TC#23 : AllyI
Isang araw na lamang bago ang napipintong labanan ng lakas at isip nang magdaos ng isang pagdiriwang ang Xanadu Scolu.
Natawa na lamang si Eclipse na nakatuntong sa taas ng pader habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng naksuot ng magagarang damit. Sa isip niya , para namang bibitayin na lahat ng kalahok at nagdaos na sila ng piging, hindi ba ?
Lalo pa tuloy siyang natawa at tuluyan nang humalakhak.
Maliwanag ang gabi ngayon dahil sa mga makukulay na pailaw at engrandeng mga dekorasiyon.
Tumayo si Eclipse at inayos ang kanyang coat. "Bweno , mag-uumpisa na ang katapusan. Di'ba Fantoccio ?" tanong niya sa bagong dating.
"Tara na sa bulwagan. Kailangan din naman nating magsaya bago ang napipintong pagwawakas"
Napangiti si Eclipse sa likod ng
kanyang maskara. "Alam mo bang may nanunuod sa atin ngayon ?" aniya. Tumango si Fantoccio bilang pagsang-ayon. Inilabas nito ang kanyang kamay na nakalagay sa coat at nag-usal ng dasal."Gabi na gigising sa kaluluwang ligaw. Halinghing ng halimaw sa ilalim ng ilog nang lagim. Labas , Loch Ness Monster , Nessie"
Tila ba kumulo ang lupang kanilang tinatapakan. Umahon mula rito ang isang munting halimaw na may mahahabang bisig , iisang mata at matatalim na pangil. Mayroon itong napakalaking tenga na halos kalahati ng laki niya.
Akmang aalis na ang nagmamasid kila Eclipse nang biglang sumulpot ang halimaw na Nessie sa harapan niya. Sa gulat niya ay hindi na niya nagawa pang makaalis pa.
"Ha-ha ! kamusta Jedeus ? Hindi ba tinuro sa'yo na bawal makinig sa usapan ng iba ?"
II
Naninibago si Arko sa suot niyang long sleeves na pinaibabawan ng coat. Mainit at makati. Sa totoo lang ay nagtataka siya kung bakit kailangan pa nang ganitong pormalidad kung bukas ay maari silang mamatay.
"Arkz dude ! Nakita mo yung tatlong bugok ?" tanong ni Nie na ngayon ay mukhang maginoo sa kanyang kasuotan.
"Lumabas si Dran at Del , samantalang si JL at susunduin daw si Celestina" aniya sabay tuon ng atensiyon sa kanyang damit.
Nagulat siya ng biglang guluhin ni Nie ang kanyang buhok at pinaharap sa kanya. Kumabog ang dibdib niya ng unti-unti itong lumapit sa kanya. "Ano bang gagawin ng isang to ?"
Gusto niyang itulak si Nie ngunit ayaw naman niyang isipin na may malisya siya rito. Kilala niya si Nie , pag may pagkakataon ay nang-aalaska ito. Ngunit , napaisip din siya kung ano ang gagawin ni Nie kaya't hinayaan niya na lamang.
Ahh ! Inayos lamang ni Nie ang kanyang kurbata. Sabagay , gulo gulo nga naman ito at di naayos ng mabuti, hindi pa rin kasi siya marunong.
Ngumisi si Nie. "Yan , tapos na?"
Nakahinga ng maluwag si Arko. Akala niya kung ano na naman gagawin nito. Pareho silang napalingon sa pinto nang makarinig sila ng katok. Bumukas ito at lumabas si Dran kasama ang babaeng matagal na itinatangi ni Arko. Nakasuot ng simple ngunit eleganteng damit.
"Je-n ? Pa'no ka nakapunta rito ?" tanong ni Arko.
Nabigla si Jen. Hindi niya akalaing makikita niya si Arko. Ang totoo ay sinundo siya ni Dran sa Elementalika at inanyayahan na dumalo sa piging na gaganapin. Alangan pa sana siya ngunit mas pinili niyang sumama.
"Magkakilala kayo ?" tanong ni Dran ng nakangiti.
III
"Dranius Light, ako si Lee Myer. Pinuno ng temporary Guild na Canard. Nais ko sanang--"
"Ha-ha ! You want truce between Chess and your guild right ?" pagpuputol ni Dran sa sasabihin ni Lee Myer.
Guild. Isang pansamantalang alyansa na binuo lamang para sa paligsahan ng Tassein Czar. Sila ang mga pandagdag sa mga manlalaro.
Ang magiging premyo nila kapag nanalo ay pagiging permanente ng kanilang alyansa at ang titulong pinakamalakas sa lahat, ang pagiging Tassein Czar.Naiinis si Dran. Dinagit siya ng dambuhalang condor palabas sa grand hall na pinagdadausan ng pagdiriwang para sa ganito lang na dahilan ?
Nasayang tuloy ang pagkakataon na maisayaw at masolo niya si binibining Jen.
Tutal ay nasira na ang gabi niya ,mabuti pa sigurong magsaya na siya sa lalaking nasa harapan niya. Ngumisi siya.
"Bibigyan kita ng pagsubok. Talunin mo ko , sa bunong braso. Bahala ka kung gusto mong mag-morph oh ano" aniya sabay tiklop nang manggas ng kanyang coat.
Ngumiti si Lee. Sigurado na ang panalo niya. Gagamit lang siya ng morph ng isang oso. Isama na rin sa pagkapanalo niya dahil sa kapayatan ni Dranius.
"Ano makukuha namin kapag nanalo ako ?" tanong ni Dran.
"Magiging safe lahat ng sekreto niyo. Mula sa kung ano kapangyarihan at kahinaan ng mga miyembro ng Chess"
Bagot na tiningnan ni Dran si Lee. "Bahala ka kung ibenta mo kami sa ibang alyansa , wala akong paki. Nakakawalang gana naman ang pustahang ito."
Agad na tinalikuran ni Dran ang kausap at bumalik aa bulwagan. Naiwang naiinis si Lee matapos siyang ipahiya ni Dran sa sarili.
"You get what you want Lee. Bahala kayo sa kung ano ang gusto niyong gawin. Wag lang kayong sasagabal sa amin" pahabol ni Dran bago tuluyang buksan ang napakalaking pinto ng Grand Hall.
Naiinis man ay sumunod na rin siya sa loob ng bulwagan. Might as well enjoy the night before the bloody fight starts.
IV
"Crimson Warlock , nahanap ko na ang mga mummified consumers. Ngunit siyam na lang ito" ani Eclipse habang pinagmamasdan ang naghihirap na si Crimson.
Bumuka na naman ang permanenteng sugat nito na gawa ng isang ancient curse. Imbes na tulungan ay tila natutuwa pa siya sa paghihirap ng master niya.
"Fantoccio , sa tingin mo ? May pangotra ba sa ganyang sumpa?"
Tiningnan lamang siya ni Fantoccio. Pinipigilan nito ang kung ano o kung sino mang lumalabas sa isip siya. Nakakakita siya ng isang sugat na sobrang lalim. Tinapik siya ni Eclipse.
"Pigilan mo nga yang alter ego mo. Tandaan mo , your already dead to begin with kaya wag ka magpapatalo sa katauhang nalikha lamang ng kamatayan mo"
Humalakhak si Crimson kahit na nahihirapan. "Alam niyo ba kung bakit siyam na lang ang mga mummified consumer ? Kasi ako ang ikasampu at ang tanging nabuhay sa kanila. Ang gusto ko ? Kunin ang kapangyarihan ng lahat ng tao upang ako na ang maghari sa mundong ito!" aniya.
