TC#13 : Date

1.3K 58 15
                                    


TC#13 : Date

I

Tanghaling tapat ngayon at nasa mamahaling restaurant sa loob ng Xanadu Scolu ngayon si JL kasama ang kanyang "Nobyang" si Celestina.

"What ! ngayon na ba ?! Sigurado ? Nakulong si Del ?" Biglang bulalas ni JL.

"Huh ?! Sino kausap mo JL ?" tanong ni Celestina habang sarap na sarap sa kinakain.

"Si Dran, pumunta na daw kami sa headquarters. May meeting daw. Minsan lang magpatawag ng meeting si Dran at alam kong may masamang nangyayari ! Waaaa--uhmmp" Napatigil na pag sigaw ni JL matapos siyang subuan ni Celestina ng kanin.

"Agaw atensyon ka JL ! wag mo naman sirain ang araw ko at ipahiya sa mga tao ! First time ko makakain sa ganito ka engrandeng restaurant nuh. Salamat sa libre!" nakangiting sabi ni Celestina

"Ces" tawag ni JL. Oo, tawag niya ito sa babae dahil masiyado daw mahaba ang pangalan niya. Kaya Ces na lang daw.

"Hmmm?"

"Tara na Ces, kailangan na talaga eh" sabi ni JL.

"Sino ba kasi yan si Dran at paano mo siya nakakausap ? Asan siya ?" tanong ni Ces habang kumakain at lumilingon lingon sa paligid.

"Nasa headquarters siya, at sikreto kung paano ko siya nakakausap"

"Tsss, ilibre mo ulit ako huh? Mukhang kailangan na talaga eh. Hindi ko na to uubusin kaya ilibre mo na lang ulit ako minsan diba boyfie !" nakangiting sabi ni Ces kay JL.

Sandaling napatingin si JL sa mukha ni Ces. May iba siyang napapakiramdaman sa sarili niya. Sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso na di niya mawari kung ano itong nararamdaman niya. May kung ano sa tiyan niya na nagsisirko tuwing makikita niya ang labi ni Ces.

"Ang ganda mo... Ces.." nasabi na lang ni JL

"Huh anong sabi mo ?" tanong ni Ces

Namula si JL matapos niyang mapagtanto ang kanyang sinabi.

"Wa-wala ! Sabi ko makain ka kaya ka tumataba !" sabi ni JL na nakayuko dahil sa kahihiyan.

Napahawak sa tyan at sa bewang ng di oras si Ces "Anong sabi mo ! Grrr Hindi naman ah!!" galit na sigaw ni Ces. Mas lalo tuloy silang pinagtinginan ng kapwa nila estudyante.

Ang totoo ay hindi mataba ang babae , sinabi lang ito ni JL upang pagtakpan ang pagkahiya niya.

"Tara na nga!" sabi ni JL sabay hawak sa kamay ni Ces. May kung anong kuryente ang bumalot sa kanyang katawan matapos nagdikit ang kanilang balat.

Bumilis naman ang tibok ng puso ni Ces sa ginawa ni JL. Halos di na siya makahinga ng maayos. Dahil dun, tanging tango na lang ang naging tugon ni Ces sa kanya.

"Ano ba tong nararamdaman ko ? Kakaiba na " sa isip ni JL sa mga sandaling magkahawak kamay sila.

"Why I fall for you

always" bulong ni Ces na narinig naman ni JL.

"Hah ? Fall for me ? Always ? Bakit ? Kahapon pa lang tayo nagkita ah ? Wag mo sabihing mahal mo na ako simula pa lang? Stalker kita nuh ?" Nagtatakang tanong ni JL.

"A-Asa ka ! Wa-wala yun ! Naisip ko lang yung linya sa nabasa kong libro" pagdadahilan ni Ces.

"Ahh , I see, teka anong araw na ba ?" tanong ni JL sa kanya.

"ika-sampo ng hulyo na ngayon. Araw ng miyerkules" Sagot ni Ces.

"Ahh , I guess this is our 1st day as a couple ?" tanong ni JL na namumula.

"What am I saying ?! Why I tell such things" sa isip ni JL.

Namula naman si Ces at tumango na lamang.

"Madali na tayo Ces" Hinihintay na nila tayo.

At nagmadali na ngang pumunta sa apartment nila JL ang dalawa. Nang makarating sila sa tapat ng apartment ay biglang napahinto si Ces.

"Ano problema mo Ces ?" tanong ni JL.

"Na-nahihiya kasi ako Jail" sabi ni Ces

"Jail ? bakit mo naman ako ginawang kulungan ?! Hindi ako kulungan hah ! Di rin ako kriminal kaya bakit Jail ?!" sigaw ni JL

"Hmmp! Edi wag kung ayaw mo ! kainis ! Bye na ! uwi na lang ako !" sigaw ni Ces. Naiinis siya dahil sa pag ka OA ng nobyo niya. "Hindi niya ba alam na , matagal na matagal na.." sa isip ni Ces.

Tatakbo na sana siya paalis ng bigla siyang hilahin ni JL pabalik at biglang niyakap. Hindi malaman ni JL kung bakit niya iyon ginawa pero alam niya lang ay gusto niya laging nasa tabi niya ang masungit na babaeng to.

"Dito ka lang ... Celestina..." seryosong pagkakasambit ni JL habang nakayakap kay Ces. Taliwas sa ugali ni JL ang inaakto niya ngayon.

"A-anu, ok" namumulang pagkakasambit ni Ces. Hindi niya maipaliwanag ang nangyayari sa kanya. Sobrang bilis ng kabog ng kanyang puso. Natatakot siyang baka marinig ni JL ang tibok nito kaya kumalas na siya sa yakap.

"Halika na" nakangiting sambit ni JL sabay hawak ng kamay ni Ces.

Kumatok na si JL sa pinto at si Nie ang nagbukas.

"Whoa ! Magandang dilag, binibining iniibig. Ako ba ang sadya mo ?" sabi ni Nie. Kukunin sana niya ang kamay ni Ces para halikan ng makita niyang magkahawak ng kamay si JL at Ces.

"Oh ? Andyan ka na pala dude ! GF mo ?" sabi ni Nie ng may halong nakakalokong ngiti.

"Oo" sabi ni JL.

"Woah ! Nakakapanibago ah ! Dati ang haba-haba ng lintanya mo pag tinatanong ka" sabi ni Nie.

"Papasukin mo na kami"sabi ni JL

"Babe, Anong pangalan mo ?" tanong ni Nie.

"Celestina Coldvlad" wika ni Ces.

"What ! Bakit mo sinabi pangalan mo sa kanya ! Type mo siya nuh ! Gusto mo tong Boy Landi na to !" Sigaw ni JL.

"Hoy lalaki ! Di ko type yan nuh ! duhh !" pagtataray ni Ces.

"Bakit mo Binigay pangalan mo ! Pinayagan ko ba !" sigaw naman ni JL.

"Eh ano naman ? Pangalan ko naman yun ah !" sigaw ni Ces.

"Oo nga naman ! pangalan mo yun ! Grrr ! bahala ka !" Biglang binitawan ni JL ang kamay ni Ces at naunang pumasok sa loob.

"Uuuiy LQ!" sigaw ni Nie

"Ano problema nun ? pangalan lang naman eh" sabi ni Ces at tumalikod.

Nilapitan naman siya ni Nie ngunit may isang malaking puting oso ang umatake kay Nie.

"Aargh ! Anu ba JL dude ! Anyare sau !!" Habang sakal sakal siya ng Ursa Major , ang isang full Morph ni JL.

"Lubayan mo si Ces, Nie ! Kung ayaw mong masaktan!" sigaw ng JL sa medyo malalim na boses.

"Easy dude ! ok ! lulubayan ko na siya! Bitawan mo na ako." sabi ni Nie.

Huminahon na si JL at binalik ang anyo sa dati ngunit ang kamay nito ay nakasakal pa din kay Nie.

"haha ! Anong nangyayare sainyo ?" Biglang sigaw ng lalaking may gintong buhok at mata na kalalabas lang sa pinto ng apartment nila JL.

"Ok JL dude. Hindi ko na lalapitan ang lalabs mo" sabi ni Nie na binitawan na ni JL.

"Sino yan ?" takang tanong ni Dran na nakatingin kay Ces.

"Si Celestina , nobya ko" sabi ni JL sabay hawak sa kamay ni Ces.

"Oh siya , pasok na" sabi ni Dran.

Tassein CzarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon