TC#33 : First Kiss

1K 43 28
                                        


TC#33 : First Kiss

Nie's POV

Matapos ang kasal nila Celestina at JL ay umalis ako at naglibot-libot dito sa Morphrealm. Tsk, Napaka-konserbatibo naman ng mga tao rito. Wanted tuloy ako sa mga elders na nakakita sa'kin sa wedding.

Pero ang nakakaasar. Walang tinatablan ng charm ko rito! Ang choosy nila. Si Nie Bust? Tinatanggihan nila? Ang pinakagwapong nilalang na nabuhay sa mundong ibabaw? Oh well, its not my lost. Sa kanila yun. Tinanggihan nila ang Drop, dead gorgeous na tulad ko.

"Sa'n ka galing Nie?" tanong ni Arkz dude sa akin ng makabalik ako sa templo kung saan ginanap ang kasal ni JL-dude.

"Eh ano pa ba aasahan mo diyan kay Boy LANDI? Natural naghanap na naman yan ng bibiktimahin" natatawang sabat ni JL habang nakapulupot ang kamay sa bewang ni Ces.

"Loko ka! Boy O.A ka naman! Agawin ko diyan si Ces sa'yo eh!" sagot ko sabay ngisi.

"Subukan mo Boy Landi at babangasan kita!"

"As if kaya mo?" paghahamon ko.

"Uy! Tigilan niyo na nga yan. Mabuti pa, maglibot-libot na lang tayo sa lugar para makilala natin ang kultura ng Morphrealm" sabat ni, ni Jen ba ang pangalan nun? Yung chickababes ni Dranny boy.

"Haha! Mabuti pa nga." pag-aaya ni Dran sa'min.

Papunta na sana kami nang may biglang dumamba sa likod ko at niyakap ako. Yak! Lalaki ata to! Flat eh.

Kinalas ko ang pagkakayakap sakin nang unknown species na to at dahan-dahang humarap. Nabigla ako sa nakita ko.

"Ikaw! Ikaw na nagpahiya sakin nung nakaraan! Ano na naman ba ang gusto mo?!" sigaw ko kay Lily, ang babaeng nabundol ng pison ang dibdib!

"Uhmm, Sorry about what I've done to you that day. But now, I have something to tell you" sabi niya na nakayuko.

Kung magso-sorry siya, Wag na uy! Napahiya na ako! Dinungisan niya ang napakagwapo kong pangalan at napakagwapo kong reputasiyon!

"I love you Nie"

"Ano ka Flat ! Hinding-hindi ko matatanggap ang sorry mo-- Wait, What the hell did you just say?!" nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko ay magso-sorry siya !

Hah! May pagnanasa din pala sakin ang representative na ito eh ! Akala mo hah! Basted ka sakin ngayon.

"Haha! Naks naman Nie! Iba na pala ang taste mo ngayon ah ?!" pagkukutya ni Dran sakin.

"Utot mo Dran! Huwag ka nga sumabat !" singhal ko.

Pagtingin ko kay Lily ay nakatingin din siya sakin, mata sa mata. Namumula ang kanyang mukha, i find it cute , What the! anong cute diyan eh flat nga!

"Uhmm, I love you Nie, Mahal kita" sabi niya na nagpapula lalo sa kanya.

"Alam ko tagalog ng i love you, so please" sabi ko sabay irap. Kaasar eh. Imbes na makapaghunt ako ng magaganda heto ako kausap tong monotone na ito.

"Haha! maiwan ka na namin dito!" sabi ni Dran. Kasama niya si Jen at Arko samantalang si Ces at JL na man ang nasa likuran ng tatlo. Letse, iniwan na nila ako.

"Hintay!" Hahabol pa sana ako nang biglang hilahin ni Lily ang kamay ko.

"Pwede bang yayain kita maglakad-lakad Nie?" tanong niya sakin na naka-puppy eyes, Cute. Ano ba?! Hindi siya cute!

"A-ayoko nga! Hindi ako nakikipagdate sa pancake ang dibdib ano" sabi ko at nauna nang maglakad.

"Uhmm, hindi naman ah! Hindi nga malaki pero di ako flat eh" pabulong nito sabay nguso na sobrang pula na ang mukha na malamang ay sa pagkahiya.

Tassein CzarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon