TC#48 : Tassein Czar

731 39 5
                                    


TC#48 : Tassein Czar

Dran's POV

Agad nagsitakbuhan ang mga halimaw na consumers matapos mawala ang sumpa sa kanila. Animo'y mga lobong gutom na handang sakmalin ang lahat nang maaaring humadlang.

Napakunot ang noo ko nang makita ang mga alyansang pilit sinisira ang barrier na ginawa ko. Tsk. Akala ba nila, magagawa nilang sirain ang barrier na ginawa ko?

Umupo ako upang magpahinga. Inubos nang seal ang lakas ko na kailangan kong huminto pasumandali upang makabawi. Humangos ako nang malalim dahil sa pagkahapo. Dispersing a curse is damn difficult.

Nakatingin ako sa kinauupuan ko. Pinapakinggan ang sigawan sa labas nang barrier. Mga natatakot sa gagawing delubyo nang mga halimaw na binuhay ko. Nagkakagulo na sila sa labas. Ang ingay.

Pero may isang tunog na malapit lang sa kinaroroonan ko. Tumutunog ang swelas nang sapatos nitong naglalakad sa ibabaw nang battlegrounds. Dinig ko rin ang paghinga niya, at base rito, alam kong may pinaplano siya.

Tumingala ako at pinagmasdan siya. "Crimson."

Ngumiti siya at inunat ang kamay sa'kin. Tila pinapatayo ako. Tatanggapin ko sana ito ngunit nang makita ko ang soul rapier sa kabilang kamay niya ay napangisi ako. Trying to kill me, huh?

Kinuha ko ang kamay niya at tumayo. Naging maagap ako na bago pa man makalapit sa'kin ang patalim na inunday niya ay nakayuko na ako. Habang hawak ko ang kamay niya, buong pwersa ko siya hinila at ibinalibag papalayo.

Halos hingalin ako sa ginawa ko. Hindi pa rin ako nakakabawi nang lakas. "Sinasabi ko na nga ba, wala ka talagang isang salita." putol-putol kong sabi.

Maalikabok ang lugar kung nasaan siya kaya hindi ko siya maaninag. Ngunit naririnig ko ang tawa niya "Wala ka nang silbi sa'kin Dranius."

Umismid ako. Alam ko Crimson. "Nga pala Crimson, may nakalimutan pala ako sa ritwal."

Pansin kong natigilan siya. Pati ang pagtawa niya ay nabitin dahil sa sinabi ko. Nang mawala ang usok ay tumambad sa'kin ang seryoso niyang mukha. "Sa paanong paraan ka nakalimot?"

Kinuha ko ang isang bote sa coat ko at pinakita sa kanya. "Sampung kaluluwa mula sa Void Clan, naaalala mo pa ba?"

Hindi siya sumagot. Kaya inakala kong hinahayaan niya akong ipagpatuloy ang sinasabi ko. "Akala mo ba hindi ko alam? Bweno, ipapaliwanag ko. Tanging ang mga Void lamang ang makakatalo sa inyo, dahil sa ang kapangyarihan niyo ay ang pagkuha sa kapangyarihan nang iba. Tama?"

Hindi siya sumagot. Kita sa mukha at mga titig niya ang galit sa'kin. Tsk, hindi mo ako masisindak.

"Pinakuha mo ang mga kaluluwang ito upang maging immune kayo sa kakayahan nilang halos kaparis nang sa inyo. Hindi mo ako maiisahan."

Naging napakabilis nang pangyayari. Napansin ko na lang na nakabaon ang mga daliri niya sa dibdib ko, sa pwesto kung saan naroon ang aking puso. Nakaramdam ako nang matinding sakit habang unti-unti niyang hinihila ang puso ko.

Nanlaki ang mata ko habang hawak niya ang tumitibok ko pang puso. Nakangiti siya sa'kin. "Dran, Dran, Dran. Alam kong matalino at talentado kang nilalang. Pero, mas malakas ako sa'yo." aniya habang dinudurog ang puso ko gamit ang kanyang kamay.

Napaluhod ako sa lupa. Ramdam ko ang pamamanhid nang katawan ko. Sumuka ako nang dugo na halos ikahilo ko. Mamatay na siguro ako. Or so, I thought.

Nanlalabo ang paningin ko habang pinagmamasdan siyang tumalikod sa'kin. Maya-maya'y nakaramdam ako nang hindi mapaliwanag na kiliti sa kalamanan. Natawa ako. Napahalakhak.

Dahan-dahan akong tumayo. Gumalaw ang mga nagkalat na dugo sa paligid, tila may sarili itong buhay na pumapasok sa sistema ko. Gumagaling nang kusa ang aking sugat. Inilagay ko ang aking mga kamay sa dibdib ko, tumitibok na ulit ito.

Napatigil ako sa pagtawa nang makitang humarap si Crimson na may gulat sa mukha. Nagtataka siguro siya, paano ako nabuhay?

"Crimson, between me and you, I am superior."

Pagkasabi ko n'un, pinaglaho ko ang sarili ko at nagmanipesto sa harapan niya. Hinawakan ko ang braso niya habang itinapat ang aking palad sa kanyang balikat. Dala nang pagkagulat, hindi na siya nakapiglas. "Venturom Arcentur"

Nagliwanag ang pulso ko at lumabas ang berdeng magic circle. Nagpalabas ito nang 'di nakikitang pwersa na pumutol sa braso nang kaawa-awang halimaw na ito.

Ibinalibag ko sa kung saan ang braso niya at nag-cast nang panibagong spell. "Sanctum Gladium." Nagmanipesto ang espadang nagliliwanag sa kulay puting magic circle na ginawa ko.

Isa itong espadang nagpapataw nang sumpa sa sinumang matatagpas nito. Iwinasiwas ko itong upang bum'welo. Nagalabas ito nang pwersa ngunit wala namang nasaktan. I cut his throat. Wala ritong lumabas na dugo ngunit pansin ang sakit sa kanyang mukha.

Binitawan ko siya, at tumalon palayo. Pinaglaho ko ang espada ko at pinagmasdan siya. Sumisigaw si Crimson pero walang lumalabas sa kanyang bibig na tunog, wala kahit isa.

Siguro'y naramdaman nang kapatid ni Crimson ang nangyari sa kanya kaya nagpupumilit pumasok ang mga ito sa barrier. Liningon ko ang buong paligid, maraming mga duguan. Bumalik sa alaala ko ang pagpatay ko noon sa ilan sa aking angkan. Napangiti ako at pinawalang bisa ang barrier.

Tila nagwawalang leyon ang mga halimaw sa sumugod sa'kin. "I am Tassein Czar."

Pagkasabi ko nang katagang iyon ay nagpalabas ako nang matinding pwersa na nagpaluhod sa mga halimaw bago pa man mapalapit sa'kin. Tila nababaliw sila na natatakot. Haha! Ganyan nga. Fear my presence, for I am your new alpha.

"Hindi dito ang kailangan niyong sirain." Ani ko sa kanila bago tumalikod. "Pupunta tayo sa Mirage."

Ngayon, matutupad na ang matagal ko nang plinano. Ang makapaghiganti sa angkan ko. Tapos, handa na akong mamahinga. Pagod na rin naman akong mabuhay. Sawa na ako.

Isinuot kong muli ang maskara ko at naglakad papunta kay Crimson. Kinuha ko ang soul reaper sa kamay niya at may kinuha sa kanyang kaluluwa. "Nakalimutan ko, ang kapangyarihan nang manika ko ay sa'kin, hindi sa'yo."

Nakita ko sa di kalayuan ang Chess. Akay-akay ni Arko si Del, Bitbit ni Nie si Lily habang nakaalalay ang mag-asawa sa apat naming miyembro. Nilapitan ko sila.

Pinigilan ako ni JL. Alam kong ang tingin nila sa'kin ay traydor. Alam ko 'yun. Pero may mga bagay pa akong dapat gawin. Nakalapit ako kay Del. Ngumiti ako nang buong sinsiridad.

"Naaalala mo na ang lahat tama?" Tumango siya. "Patawad. Bilang kapalit nang ginawa ko, hahayaan na kitang mauna. Samahan mo na ang mga kapatid mo. Mahalaga ka sa'kin, Delusion."

Ibinigay ko sa kanyang ang soul rapier at ang kapangyarihang ninakaw sa kanya. Matagal siyang tumitig sa rapier bago tumingin sa'kin at ngumiti. "Paalam." aniya sabay saksak sa sarili niyang kalamnan.

Nakita kong dahan-dahan siyang bumagsak sa lupa. Nakangiti siyang namatay. Sana makasunod ako sa'yo Del.

Tinalikuran ko na ang Chess. Sa puntong ito, mag-isa na ulit ako. Mag-isa na ulit sa mundo. Ayokong magpaliwanag, pagod na ako.

Natigilan ako matapos may humawak sa braso ko. Liningon ko ito at nakita si Arko'ng nakangiti. "Naiintindihan kita Dran, tama na."

Ibig sabihin nakita na niya ang aking babala. Tumango ako. "Hindi pa ito tapos Arko. Huwag na kayong susunod. Wala na si Dran, ako na si Eclipse ngayon."

Pagkasabi ko noon. Naglaho ako sa paningin nila.

Tassein CzarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon