungan upang protekta sa init nang araw.
'Di naglaon ay nagsidatingan na ang hukbo nang Morphrealm kasama ang ilang mandirigma nang Void tribe. Nagpulong sila nang plano kung paano mapipigilan si Dran.
Sa kalagitnaan nang pagpupulong ay nakarinig sila nang napakalakas na dagundong. Malapit ito sa kinaroroonan nang oasis. Nagsilabasan ang lahat upang tingnan ang nangyayari at nakita ang napakakapal na usok mula sa nasusunog na oasis.
"Nahuli na tayo." Nanghihinang sambit ni JL. Halos mawalan na siya nang pag-asa.
"Hindi pa JL. Tara na." lumipad si Nie matapos niya itong sabihin. "Hindi nawawalan nang pag-asa ang mga gwapo, lalo na ako. Ewan ko na lang sa'yo JL-dude. Halika na nga Arks-dude."
Sumunod si Arko na tinungo ang direksiyon nang oasis. Tama, marami pa ang maaaring mangyari. Kailangan nilang maging matatag.
III
Pagkarating sa loob nang oasis ay kalunos-lunos na pangyayari ang nakita nila. Maraming nakahandusay, mga naghihingalo. Mapabata man o matanda, maging mga sanggol. Wala silang ideya kung buhay pa ang mga ito. Umaasa na lamang silang buhay pa nga sila.
"Dran! Wala kang utang na loob! Matapos kitang buhayin!"
Nakarinig si Arko, JL at Nie nang sigawan mula sa 'di kalayuan. Tinungo nila ito at nagtago sa likod nang mga puno.
"Ha-ha-ha! Ako? Binuhay mo? Nagpapatawa ka ba? Ama?" Nakangisi si Dran habang sinasabi ang mga 'yun.
"Walang hiya kang bata ka!" Sigaw nang matanda sabay tapon nang mga opuda. Mga papel ito na may kakaibang inscriptions. Kalimitan itong mayroong incantasiyon.