TC#38 : Sheol

841 40 34
                                    


TC#38 : Sheol

I

"Maligayang gabi mga mag-aaral ng Xanadu Scolu! Ako muli,si Tusk Fang, ilalahad sainyo lahat ng nagagnap sa Tassein Czar Battle! who will win and who will fail? Tandaan niyong ang mananalo kuponan dito ay pasok na sa finals!" paliwanag ng commentator na si Tusk Fang.

Tumingin siya sa mga manlalaro at agad nagsabi "Mula sa Chess, Del King! at mula sa Myriad si Lopkilom Forio. Ikalawang laban sa pangalawang yugto ng Tassein Czar Battle, simulan na!" masiglang wika ni Tusk.

Dahan-dahang naglakad si Del papunta sa gitna ng maalikabok na battlegrounds. Nakapaskil sa mukha nito ang isang nakakalokong mga ngiti. Bagay, na hindi natural sa kanya.

II

"Si Jude?!"  gulantang na sigaw ni Arko habang pinagmamasdan si Jude sa gitna ng battlegrounds.
Halata sa mukha niya ang katanungang 'paano nakalabas si Jude?'

Nakarinig ang binata ng tawa mula sa kanyang likuran. Si Dran. Tinapik nito ang balikat niya at tumingin kay Jude.

"Hayaan mo na, mas magaling naman nang 'di hamak si Jude kaysa kay Del" ani Dran.

"In fact, he's very manipulative. Bagay sa bansag sa kanyang The Black King" dagdag ni Nie na kanina pa nakikinig sa usapan nila. Tiningnan ni Arko ang mga kagrupo niya at isa lang ang napansin niya, wala ni isa sa mga ito ang kinakabahan sa magiging laban.

Natigil siya sa pag-iisip ng mga tanong nang magsalita si Tusk.

"At ngayon naman, galing sa Myriad Lopkilom... Forio!"

III

Lumabas sa gitna ng mga miyembro ng Myriad ang isang lalaking may hawak na isang orasan na ginto sa kanang kamay habang may mahabang tungkod sa kaliwa. Nakasuot ito ng white long sleeves na pinatungan ng coat. May suot din siyang fedora hat na bumagay sa suot niya.

"Ako ay isang time-traveller, King. Karangalan ko ang talunin ka sa isang duwelo. Buweno, simulan na natin?" aniya sabay ayos ng sombrero niya at yumukod ng bahagya.

"Simulan na!" hudyat ni Tusk sa dalawang manlalaro.

Ngumiti lang si Jude ng mapang-uyam. Itinaas nito ang kanang kamay niya sabay usal ng dasal.

"Divinus, Fatum, Vatis"

At mula sa kung saan lumabas ang tatlong human-sized puppets. Isang jester, isang scarecrow at isang grim reaper.   

"Subukan mo" paghahamon ni Jude.  Itinaas niya ang dalawa niyang kamay at mabilis na pinilantik ang mga daliri. Nagkaroon ng mga sinulid ang dulo nang mga daliri niya na kumunekta sa mga manika. Dahil dito, mabilis na tinungo ng mga manika ang lokasiyon ni Lopkilom.

IV

Pinilit umiwas ni Lopkilom sa higanteng karit ngunit sadyang kulang siya sa oras. Nahagip at nahati siya sa dalawa at tila papel na napunit ang dalawang parte.

Sumimangot si Jude nang makakita siya ng usok na may kasamang makintab na alikabok. Alam niya ang bagay na iyon.

Itinaas niya ang kamay niya at tiniklop ang mga daliri pwera sa panggitna. "Mamatay ka na, duwag"

Mabigat ang naging padyak ng manikang si Divinus dahilan upang makalikha ito ng malaking uka sa arena. May kinuha itong rosas sa ilalim ng damit niya at buong pwersa itong ibinato sa direksiyon ng usok.

"Aachk!" huling daing ni Lopkilom matapos sumirit ang masaganang dugo sa sentido niya dahil sa pagbaon ng mahabang tangkay ng rosas dito.

Sa pangalawang pagkakataon, namatay ang target ni Jude. Ngunit imbes na matuwa mas lalo pang kumunot ang nuo niya at sumama ang timpla. Pumitik siya sa ere at nawala ang tatlong manikang tinawag niya kanina.

"Nakalimutan ko, hindi pala ako naglalaro nang manika" bumalik ang ngisi sa mukha ni Jude sabay bukas ng palad niya. "I play souls..." aniya bago sumabog at kumalat ang libo-libong pulang sinulid sa buong area ng battlegrounds. Mas visible ang mga sinulid ngayon dahil sa dami nito.

"Lumabas ka na sa time-warp mo Lopkilom" sabay tawa ng malakas. Nang makita ni Jude na may lumabas na usok na katulad ng kanina ay walang alinlangan niyang tinakbo ito.

Hinugot niya si Lopkilom sa loob ng usok at ibinalibag sa sahig. Nagdulot ito ng malaking pinsala kay Lopkilom maging sa sahig. Hindi pa nakuntento si Jude. Hinawakan niya ang mukha ng duguang kalaban at sinubukang durugin ang bungo nito gamit ang sariling mga kamay.

"Ta-tama na" ani Lopkilom na hinang hina.

"Nah,uh, uh! Hindi pa ako tapos sa'yo!" nanggagalaiting sigaw ni Jude sabay marahas na paghila sa mga braso nito. Sa lakas ng pagkakahila ay halos humiwalay na ang mga buto niya sa braso.

"Shhh--pagpapatahimik niya sa iyak nang kalaban-- Ikaw ay manika ko ngayon. Wala kang ibang dapat gawin kundi ang sumunod" ani Jude sabay dila sa dugong tumalsik malapit sa kanyang labi.

Ibinuhos naman ni Lopkilom lahat ng natitirang lakas niya ulang mapindot ang buton sa ginintuang orasan niya. Nagliwanag ito na nag napasilaw sa kanilang dalawa. Binulag nang panandalian liwanag ang mga manunuod. Kasabay nang pagkakawala nang dalawang magkatunggali ay ang paglaho nang nakakasilaw na liwanag.

Nasaan na sila?

III

Drip.

Drip.

Dinig na dinig sa buong lugar ang pagtulo ng dugo ni Lopkilom sa mababaw na tubigan na hanggang sakong lamang ang lalim.

Napangiti siya nang mapansin niyang nadala niya ang black king sa kanyang pribadong espasiyo. Ang Sheol. Isang lugar kung saan maaari niyang puntahan lahat ng panahon at dimensiyon, mapanakaraan man, kasalukuyan o hinaharap. 

Halos kulay abo ang lahat nang makikita sa lugar maging ang tubig at kalangitan. Kung hindi ka pamilyar sa lugar na ito, iisipin mong ito na ang purgatoryo.

"Pinahanga mo ako black king! Dalawang dummy ko ang napatumba mo sa madaling panahon. Ngunit sa lugar na ito ako ang mas dominante" pagyayabang ni Lopkilom at walang alinlangang inatake si Jude.

Kumunot ang nuo ni Jude at humakbang ng isa paabante. Idinipa niya ang mga kamay na tila inaanyayahan pa ang mga pag-atake ng kalaban. "Tamaan mo naman ako kahit isa, Ha-ha-ha!"

Sa ginawang paghakbang ni Jude ay nagdala nang takot sa dibdib ni Lopkilom ns napatigil sa kanya sa pagtakbo. Umatras siya ng kaunti ngunit ayaw nang sumunod ng katawan niya.

Imbes na umatras ay namalayan niya na lamang ang sarili na naglalakad papalapit kay Jude. At hindi niya iyon gusto! Parang gumagalaw ang katawan niya na labag sa kanyang gusto.

Inangat niya ang kanyang mukha at nakita ang nakangiting hari na ginagalaw nang bahagya ang mga daliri.

"Nakalimutan mo ata agad ang sinabi ko, ikaw ang puppet ko sa ngayon" at isang nakakapanghilakbot na tawa ang dulot na labis labis na kaba kay Lopkilom.

---

(A/N: Sorry for the ze long wait. Magkagalit kami ni wattpad. Lagi niyang winawala sinulat ko kaya tinamad ako magrewrite hahaha! Saka busy sa preparation for my demo teaching! yay!:'D 3k na pala tayo? ameysing! *_* )

Tassein CzarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon