TC#30 : Rampage

850 44 15
                                    


TC#30 : Rampage

Del's POV

Napabuntong hininga siya habang pinagmamasdan ang mga papalapit na mga kalaban,ang mga guilds na nahikayat ni Lee na umanib sa kanya.

"Nakakabagot" aniya.

3rd Person

Nanatiling kalmado si Dran habang nilalapatan ng lunas si Nie. Ibinabalik niya rin ang kapangyarihan nitong nasaid dahil sa paggamit nito sa pinakamalakas niyang armor.

"D-dran? Del? Hellow? Hindi pa ba tayo tatakas?" kinakabahang tanong ni Arko na nanginginig ang kamay. Natatakot siya sa kahihinatnan nila sa kamay ng mga guilds na ito.

Si JL naman, ay kinakain ng konsensya dahil sa siya ang nagdala kay Ces ang kaguluhang ito. Wala siyang magawa kundi ang hawakan ang kamay ni Ces at yakapin ito. Inipit niya sa likod ng kanang tenga ng dalaga ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha nito.

"Sorry Ces, huwag kang mag-alala. Po-protektahan kita anuman ang mangyari. Ang mabuti pa ay pumunta ka na muna malapit kay Dran" aniya sabay ngiti.

Tumugon ang babae sa tinuran ng lalaking morpher. Tumabi ito sa nakaupong si Dran katapat si Nie Bust. Napansin niyang unti-unti nang nagigising si Nie.

Ngumiti si Dran sabay unat ng kamay. "Oh! Gising ka na Nie. Laban na!" sabay tawa ng palihim at nguso sa papalapit na kalaban.

Napakamot ng ulo si Nie. "Ano ka ba naman Dranny boy. Kagigising ko lang!" reklamo nito sabay lapit kay JL.

"Haha! Alam ko naman na kaya niyo sila kahit na hindi kami sumali eh. Di'ba Arko?"

"Huh? Ah, ewan ko. Sigurado ka bang hindi natin sila tutulungan? Dran?" takang tanong ni Arko sabay kamot ng kanyang patilya na tila naguguluhan.

Ngunit tanging ngiti at halakhak ang naging sagot ni Dran bago umupo sa maalikabok na sahig ng ruins katabi sina Del, Ces at Lily. Humikab ito bago ipinatong ang dalawang kamay sa may batok.

"Fight until you can fight no more" ani Dran suot ang seryosong ekspresiyon. Tila kumpiyansa siya sa galing ng kanyang kasamahan.

Maya-maya ay biglang tumayo si Del. Nagpagpag ito ng alilabok sa pantalon bago lumapit kina JL. "Tutulong ako"

"Huwag na Del, sa larong Chess. Ang isang hari ay walang dapat gawin kundi ang manuod" sabi ni Dran.

Dobleng metro na lamang ang layo ng mga kalaban ng biglang huminge ng pana si JL kay Nie. Galing sa kung saan ay naibigay agad ng huli ang hiling ni JL.

"El Zodie, Sagittarius" aniya. Naging Centaur si JL na mayroong malalakas at tila bakal na biyas. Inunat nito ang pisi ng pana at nagpakawala ng sunod-sunod na bira ng palaso. Lahat at tinatamaan nito ng walang mintis, ni daplis ay walang nangyari. Nagsimulang mag-"constrict" ang mga mata ni JL. Malinaw niyang nakikita lahat ng mga nasa paligid.

Nang maubos ang mga pana ay agad itong sumugod gamit ang bilis ng isang tunay na centaur. Ngunit ng malapit na ito sa kumpol ng mga kalaban ay nagbago siya ng anyo. "El Zodia! Gemini"

Bumalik siya sa normal na itsura ngunit naging itim ang kaniyang balat. Tinubuan siya ng abnormal growth that resembles another human being. Para siyang conjoined twins dahil dito ngunit ang isang katawan ay walang bibig at ilong, tanging mata ang meron ito.

'Kayang lumaban ng gemini sa loob ng 360° kaya't mainam itong gamitin laban sa sunod-sunod na pagsugod ng mga kalaban' ani JL.

"Para saan pa ang matang ito? Kung hindi rin lang gagamitin" sa isip ni Dran na namamangha sa ipinapakita ng bishop.

Samantalang si Nie ay idinipa ang mga kamay. Tumingala ito at pumikit ng mariin. Nang magdilat ito ay agad siyang nagwika. "Punishment of Heaven and Earth".

Dalawang napakalaking bilog ang lumabas, isa sa kalangitan at isa sa kalupaan. Halos sakop nitong lahat ang mga kalaban. Mula sa mga bilog lumabas at umulan ng libo-libong patalim na iba't-ibang uri. Espada, Claymore, katana, broadsword, cutlass, itak, bolo, gunting maski nailcutter at iba pang mga patalim ang nahulog mula sa langit at lumabas mula sa lupa.

Walang tinamaan ng malubha sa atake niyang iyon. Sapat lang ang mga sugat na nalikha ng pag-atake upang pigilan ang pag abante ng mga guilds patungo sa kanila.

Sa isang iglap, ang napakaraming miyembro ng guilds na pasugod ay nalagas bigla. Wala nang nakikitang nakatayo, kung meron may ay paika-ika nitong sinusubukang makatakas mula sa grupong tumalo sa kanila.Naging baliktad ang sitwasiyon, ang kaninang kalamangan sa biglang ay naging isang kamangmangan. Parang sumuong sila sa dagat ng pasipiko na hindi alam ang mangyayaring unos sa gitna ng karagatan.

Tumayo si Dran, ngunit may napansin itong isang shaver mula sa kumpol ng mga patalim na nakatusok sa lupa. "Nie? Pati shaver?"

"What?! Ni-link ko lang naman lahat ng patalim sa malapit. Malay ko ba kung pati yan masasama" depensa ni Nie.

"Haha!Buweno, tara na. Lumabas na tayo sa ruins na ito nang makapagpahinga na tayong lahat" ani Dran. Agad tumalima ang lahat sa kanyang sinabi. Lumabas sila sa ruins at hinayaan na lamang ang mga guilds.

Di' kalayuan sa pinangyarihan ay naglalakad ang alyansang Ice Novice, na pinamumunuan ni Bram Ryford. Nakita niya ang lahat ng pangyayari ngunit hindi sila lumapit. Napalunok na lamang ng laway ang grupo habang pinagmamasdan ang mga guilds na iniisa-isa ng Chess.

Nang makaalis ang Chess ay agad silang lumapit upang umusisa at kumalap ng impormasiyon. Nang may mapansin si Bram na isang makinang na bagay.

"Mehehe! Napakadali lang pala ng larong ito" aniya sabay pulot ng badge ng isang guild na nasa daan.

Aalis na sana siya ng may humawak sa kanyang mga paa. "Eeeeeek!" tili ni Bram. "Este! lumayo ka sakin!" sabay sipa sa mukha ng humawak sa kanyang paa. Agad nagyelo ang ilong ng lalaking sinipa ni Bram.

Si Bram ay may kakayahang i-solidify ang water vapor sa hangin kung kaya't kahit walang tubig ay nakakaya niyang makaproduce ng yelo.

Nang lumingon siya ay nakita niyang nakangiwi ang mga miyembro niya. "Ano?! May angal?!"

Napailing na lamang ang miyembro nito at sumunod kay Bram na tinutungo ang labasan ng ruins. Ang badge na napulot niya ang magiging susi niya para mabuksan ang gate ng sirang siyudad ng sinaunang panahon.

"Sunod na ang duel event. Madali na lang ang maging Tassein Czar! Pagbabayarin ko pa si Dranius Light sa pagpapahiya niya sa'kin nu'ng nakaraan!" nanggagalaiting sigaw ni Bram habang inaalala ang nangyari sa kanya sa kamay ng Psycho.

--

(A/N: Kuu~ sana naman hindi sabaw ang update xD baka kasi lame dahil sinulat ko ito na mashaket ang ipin =_=)

@Revienne
@EllenKnightz
@parenks
@_kuukitha
@davineyard_II

Here's an update! Godbless and T.C!

p.s: joke lang yung POV ni Del.hahaha!!

Tassein CzarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon