TC#7 : Practice Match

2.1K 80 5
                                        


TC#7 : Practice Match(part 1)

I

"Arko" sabi ni Dran sa nagbabasang si Arko.

Nagitla si Arko sa biglaang pagsalita ni Dran, in a monotone voice.

Nasa loob sila nang apartment o headquarters ng Chess. Linggo , kaya wala silang pasok ngayon.

"Practice game tayo" sabi ni Dran.

Hindi alam ni Arko kung bakit palagi na lamang nagtitindigan ang mga balahibo niya tuwing magsasalita si Dran.

"Pa-practice game ?" pag-uulit niya.

"Haha ! Oo , kasama si Nie" sabi ni Dran na tila balik sa dati nitong boses.

"Si-sige ba" pagpayag niya.

II

Nasa battlegrounds na ang tatlong miyembro ng CHESS. Ang battlegrounds ay isang open-feild na kung saan malayang makakapag practive match ang mga estudyante ng Xanadu Scolu. Makikita ito sa dulo ng naturang paaralan.

Tila isang epidemyang kumalat ang balita na may laban ang Chess kung kaya't dinumog nang maraming manunuod ang buong battlegrounds.

"Hmm , dude ano ? tatayo lang ba tayo dito ?" Pagbabasag sa katahimikan ni Nie

"Hehe , kayo ang bahala ? Hindi naman ako ma alam sa battle eh" sagot ni Arko.

"Sige--sabi ni Dran sabay labas ng baryang ginto sa bulsa niya-- Pagbagsak ng barya sa lupa ang hudyat ng pag uumpisa ng laban" usal niya sabay tapon ng barya sa ere.

Sabay sabay naghanda ang tatlo. Wari nag aabang kung sino ang aatakihin at sino ang iiwasan.

Pagbagsak ng barya, agad sumugod ang knight kay rook gamit ang dalawang dagger na nagmanipesto mula sa pulso niya.

Agad nag summon ng dalawang espada ang Rook, lumabas mula sa kung saan ang dalawang cutlass na agad niyang kinuha. Gamit ito , sinalubong niya ang mga sugod ni Dran. Nasasalag niya lahat ng atakeng pinapakawalan ng Knight.

Samantala, ang Pawn ay manghang mangha sa laban ng dalawa na nakalimutan na niyang kasali pala siya sa laban. Ni wala sa isip niya na wala pala siyang hawak na maski anong armas. Biglang napasulyap sa kanya ang rook.

Nagulat ang lahat ng umulan ng patalim sa pwesto ng Pawn. Dali daling umiwas ang huli sa abot ng kanyang makakaya dahil tiyak na tagus tagusan ang magiging sugat niya kung sakaling tamaan siya nito.

Maging ang mga manunuod ay namamangha sa galing ng miyembro ng Chess. Ngunit vigilante ang iba, ang iba ay nagiespiya lamang sa kung ano ang kaya ng mga miyembro ng Chess lalong lalo na sa bagong miyembro nito.

"Ako muna ang kalabanin mo !" sigaw ng knight sa rook.

"Ventis dromonem" usal ng knight . Nagkaroon ng berdeng bilog sa palad ng knight. Dito lumabas at humagupit kay Rook ang napakalakas at matatalim na bugso hangin. Direktang tinamaan ang Rook dahil sa lapit ng distansya niya sa Knight. Napuno ng usok ang pwesto ng rook kung kaya't hindi maaninag ang kalagayan ng rook. Nagbitak rin ang tinatapakan nilang lupa.

Halos wala ng humihinga sa mga manunuod dahil sa mga pangyayari

Matapos ng Knight sa Rook agad nitong inatake ang pawn. Nabigla ang pawn sa biglaang pagsulpot ng knight sa harap niya ngunit naiwasan niya rin ang atake ng Knight. MUNTIK! ng mahagip ng dalawang dagger ang leeg niya !

Seryoso ba siya dun ?! papatayin niya ata ako ! sa isip isip ni Arko.

"Ano ang problema Pawn, kung totoong laban to , patay ka na dahil kanina ka pa nakatunganga dyan ! magseryoso ka nga !" bulyaw ni Dran kay Arko.

