TC#16 : Knight in LoveDran's POV
Nakakabagot. Nasa loob ako ng aking laboratoryo at sa di inaasahang pagkakataon. Natapos ko sa loob lamang ng ilang oras ang eksperimento ko. Sayang tuloy ang isang linggong ipinagpaalam kong pagliban sa klase.
Lumabas ako sa madilim kong laboratoryo at naupo sa sala. Nilabas ko ang aking journal at duon itinala ang aking mga eksperimento at pangyayari sa buhay ko at ng grupo. Matapos nito ay nawalan na naman ako ng maiisip na gawin. Haynaku, minsan talaga may mga araw na kahit hyper ka nakakabagot pa rin dahil wala kang magawa.
Napatingin ako sa higanteng mapa na nakapaskil sa dingding ng apartment namin. Mula dito nakaisip ako ng magandang gawin.
"Tutal at isang linggo ang excuse ko , mabuti pa at magbakasiyon na lang ako, Hmmm, Saan kaya magandang mamasyal ? Sa mirage ? Ayoko dahil makikita ko na naman ang mga kapatid at mga kaangkan ko. Sa Morphrealm kaya ? Sawa na ako dun, Dun na lang kami palagi nagbabakasiyon ni Nie at JL eh. Sa Elementalia ! Oo dun nga" sabi ko sarili ko.
Matapos ito , agad akong nagbukas ng portal patungong Elementalia. Madali lang naman , ni hindi ako pinagpawisan. Ang ayoko lang sa portal ay yung pakiramdam na parang hinihigop ka. Pumasok na ako sa ginawa kong portal patungong Elementalia at tulad nga ng sinabi ko parang hinigop nito ang buong katawan ko.
Nakarating ako sa lugar ng hinahapo, ikaw ba naman ay dumaan sa portal na yun , ewan ko na lang.
Masasabi kong epektibo ang portal na ginawa ko. Haha ! Ang galing ko talaga. Wala tayong magagawa , talento yan eh. Like a boss !
Ayun , ang ganda ng tanawin dito ! Nakakagaan ng pakiramdam. Ang daming puno na nagtataasan. Ang ganda ng huni ng mga ibon at ang daming mga namumulaklak ng halaman tulad ng orkidyas, rosas at..
At.. isang napakagandang dilag! Grabe ang ganda niya ! Liligawan ko na siya. Teka, Maayos ba buhok ko? Mabango naman ata ako ah ? Ahh ! kahit galing laboratoryo ako ay mabango at malinis ako noh ! Pero para sigurado ay gumamit ako ng kaunting salamangka para maayos ang sarili ko. Lumapit ako sa dyosang nakita ko kani-kanina lang. Dinidiligan niya ang mga halaman ng makita ko siya.
Habang lumalapit ako , mas lalong lumilinaw ang kanyang kagandahan. Mahahaba ang itimang buhok niya , mapupula at manipis ang kaniyang labi , medyo singkit ang kaniyang mata na may mahahabang pilikmata at sa tingin pa lang ay malaporselana na ang kanyang kutis.
Wow ! as in wow. Unang beses sa ilang libong pagkakataon , humanga ako sa isang babae. Marami naman magaganda sa Xanadu pero alam ko naman na lahat ng yun isang yaya lang ni Nie bibigay na. Simpleng pagdaan pa nga lang namin tumitili at nahihimatay na, paano pag lumapit pa kami sa kanila ? edi pumanaw na ang kanilang kaluluwa. Haha! hindi ako mayabang , i'm just stating the fact !
Nang medyo malapit na ako sa kanya ay natisod ako sa isang ugat ng puno kaya't nagpagulong gulong ako pababa sa gubat. Tumama ata ang ulo ko sa bato kaya't nagdilim ang paningin ko at nawalan ng ulirat dahil dito.
"Bata , uy bata? gumising ka na bata" nagising ako hindi dahil sa pagyugyog kundi dahil sa pagkairita! Sinong bata? Ang lamyos sana ng boses nito kasu naiinis ako dahil sa tawag niya sa akin. Iminulat ko ang mata ko sabay tayo.
"Sinong sinasabi mong... bata? este ang ganda mo miss" ang babae palang gumigising sakin ay yung babae kanina.
"Asus, ang bata bata mo pa marunong kana magbola, ayos ka na ba?" sabi niya sabay ngiti. Grabe, naniniwala ba kayo sa love at first sight ? Ako hindi , dahil ang love hindi nangyayari sa unang tingin kundi sa unang pag ngiti niya sakin !
"Hehe , a-ayos lang ako! Malakas ata to. Ahmmmm , hehe , hindi na ako bata binibini, disesyete anyos na ako" sabi ko.
Biglang nanlaki ang kanyang mata at halatang hindi makapaniwala. Bigla siyang namula nang walang dahilan.
"Ahehe , siya nga pala ako si Dran Light" pagpapakilala ko sabay abot ng kamay niya at paghalik dito. Maginoo eh.
Mas lalo pa siyang namula dahil sa tinuran ko at agad binawi ang kanyang kamay.
"A-ako nga pala si Jen Floraleonardi" pagpapakilala niya sabay iwas ng tingin sakin.
"Pa-patawad sa pagtawag at pagaakala kong ika'y bata pa kaya't di sinasadyang pinahiga kita sa aking hita at haplosin ang iyong mukha, Ang buong akala ko kasi ay isa kang paslit" turan niya na mas lalong namumula.
Kaya pala ganun na lang ang kanyang pagkapula dahil sa ginawa niya. Pag sa iba , pag tinawag nila akong bubwit , bansot o bata naiirita ako pero nung siya ang nagsabi... ang cute lang. Bigla ding naginit ang mukha ko dahil sa naisip ko.
AWKWARD.
Bigla kasi kaming dalawa natahimik at parehong napatingin sa malayo.
"Jen" pagbasag ko sa katahimikan.
"Ano yun?" tanong niya na hindi pa rin tumitingin sa akin.
Hinawakan ko ang kanyang kamay dahilan para lumingon siya sa akin. Napalunok ako ng laway sa ganda niya.
"Ehem, alam kong masiyadong mabilis ang mga pangyayari , pero maaari ba kitang ligawan binibining Jen ?" tanong ko sa kanya sabay titig sa kaniyang mata.
"Pero , may iniibig na akong iba" sabi niya sa akin. Hindi ako nabigla sa kanyang sinabi niya dahil alam ko naman na ngayon lang kami nagkakilala.
"Liligawan pa rin kita , kaya nga panliligaw dahil susubukan kong kuhanin ang loob mo, sige paalam na muna binibining Jen, magkikita tayong muli" pagkatapos kong sabihin yun ay umalis na ako.
Biro lang sa hindi ako nasaktan. Ansakit kaya , try mo ?
Kahit gaano ka kahanda sa isang bagay , o sa isang posibilidad , kahit alam mo pang maaari itong mangyari at hinanda mo na ang sarili mo dito. Hindi pa rin maiiwasan na hindi ka masaktan.
Nagbukas ako ng portal pabalik sa apartment. Nawalan ako ng gana magbakasiyon at magreresearch ako kung papaano manligaw. Unang beses ko umibig , ang sagwa. Sige paalam na muna at busy pa ako.
--
Dran Light -->
Sensya xD d pa masiado marunong mag edit