TC#21 : Constellar Beast
Hindi makapaniwala si Alyxandra kung papaano nakawala ang Bishop sa mahikang kanyang ginamit upang makontrol ang mga miyembro ng Chess. Sa lahat ng kanyang nagawang potion , ito na ata ang pinakamalakas kaya't imposibleng matakasan ang epekto nito!
Matalim ang mga tinging ipinukol ng Bishop kay Alyxandra. Parang sobrang seryoso nito sa mga oras na yaon.
"Dran ! Arko ! Nie ! Pabagsakin niyo si JL ngayon din !" natatarantang sigaw ni Alyxandra.
"El Zodia! Aries!" sigaw ni JL. Pagkabigkas niya nito ay unti-unting nagiba ang kanyang anyo. Ang kanyang kamay ay lumaki at napalibutan ng napakatibay na keratin. Naging matipuno at batak ang kanyang katawan namay mapuputing balahibo. Ang kanyang mga binti ay naging paa ng isang kambing. Tinubuan siya ng dalawang sungay na paikot sa ulo at tila may nakausling buto sa kanyang dibdib. Nang makumpleto ang kanyang anyo ay umatungal ang malahalimaw na anyo ni JL , ang Aries.
"Ano pang tinutunganga niyong tatlo dyan ! Atakihin niyo na siya !" Pag uutos ulit ni Alyxandra.
Sumugod ang tatlo kay JL , ngunit sadyang naging napakabilis ang pangyayari para sa kanila. Gamit ang malalaking hita ng Aries ay nakakatakbo ng napakabilis si JL. Sugod pa din ng sugod ang tatlo ngunit hindi man lang nila matamaan ni balahibo ng Aries.
Itinaas ng Aries ang kanyang kamao at sinuntok ng tig-iisa ang tatlo na nagpatalsik sa kanila ng ilang metro. Mabilis nawalan ng malay tatlong miyembro ng Chess.
"Mga walang silbi !" pag sigaw ni Alyxandra sabay hablot kay Ces na nasa tabi lang niya.
"Sige ! lumapit ka Bishop ! Ang babaeng to ang masasaktan!" dagdag pa ni Alyxandra. Kampante naman na naglakad ang Bishop papalapit sa dalawang babae.
"Huwag kang lalapit sabi !" pagbabanta niya ulit.
"Ako ang tinaguriang Constellar Beast. Gamit ang Aries--biglang sumulpot ang Aries sa gilid ni Alexandra. Ang kaliwang kamay ng Aries ay nakahawak sa mukha ni Alexandra habang ang katawan nito ay bahagyang nakababa--nagagawa kong makakilos ng napakabilis" sabi ni JL at biglang tinulak ang mukha ni Alyxandra buong lakas. Bumaon ang likod ni Alexandra ng ilang pulgada sa pader ng cafeteria, dahilan para magkagulo ang mga nakikiusyoso.
Sa loob lamang ng limang segundo ay napatalsik na ni JL si Alyxandra at nailigtas si Ces.
"Ces , dalhin mo silang tatlo sa apartment at itali mo. Hindi pa sila nakakawala sa potion ng mangkukulam na yun. Ako na ang bahala dito" seryosong wika ni JL taliwas sa madalas nitong ugali.
Tango na lamang ang naisagot ni Ces at dali-daling nag morph bilang isang Silverback at binuhat ang tatlong miyembro ng chess. Nang makaalis na si Ces ay may biglang pumalakpak.
"Hmmm ! magaling Bishop ! Magpakabayani ka muna bago ka mawala" sabi ni Alyxandra na nakangiti at tila walang natamong pinsala.
"Gamit ang healing potion ko , napagaling ko ang sarili ko kaya wag ka nang magtaka kung bakit mabilis maghilom ang--"
Tumagos sa pader ang babae dahil sa tinulak siya ni JL nang napakalakas. Sa lakas ng pagkakatulak ay tumagos at nakatapon ng ilang metro si Alexandra palabas sa establisiyemento ng cafeteria papuntang school grounds.
"Yan lang ba ang kaya mo Bishop?! Hindi mo ako matatalo niyan ! Ito tikman mo !" Binuksan ni Alyxandra ang isang botelya, mula dito lumabas ang isang Hydra. Ang Hydra ay isang uri ng Dragon na may dalawang ulo. May tangkad itong 9 feet at habang 13ft. Malaki ang katawan nito.
"Ito ay summoning potion ! kaya ko magpalabas ng kahit anong halimaw gamit ito ! Ano ang magagawa mo para labanan ito hah ?! haha" aniya.
"El Zodia , Leo !" Nagpalit ng anyo si JL. Ang Leo niya ay isang bruskong katawan ng lalaki na may ulo ng leon. Ang buhok nito na napakahaba ay kulay ginto. Ang kamay nito ay mayroong mahahabang kuko.
"Hah ! Ano yan !? Hydra ! Sugod!" sigaw ng kanyang katunggali.
"Savage Claws !" pag sigaw ni JL ay mas lalo pang humaba ang kuku niya na kasing talim ng isang bagong hasang espada. Gamit ito ay pinugot niya ang dalawang ulo ng Hydra.
Madaming mga estudyante ang nagsilapitan sa kanila upang makiusyoso at makita ang kanilang labanan. Manghang mangha sila sa mga anyo at lakas na ipinapakita ni JL.
"Mahina" usal ni JL
"Haha ! Mas lalong lumalakas ang Hydra pag pinuputol ang ulo nila !" sigaw ni Alyxandra.
Mula sa naputol na ulo ng Hydra , tumubo ang panibagong ulo na ngayon ay apat na. Bumuga ng apoy ang apat na ulo ng Hydra sa kinaroroonan ni JL.
"El Zodia ! Scorpio !" Sigaw ni JL bago siya napalibutan na nagngangalit na apoy ng Hydra.
"Tapos ka na ! haha!" pagbubunyi ni Alexandra habang tinitingnan na nasusunog ang Bishop sa kinatatayuan niya.
Nang mawala ang apoy ay tumambad sa babae ang isang halimaw na nakakatayo na parang tao. Ang katawan nito ay kulay kayumanggi. Ang magkabilang kamay nito ay may malalaking pincers. May tatlong buntot din ito na katulad ng sa scorpion. Ang balat nito ay mistulang baluti o armor laban sa apoy.
"Hindi tinatablan ng init ang balat ng aking Scorpio Alyxandra ! Tapos ka na ba ? Ako naman"
Gamit ang mga buntot nito ay pinagtutusok niya ang Hydra sa leeg. Walang nangyari dahil hindi man lang bumabaon ang mga pantusok ng Scorpio, sa halip ay tumatalbog lamang ito.
"Arrgh ! kainis ! Ang kapal ng balat ng halimaw na ito ! Kasing kapal ng make-up ng amo" sigaw ni JL.
"Haha! Walang magagawa ang effort mo Bishop ! Sumuko ka na lang !" ani ng babae.
"Pssh ! ang ingay mo! Hindi ako makapag-isip !!" sigaw ni JL.
Biglang bumuga ng Tubig ang Hydra. Inilagan ito ni JL sapagkat ang Scorpio ay mahina sa lamig at sa tubig. Ang balat nito ay naidesenyo lamang para tumanggap ng init. Malakas ang pwersa ng tubig na ibinubuga ng Hydra dahilan upang magbitak ang sementong tinamaan nito.
"El Zodia ! Aquarius !" sigaw ni JL.
Naging Isang Kataw si JL. Ang itsura nito ay isang tao na may kaliskis sa leeg at may palikpik sa kamay at paa.
Muli ay bumuga ng tubig ang Hydra ngunit imbes na iwasan ay hinigop ni JL ang tubig na galing sa Hydra. Binuga niya pabalik ang tubig na hinigop na nagpaatras sa Hydra ng ilang pulgada.
"Hindi mo matatalo ang aking Hydra kung ganyang tinatapatan mo lamang ang kakayahan niya !" sigaw ni Alyxandra.
"Edi huwag tapatan! Ang ingay eh. Constellar beast ! Draco !" sigaw ni JL. Napuno ng kaliskis ang buong katawan ni JL. Humaba ang leeg niya na at nagkaroon ng buntot. Napunit lahat ng damit niya pagkat patuloy ang kanyang paglaki. Lumaki ng lumaki ito na kasing tangkad na ng dalawang palapag na gusali. Ang haba nito ay halos 30 metro dahilan upang bumaluktot ang katawan niya. Ang kanyang kamay at paa ay nagkaroon ng mga talons na parang sa agila. May sungay din siya na parang usa. Dahil sa nasa labas ng sila ng school building ay walang nasirang establisimento ang kanyang anyo. Naging isang napakalaking dragon si JL.
"What the hell!" sigaw ni Alyxandra sa pagkabigla. Isang apak lang sa kanya ni JL ay mapipisat na siya.
Binugahan ng apoy ni JL ang Hydra ng walang tigil. Namatay at wala nang natira kahit abo sa Hydra.
"Wahaha !" pag tawa ni JL sa garalgal at nakakapanghilakbot na boses.
"Hindi maaari ! Kahit maging anyong dragon ka hindi kaya ng mga morpher gumamit ng elemento !" sigaw ni Alyxandra.
"Nagulat ka ba ? Ang normal na morpher ay outershell lang ng katawan ang napapalitan. Ako ! Nagawa kong i modify maging ang aking mga internal organs ko upang bumatay sa isang tunay na mythical dragon !" usal ni JL sa babae.
Ngumanga siya na akmang kakainin si Alyxandra na ngayon ay nakapako sa kanyang kinayatayuan sa takot.
"Boo!" sabi ni JL. Nahimatay si Alyxandra agad agad dahil dito.
Binalik na ni JL ang kanyang anyo sa dati ngunit nabigla siya. Napunit ang lahat ng kanyang damit maging panloob niya. Ngayon ay hubo't hubad siya sa harap ng maraming estudyanteng nakiusyoso sa laban nila. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya kaya nag morph siya bilang Aries at dali daling nagpunta sa apartment nila.