TC#47 : Arise the new KingJL'S POV
Sa ganitong pagkakataon talaga pakiramdam ko nag-iiba ang ugali ko. Wala akong sinabing salita, kahit isa. Pinagmasdan ko lang ang mga nagaganap at sinubukang ianalisa. Nakakapanibago.
Wala sa hinagap kong magiging ganito kagulo ang laro. Nandito kami sa loob nang magic circle na ginawa ni Dran. Habang ang ibang manlalaro ay nasa labas at pinipilit makapasok. Hula ko, iniisip nilang isa itong taktika nang Chess. Mali, hindi ko 'to alam. Si Dran ang may gawa nito, at hindi kami.
Nakita ko ang nakapanlulumong eksena ni Nie at Lily. Halos magbreak-down ang prinsesa ko dahil sa ginawa nila. No, hindi ko dapat hayaang mawala ang alin man sa kanila.
Gumalaw ang Czar at nakangising lumalapit sa dalawa kong kaibigan. He snaps out of the illusion. Nakakalito, natutuwa ako dahil nakawala siya at 'di na niya mapapatay si Lily. Pero nangangamba ako, pwede niyang atakihin... shit.
I morphed myself into Aries and dashed to where Nie and Lily is. Isa ako sa inaasahan ngayon nang grupo. Del and Arko are missing in action, Ces is crying while both Nie and Lily are in helpless situation. Dran, couldn't be trusted anymore. Nakakaloko na 'to.
Bago pa man makalapit ang Czar ay nakuha ko na ang dalawa. Bitbit ko si Nie habang pasan si Lily. Hangga't wala pa ang ibang miyembro, ako muna ang gagalaw. Nakatakda akong maging hari nang aming emperyo, at itong sitwasiyon na ito ang pinakamabisang ensayo.
"Ces, ilabas mo sa circle si Lily at Nie. Pero wag kayong dadaan sa lupa. Nasa labas ang ibang alyansa." paliwanag ko sa asawa ko. Asawa ko, damn. Kalagitnaan nang krisis, kinikilig ako.
Agad tumalima ang asawa ko, alam kong hirap siyang dalhin ang dalawa, pero kinaya niya. Ngayon, dapat kayanin ko rin ang magiging labang ito. Huminga ako nang malalim at hinanda ang lahat nang posibleng mangyari sa labang ito.
Nanggagalaiting sumugod sa'kin ang Czar. Oras na makalapit siya sa'kin, matatalo ako. Tumakbo ako palayo. Naghanap ako nang posibleng sandata sa loob nang circle. May protective barrier ang magic circle sa labas, base sa obserbasiyon ko. Ibig sabihin, once na lumabas ako rito, hindi na ako makakapasok. Luckily, may nakaiwan nang claymore dito. Pinulot ko ito at binalik sa dati ang anyo ko.
Malayo-layo pa ako sa Czar, pero patuloy niyang tinatahak ang direksiyon ko. In no time, makakarating na siya. Kailangan ko nang plano.
Nabasa ko na ang tungkol sa sampong diyos nang Terra Suelo noon. Sila ay may kakayahang manginain nang kapangyarihan, katinuan at kaluluwa nang sinumang taga-Hex. Ang Czar, kung tama ang pagkakarinig ko ay isa sa mga 'yun.
Pa'no ko siya tatalunin? Tanging mula sa angkan nang mga sorsero lamang ang nakatalo at nakapagkulong sa kanila. I can't use any of my abilities against him. Kapag ginawa ko iyon, parang sinabi ko na ring, hey! i-consume mo ako.
Nang malapit na siya. Lakas loob akong sumugod sa kanya. Hindi lang naman si Dran ang talented sa mga patalim, e. Marami din akong alam. Minsan ko nga lang magamit dahil sa mas sanay akong mag-morph.
Ilang metro na lang ako sa kanya nang mapatigil ako at mapa-back flip. Dumaan ang dragon na purong apoy sa harapan ko. Agad nasunog ang dinaanan nito. Nangitim ang lupa dahil sa kanya.
Lumingon ako kay Dran. Abala siya sa pag-usal nang dasal sa lingwaheng hindi ko maintindihan. Tila gumagawa siya nang enkantasiyon. Wait. Kung isang napakalaking magic circle ang ginagawa nang dragon, at isang ritwal ang inuusal ni Dran, he must be planning something.
"Shit, kailangan ko siyang pigilan."
Tumakbo ako papunta sa kanya. Anuman ang ginagawa niya dapat ko siyang pigilan. Pag-napatulog ko siya, madidisperse yung dragon pati ang magic circle. Mapipigilan ko siya, tama.
Abot kamay ko na siya nang may biglang humawak sa balikat ko at pinuwersa ang pagkakadapa ko. Ang sakit!
Gumulong ako palayo. Alam kong may balak siyang kung ano. I am helpless lalo na kung wala akong kapangyarihang pwedeng gamitin. Pero kaya ko to, para kay Ces, sa mga kasama ko at sa lahat.
Sinubukan kong patamaan ang czar gamit ang claymore na nakuha ko. Mabilis at mapwersang mga wasiwas ang pinakawalan ko. Nabalewala lang lahat nang iyon dahil ni isa, walang tumama kay Czar.
I was ready to aim my weapon on him when a strong gush of wind pushed me. Napakalakas nito na nagawa akong ipatalsik sa labas nang protective barrier.
Tumayo ako, only to see those alliance members looking at me. Na para bang isa akong matabang karne. Handa silang katayin ako.
"Sa-sandali lang! Hindi ako ang kalaban dito. Sila! Yung nasa loob nang circle. May ginagawa silang orasiyon. May balak silang buksan!" sigaw ko pero walang sinuman ang nakikinig.
Handa na silang atakihin ako nang biglang lumindol nang napakalakas. I felt shivers through my spines lalo na nung isa-isang lumabas ang mga ataul. Sampu ito lahat-lahat at pinapalibutan nito si Dran.
Tumigil ang lahat, at pinagmasdan kung ano ang susunod na mangyayari. Buti naman, kundi, nachop-chop na ako rito.
Nakita namin ang Czar na lumingon muna sa'min bago pumasok sa isang ataul. Teka, naaalala ko ang disenyo nang mga ataul, ito ang libingan nang sampung consumer.
Balak ba ni Dran, na buhayin ang mga halimaw na ito?
Kahit malayo sila, malinaw kong nakikita ang lahat. Salamat sa polaris eyes ko. Nakita kong kinuha ni Dran mula sa likod niya ang isang scroll. Ang scroll na ninakaw nang nakamaskara sa morphrealm. Konektado ba sila?
Mali, mali ang ginagawa mo Dran!
Tumalikod ako at hinarap ang lahat nang miyembro ng mga alyansa. "Tulungan niyo ako, wasakin natin ang barrier na ito at pigilan ang posibleng delubyo!" pangungumbinsi ko sa kanila.
"Paano kung niloloko mo lang kami?" sigaw ng isa.
"Then, ipupusta ko ang pangalan nang morphrealm sa sinasabi ko." Pero walang gumalaw sa kanila. Lahat sila ay alangan. Siguro naiisip nilang isa lang 'tong palabas.
Wala akong magagawa. "Atlas, Almanac." bulong ko sa hangin.
Biglang lumitaw ang dalawa kong personal guard sa gilid ko. Isa silang morpher na may pambihirang kakayahan. Mapagkakatiwalaan din sila nang pamilya. Matagal na nila akong pinagmamasdan mula sa malayo. Dahil na rin sa utos ko.
"Sirain natin ang pader." utos ko sa kanila.
Tumango sila at agad nag-morph. Unti-unti silang lumaki na sampung beses ang laki sa normal. Si atlas, iisa lamang ang mata, isang cyclops. Habang si Almanac, nagkaroon nang apat na braso.
"Pumunta ka Almanac sa kabilang gilid. Pipitpitin natin ang barrier." utos ko.
Napangiti ako nang umpisahan naming gibain ang barrier. Tumulong na kasi ang ibang alyansa. Tama, kaya namin tong tapusin.