Iniiwasan ng Pawn lahat ng atake ng knight dahil wala siyang anumang armas na pwedeng gamitin upang bumawi man lang. Pagod na siya ngunit hindi siyaaaaring tumigil dahil pag nawala siya sa momentum, maaaring katapusan na niya !

Nakarinig ang lahat ng kalansing ng mga bakal. Sabay na lumingon ang knight ,pawn at mga manonood sa direksiyon kung saan galing ang tunog.

Lumabas mula sa usok ang isang fully armored na lalaki hawak hawak ang gintong espada. Mabagal lang ito maglakad na pinapasayad ang espada nito sa sahig na tila nagpapahiwatig na malakas siya at di siya matatalo.

"Muntik na ako dun Dran ! kung hindi lang agad ako naka requip ng Armor ko, talo na ako ngayon. Pero nunka niyo ako matatalo pag gamit ko na ang aking kalasag! " sabi ng rook.

Lumayo si Dran kay Arko bago magsalita. "Haha ! mukhang seryoso na ang ating rook. Untouchable ka na nga ! ang espadang "Excalibur" na nag poprotekta sa may hawak sa anumang enchanments at ang "Falcon-eyed armor" na sinasabing nagpoprotekta sa may suot sa kung anumang pisikal na atake! Excited na ako para labanan ka Haha !" paliwanag ni Dran.

Muli, namangha ang Pawn sa kanyang nasaksihan. Mukhang seryoso na ang dalawa niyang katunggali sa laban nila.

Magseseryoso na din ako usal ni Arko.

Biglang nangingitim ang lahat ng parte maging damit ng Pawn. Napatingin ang Knight at Rook sa Pawn. Nagbabago ang anyo nito na tila nagiging anino.Naging purong itim ito at tanging mata lang ang maputi. Nang makumpleto ang transpormasyon ng Pawn ay nagsalita ito.

"Ito ang aking Sprite form!" sigaw ng Pawn.

"Haha ! Bakbakan na !" Sigaw ng Knight.

"Lucis" mahinang bigkas ng knight at biglang sumabog ang nakakasilaw na liwanag. Lahat ng nanunuod ay nabulag ng panandalian kasama na rin ang pawn at rook. Sa panahong nasisilaw ang lahat nag ukit ng kung ano anong simbolo sa lupa ang knight , mabilisan lang ito ngunit kalkulado ang lahat ng inukit niya.

Nang mawala ang liwanag, agad na nakakita ang Pawn at Rook. Sinugod nila ang huli. Nang medyo nakalapit ang dalawa sa knight biglang sumilay ang ngiti sa labi ng Knight.

"profunda vorago ingens!"

Yumanig ang kapaligiran na ikinabigla ng Pawn at Rook.

Naging tubig ang tinutuntungan nila at mabilis na umikot papunta sa gitna! Isang Whirlpool !

Lumubog ang Pawn at Rook sa tubig at pilit nilalabanan ang malakas na current ng tubig. Samantalang ang knight ay naka apak lang sa ibabaw ng inukit niyang simbolo at di man lang siya tinatangay ng whirlpool.

Hindi siya kakakitaan ng emosyon sa pagtingin niya sa dalawang kasamahan. Parang sa panahong ito ang samahan nila ay isinantabi at ang tingin niya ay kalaban ang kasamahan niya.

Parehong nawalan ng malay ang dalawang lalaki dahil sa kakapusan ng hininga. Humandusay sila sa sahig ng mawala ang whirlpool.

"Haha! panalo na ako !" masayang wika ng knight.

(A/N: Ventis dromonem = cutter winds

Lucis = Light

Profunda vorago ingens = Great deep whirpool

Ang "excalibur" ay ang legendary sword ni King Arthur. Nalaman ko na ang power nito ay to protect the user from any enchantments. Sa King Arthur and Knights of the round table ata. Di ko sure yung title eh,Inireport lang yan sa amin sa World literature.

Ang "Falcon-Eyed Armor" ay armor ni Julius Ceasar. At siempre imbento ko lang yung power nun sa story ko haha ! )

Tassein CzarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon