TC#1 : Invitation

7.5K 166 40
                                    


TC#1 : Invitation

I

Hawak hawak nang binatilyo ang isang sobre galing sa tanyag na paaralan sa bansa ng Amalgam. Naimbitahan siya at nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral sa paaralang ito.

Nakatayo siya sa isang burol. Tanaw na tanaw niya ang kabuuan nang kanilang maliit na kumunidad. Pinagmasdan niyang maigi ang kanilang bayan. Waring kinakabisa ang bawat tanawin na kanyang nakikita.

Napabuntong-hininga siya.

"Palagi kong maaalala ang kagubatan na ito. Ang bansang naging kanlungan ko , ang Elementalika" usal nang binata.

Naupo siya sa tabi nang isang mayabong na punong narra. Kahit na tirik ang araw ay presko pa rin ang kanyang pakiramdam.

Inaalon nang banayad na hangin ang kanyang asulang buhok.

Napapikit siya sa ginhawang dulot nang tahimik na lugar. Para sa kanya , kailangan niyang lisanin ang bansang naging santuaryo niya simula pagkabata upang magkaroon nang maayos na pinag-aralan.

Isang napakalaking uportunidad ang makapag-aral at makapagtapos ang turing nang mga taga-Elementalika rito. Bihira lamang makapagtapos ang mga tao sa kanilang lugar dahil salat sila sa salapi , na pangunahing kalakalan sa labas nang Elementalika.

Hindi uso ang pera sa kanila. Ang pakikipag'barter' lamang ang kanilang kalakaran.

"Arko , tuloy na ba ang alis mo ?" tanong nang isang dalaga na lumapit at umupo sa tabi nang binatang nagngangalang Arko.

"Oo Jen, matagal ko nang pinangarap to. Ayokong sayangin ang pagkakataon" sagot ni Arko.

Napasandig si Jen sa balikat ni Arko. Bagay na ikinabilis ng puso nang huli. Pakiramdam ni Arko ay nag-init ang kanyang pisnge.

Matagal na siyang may pagtingin sa dalagang si Jen, ngunit wala siyang lakas ng loob upang umamin. Madalas siyang mautal sa harapan nito. Tumayo ang binata. Inalalayan niya ring tumayo ang dalaga.

"Umuwi na tayo Jen" sabi ni Arko.

II

Kinabukasan, araw nang pag-alis ni Arko. Gaya nang nakagawian nang binata, pinagmasdan niya ang kabuuan nang kanyang bayan sa huling pagkakataon.

"Arko! Aalis na ang skiff! Gusto mo bang magpaiwan?" sigaw nang kanyang ina.

"Andyan na po!" sabi niya sabay takbo papunta sa kanyang ina.

Habang tumatakbo ay nakita niya si Jen na dinidilig ang mga alaga niya rosas at mga orkidyas.

"Jen ?" pagtawag niya rito matapos huminto.

Nakita siya nang dalaga at bahagyang nalungkot ang ekspresiyon. Marahil ay nalulungkot siyang aalis ang kanyang kaibigan.

"Paalam Jen, sa muling pagkikita" pamamaalam ni Arko. Sandali siyang natigilan nang hawakan ni Jen ang kanyang kamay. Hinila nang dalaga si Arko at pinaharap sa kanya.

Bago pa man makapagsalita si Arko ay hinalikan na siya ni Jen sa kanyang labi.

"Paalam Arko" usal ni Jen sabay takbo paalis.

Naiwang tulala si Arko. Bumalik lamang siya sa realidad nang tawagin ulit siya nang kanyang ina.

III

Nagpaalam na si Arko sa kanyang ama't ina at sumakay sa 'skiff'. Isa itong balsa na dalawang tao lamang ang kasya. Ang pasahero at ang mamamangka. Gamit ang mahabang kawayan, itinulak nang namamangka ang skiff upang umusad.

Papunta ang 'skiff' sa Amalgam. Dadaan sila sa ilog Torrent , ang tanging daanan palabas sa Elementalika.

Kalahating araw ang inabot ng byahe bago makarating sa destinasiyon nito. Mahahalata ang pagod sa mukha ni Arko ngunit pinilit niyang magising.

Kailangan niyang makapunta sa paaralan bago dumilim upang mayroon siyang matuluyan. Nang makababa na siya sa 'skiff' at lumingon sa siyudad na Amalgam ay napaawang ang kanyang bibig.

"Ang ganda!" bulalas niya.

IV

Manghang mangha si Arko sa pagtingin tingin niya sa lugar ng Amalgam. Maraming nagtataasang gusali, makukulay na ilaw at isang napaka 'busy' na pamayanan. Siksikan ang mga tao na nakasuot nang mga magagarang damit.

Ngunit may napansin siya, lahat ng napapatingin sa kanya ay tumatawa sabay ang pagbubulongan ng mga ito. Inatake ng kuryosidad ang binata at tiningnan ang kanyang sarili. Ano bang masama sa suot niya? Gawa naman ito sa balat ng Alpha o yung lider sa grupo ng mga lobo. Isa ito sa pinaka magarang damit sa Elementalika at ipinagmamalaki ng magulang niya na meron siya nito!

Napatingin ang binata sa kasuoton ng mga tao sa paligid niya. Ang mga lalaki ay may suot na may mahahabang manggas at abot hanggang sakong ang pang ibaba at mga babae naman ay halos lumabas na ang dibdib sa kasuotan nito at napaka ikling pang ibaba nito. Hindi niya alam kong ano ang tawag sa mga kasuotan ng mga taga-Amalgam ngunit alam niyang kinukutya siya ng mga ito.

May narinig pa siyang usapan ng grupo ng tatlong babae

"Cute sana tong lalaki kaso mukhang taong gubat! hihi!"

"Okie na yan! gwapo naman ih! hihi "

"Halika lapitan natin yung lalaki para maging sibilisado na siya!"

"Tara na!" sabi ng babae at agad lumapit yung tatlo sa binatang si Arko.

"Hi cutie! Can you go with us tonight?"

Nagtaka naman si Arko, siguro ay ito ang kanilang wika sa isip isip niya. Hindi niya maintindihan ang sinabi nang dalagang may hapit na kamiseta.

Marahil nakita rin ng mga babae ang pagtataka sa kanyang mukha.

"Ano ka ba Bea! Mukhang di niya gets ang wikang ingles! Koya, sabi niya ay sumama ka samin papuntang langit!" sabay ng malanding ngiti at kindat nang babae.

Bigla na lang siyang hinatak ng mga babae papunta sa isang konkretong bahay..

Pagpasok nila sa bahay , medyo sumakit ang mata niya sa mga iba't ibang magalaw na kulay. Nang maka'adjust' ang kanyang paningin ay nagulat siya sa nakita niya sa isang gilid. Mga taong hubo't hubad!

"Mahabaging langit! anong lugar ito?!" sigaw niya sa kanyang isip.

Dala ata ng pagkabigla ay dali-dali siyang umalis sa lugar na maraming ilaw para pumunta na agad sa paaralang papasukan niya. Inilabas niya ang mapa na kalakip nang imbitasiyon na bigay sa kanya at sinunod ito.

Napadaan siya sa eskinita nang may nakita siyang isang lalaki na medyo itiman ang kulay at kulay itim nitong buhok. Ang lalaki ay may kahalikang... limang babae! Salit salit niyang pinaghahalikan ang mga ito at hinahawakan sa pribado at maselang bahagi. Napatitig siya sa mga ito dahil sa pagkabigla.

"Tsk! Masiyadong bulgar ang mga tao dito!" sa isip isip ni Arko.

Napatingin sa kanya ang lalaki sabay kindat at ngisi sa kanya. Libo libong kuryente ang dumaan sa sistema niya sa ginawa ng lalaki. Nagmadali na lang siya at isinawalang bahala ang nakakakilabot na lalaking yun.

"Anong klaseng lugar ba ito" bulong ni Arko sa sarili sabay lakad paalis.

Tassein CzarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon