TC#19 : Curiosity Kills the Pawn ?Arko's POV
Napatingin ako sa bintana sa aking kwarto at napabuntong hininga. Hays ! Gabi na pala , di ko man lang namalayan ang oras dahil sa kakabasa. So far, wala akong nakuhang tala patungkol sa mga alkemiko pero marami rami na akong nalalaman sa mga heretiko.
Naalala ko ang nagyari sampu sa aking kamiyembro sa aming angkan. Sinong maglalakas-loob na kalabanin ang buong tribo namin ? Siguro ay ganun nga sila kalakas. Natigil ang pag-iisip ko nang biglang tumunog ang sikmura ko.
Nakakapagod at nakakagutom pala ang magresearch kaya lumabas ako sa kwarto upang makakuha ng makakain. Pagdating ko sa kusina ay biglang nagpatay-sindi ang ilaw.
"Sa pagkakaalam ko ay bagong palit ang mga bombilya ng apartment namin ah ?" bulong ko sa isip ko.
Isinawalang bahala ko na lamang ang mapupunding ilaw at tuluyan nang kumuha ng makakain. Pagkaupo ko sa lamesa ay nanlamig ako. Pakiramdam ko ay may nakamasid sa akin. Hindi ko maipaliwanag pero nakakatindig balahibo. Kibit balikat akong nagpatuloy sa pagkain kahit butil-butil na ang pawis na tumutulo sa noo ko. Matapos kong kumain ay tumayo ako para kumuha ng tubig. Natabig ko ang kutsara kaya naman ay yumuko ako para kunin ito. Pagtingin ko sa ibaba ng lamesa ay nanlaki ang mata ko. Isang pares ng itim na sapatos ang nakikita ko! Minumulto ba ako? unti-unti kong iniangat ang aking paningin at tumambad sa akin ang nakakalokong ngiti ni Divinus !
"Paano siya nakakagalaw ! Nakakulong si Del kaya wala sa kanyang magkokontrol ! anong ibig sabihin nito ?!" sabi ko sabay kurap ng mata. Biglang nawala si Divinus sa harap ko kahit ilang segundo lang akong napapokit. Nagpalingon lingon ako sa paligid , nagbabakasakaling makita ang manika.
Dito ko nakita na nakaawang ang pinto sa silid ni Del. Napalunok ako ng laway sa naiisip ko. Wala naman si Del diba ? Kaya pwede akong pumasok sa kanyang silid ?
Dahan-dahan lumapit ako sa kwarto ni Del. Nakakakaba , pinagpapawisan ako kahit malamig ang panahon. Dagdag pa sa aking kaba ang pagpatay sindi ng ilaw.
"Asan ba yung tatlong yun ?" tinutukoy ko ay si Nie , JL at Dran. Wala kasi sila dito sa apartment. Si Dran siguro ay nasa laboratoryo niya. Dapat nandito sila para hindi ako natatakot mag-isa sa silid na ito.
Nakapasok ako sa silid ni Del na wala namang nangyayaring kababalaghan.
Paano nakakatulog si Del kung ganitong napapalibutan siya ng mga manikang mulat ! Parang tinitingnan ako ng mga manika ni Del dahilan upang magsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan.
"Pakiramdam ko lang ba ito o totoong nangyayari na sinusundan ako ng tingin ng mga manikang ito!" bulong ko sa sarili ko.
Maya-maya pa ay parang may dumaan sa likod ko kaya napalingon ako. Wala naman akong nakita pero nakuha ng pulang pinto ang atensiyon ko. Sabi ni Dran ay huwag na huwag daw akong pumasok sa loob ng pintong ito pero inaatake na naman ako ng kuryusidad ko.
Dahan-dahan akong lumapit sa pinto , habang lumalapit ako ay parang nakatingin lahat ng puppet ni Del sa akin. Pagpihit ko ng seradura ng pulang pinto ay agad bumungad sa akin ang napakadilim na kwarto. Sa gitna nito ay may isang malapit ng mapunding ilaw. Ang liwanag ay direktang tumatama sa tatlong hugis tao ang nakabitin. Nakatali ang mga kamay ng mga ito at nakayuko sila. Ang isa ay parang payaso na puro itim at puti ang kulay , ang isa ay parang dayami ang katawan at ang isa ay may itim na hood at mahabang roba. Ewan ko pero kinilabutan ako sa aking nakita.
"Maaari kayang may pinapatay si Del at pinapahirapan dito ?" tanong ko sa sarili ko habang lumalapit sa mga nakabitin. Nang makalapit ako ay agad kong sinilip ang mga mukha ng tatlong nakabitin.
![](https://img.wattpad.com/cover/28352932-288-k624089.jpg)