(A/N: Isang araw bago ang Tassein Czar battle)
Arko's POV
Bukas na gaganapin ang Tassein Czar battle. Napaisip ako. Ano kaya ang mangyayari sa'min?
Isang linggo na rin ang nakalipas matapos kaming makontrol ni Alexandra. Grabe! Hindi ko maalala ang mga pinaggagawa ko. Baka nakagawa ako, kaming apat ng mga nakakahiyang bagay habang wala kami sa katinuan. Sana naman ay wala.
Balita din ngayon ang pagkamatay ng lider ng Solar Alliance na si Equinox. Hindi naman maka-amin yung kanang kamay na si Solstice dahil sunog ang lalamunan niya at kalahati ng kanyang katawan. Sa trauma na rin siguro ay palagi na itong tulala. Dumalas rin pala ang pagkawala ng mga estudyante, karamihan ay miyembro ng Solar alliance na ngayon ay binuwag na. Bale siyam na lang ang alyansang maglalaban laban sa susunod na buwan.
Nakabalik na rin mula sa pagkakakulong si Del. Hindi na siya palakibo kaya alam kong siya na si Del at hindi si Jude.
"Hui ! Nakatulala ka dyan ?" Pagpukaw ni Dran sa atensiyon ko.
"Ahh, hehe, may iniisip lang ako" sabi ko.
"May ibibigay nga pala ako sa'yo. Ito oh" sabay abot niya sa akin ng limang maliliit na botelya.
"Hmm, ano to ?" tanong ko habang tinitingnan ang botelya. May mga kulay ito. Pula , Puti , Asul ,Dilaw at Luntian.
"Hmm, Bottle of Elements. Yan ang ineksperimentuhan ko noon. Pansin ko kasi na hindi mo kayang gamitin ang kapangyarihan mo pag hindi elemental ang kalaban mo. Paano kung makakalaban ka ng morpher? Edi matatalo ka" paliwanag niya.
"Ahh , hmm ano naman ang nagagawa nito ?" tanong ko.
"Buksan mo ang isang bote at gamitin mo ang Vortex mo" paliwanag niya.
Ginawa ko ang sinabi niya. Binuksan ko ang botelyang dilaw ang kulay. Kumawala dito ang boltahe ng kuryente.
"Vortex!" nahigop ng katawan ko ang kuryente at naging isang taong-kuryente ako. Walang masiyadong hulma dahil hindi stable ang kuryente.
"Wow !" sigaw ko sa pagkamangha.
"Walang katapusan ang elemento sa loob ng botelyang iyan, huwag mo lang mababasag. Magagamit mo yan, lalo na at papalapit na Battle na bukas na rin lang. Mag ensayo ka at mag-aral ng mga bagong teknik. Sige, alis muna ako Arko" sabi niya.
"Teka? Saan ka pupunta ?" sabi ko.
Nagulat ako sa reaksiyon niya. Ito ay parang nabigla at namula. Bakit? May nasabi ba akong masama?
"Mamayang gabi gaganapin ang piging. May iimbitahan ako upang makasayaw ko." paliwanag niya na nangingiti.
"Aaahh!"
Sasagot pa sana ako ng makarinig kami ni Dran ng isang tili , tili ni Ces galing sa kwarto ni JL?
Napalunok ako ng laway at napalingon sa kwarto ni JL. Nanlaki ang mata ko ng makita si Nie at Dran na nakadikit ang tenga sa may pinto.
"Hoy! Huwag kayong makinig! Privacy yan!" bulong ko.
"Sssh! Mahuhuli tayo!" pagpapatahimik sa'kin habang nag-hand gestures siya na lumapit ako. Umiling ako bilang pag-tanggi.
"JL! Huwag mo na kasi ipilit ! Hindi kasya sabi! Masakit!"
"Ano ka ba Ces! Unang try pa lang! natural masakit yan! Tiisin mo na lang muna"
"Huwag na kasi! masakit na!"
Napalunok ako at nag-init ang tenga dahil sa naririnig ko. Tama ba ang iniisip ko o sadyang nabahiran lang ng berdeng dugo ni Nie ang utak ko?
