TC#14 : SkewerSkewer = To attack a piece which has a less valuable piece behind it.
I
"Kamusta?" ani nang isang lalaking nakamaskarang puti.
"Si-sino ka ?" tanong ng lalaking kausap niya, si Strio.
Hinubad ng lalaki ang kanyang maskara , dahilan para magulat ang kausap niya.
"I-ikaw !"
"Ssh ! Huwag kang maingay" sabay hawak sa bibig ng kausap. Ibinalik nito ang kanyang maskara."Narito ako para sa kaunting kapalit para sa ginawa niyo"
"A-ano ang gusto mo?" nag-aalangang tanong ni Strio.
Ngumiti ang lalaking nakamaskara bago magsalita.
"Hmm kabayaran sa kaunting gulong ginawa mo. Ang kaluluwa mo" sabi nito sabay unday ng isang punyal sa puso ng Strio. Nagawa pa ni Strio na maisuot ang kanyang mech suit ngunit nabigla na lamang bumaon ang punyal sa kanyang suit. Ramdam niya ang pagtagos nang punyal sa kanyang puso.
Sumuka siya nang dugo at natumba. Nagawa niya pang makapag-usal nang salita. "Paa--nong.."
Kumawala ang puting usok mula sa bibig ng lalaki . Ang puting usok ay kinuha nang nakamaskara at inilagay sa isang botelya.
"Konti na lang" usal nito bago umalis.
--
Arko's POV
Kasama ko ngayon si Dran at papunta kami sa klase namin sa asignaturang Ballistics kung saan ko siya kaklase. Sinamahan ako ni Dram dahil baka daw may sumabotahe na naman sa amin lalo pa at nalalapit na.ang Tassein Czar Battle. Ito ang naging paksa nang pagpupulong namin nuong nakaraan.
Habang binabagtas namin ang pasilyo , may tumigil na lalaki sa harap namin ni Dran. Ginto din ang kanyang buhok gaya ng kay Dran. Matangkad ito at may kapayatan. Gwapo rin ito kung pagbabasehan ang standards nang karamihan. Matalim ang titig na ipinukol niya sa amin , o kay Dran?.
"Hah ! Anong ginagawa ng isang heretikong kutonglupa dito ?" Sabi ng lalaki.
"Haha ! Nagpapatawa ka ata Jedeus Light. Baka ang pinatatamaan mong kutonglupa ay ikaw rin mismo ?" patutsada ni Dran na halatang nag titimpi. Mababa talaga ang pasensya niya kasingbaba niya. Biro lang !
"tsk ! Wag ka umastang malakas ka na porket natutuhan mong lumipad ? Alam kong gumapang ka rin sa mabahong nakaraan bago mo makamtan yan! " sabi ng lalaki.
Biglang nawala ang ngiti ni Dran at napalitan ito ng galit. Naikuyom niya rin ang kanyang kamao at marahang pumikit. Wari'y nagtitimpi at nagpipigil ng galit.
"Hah ! Wala kang masabi bunso kong kapatid ?! totoo naman ! Pinatay mo ang isandaan sa ating angkan para makamtan ang kapangyarihang iyan ! isang HERETIKONG SALOT sa bayan ng MIRAGE at sa angkan ng mga LIGHT ! WALA KANG KARAPATAN SA APELYIDONG IYAN DRANIUS !" sigaw ng lalaki kay Dran.
Biglang iminulat ni Dran ang kanyang mata at tinitigan ng masama ang kapatid niya daw. Wala akong alam sa nangyayari at pinaguusapan nila ngunit batid kong isa itong pribadong isyu sa kanilang pamilya. Hindi na dapat ako makisawsaw pa.
"Isa ! umalis kana rito Jedeus hanggang nakakapagtimpi pa ako!" Sigaw ni Dran.
"Hah ! ang isang sorsero ay hamak na mas malakas sa alkemikong gaya mo ! MAS malakas ako saiyo ! Hindi ka karapatdapat para sa kapangyarihan na yan !"
"Wag masiyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo Jedeus, Lahat ng tumataas ay kailangang bumaba! Wala ka pang pakpak gusto mo ng lumipad ?! Wala ka pang napapatunayan !" sigaw ni Dran.
"Hah! Ang yabang mo ! tikman mo to !" kinuha ni Jedeus ang kanyang scepter at tinutok kay Dran. Umusal siya ng dasal at mula sa scepter niya lumabas ang napakaraming lucost. Seryoso ba siya ! balak niyang labanan si Dran sa pasilyong ito ?!
Agad umatake ang mga balang kay Dran. Inignora ako ng mga balang na sa tingin ko ay si Dran lamang ang pakay.
"gladium aureum" Sabi ni Dran. Nagliwanag kanyang pulso na bumuo nang kulay berdeng magic circle na may pentagram at runes sa loob. Unti-unti nagmanipesto sa kanyang kamay ang isang gintong espada. Iniwasan at pinagtatagpas niya ang napakaraming balang gamit ang espada niya at dinudurog ang iba gamit ang kanyang kamao. Subalit parang hindi man lang nauubos ang mga balang na umaatake sa kanya, sa halip, parami ito ng parami.
"Wahahaha !! Mamatay ka na ngayon Dran ! Wala kang laban sa akin! Ngunit di pa ako nasasayahan kaya ito pa !" Muli, itinaas ni Jedeus ang kanyang scepter, Umusal ng dasal at duon lumabas ang napakaraming talulot ng lilang rosas. Sa palagay ko ay matatalim ang mga talulot dahil na puputol pati mga estatwang naka display sa gilid.
"Haha ! May lason yan Dran , magasgasan ka lang niyan ay tiyak na ang kamatayan mo !!" Sigaw ulit ni Jedeus.
"Kung sino talaga ang masalita yun ang weak nuh ?" Sabi ni Dran na parang nakikipagsayaw lamang sa mga balang at talulot na may lason.
"Ha! Nakakapagsalita ka pa niyan kahit nasa bingit ka na ng kamatayan ?" sabi ni Jedeus.
"Tsk !" Yan na lang ang nasabi ni Dran at tumingin ng masama kay Jedeus. Nawala sa hangin ang espadang ginto ni Dran at nagwika ng panibagong kapangyarihan.
"Inferni!!" sigaw ni Dran. Lumabas muli ang berdeng bilog na may pentagram na may mga kakatwang marka at simbolo. Nasunog lahat ng balang at talulot ng lilang rosas na nakapalibot kay Dran at sa pasilyo ngunit patuloy pa din naglalakbay ang apoy na gawa ni Dran.
"Hah ! Apoy ang pantapat mo saak-Aargh !" sigaw ni Jedeus habang tinutupok ng apoy ang kanyang kamay na may hawak ng scepter. Nabitawan niya ang setro at nagpagulong-gulong sa lapag.
"Bakit ayaw mapatay ng apoy na ito ! Aaarggh ! " Sigaw ng lalaki habang pinapalpag ang kanyang kamay. Gumulong gulong na din ito sa lapag ngunit di pa din naaapula ang apoy. Samantalang si Dran ay walang emosyong nakatingin kay Jedeus.
"Ano ang pakiramdam na maramdaman ang init ng impyerno nakakatanda kong kapatid? Mas masahol pa dyan ang ibinigay niyo saking bangungot dahil sa pinagawa niyo sa akin nuon ! Oo ! Pumatay ako nang kalahi natin pero utos yun mismo ni amain ! Pero ano ang sinabi mo ? Kaya ngayon. Mamatay ka na !" sigaw ni Dran na puno ng poot.
Nakakaawa na ang lalaki , lapnos na lapnos na ang kanyang kamay ngunit patuloy pa din sa paglagablab ang apoy dito. Puno na nang panaghoy at sigaw ng lalaki ang umaalingawngaw sa pasilyong ito. Hindi nagtagal ang naging abo na ng tuluyan ang kanyang kanang braso.
Nakapagtataka, wala man lang tao o nakikiusyoso dito.Parang .. planado ?
Labis na naghihirap na si Jedeus at ako ang naaawa para sa kanya. Sa ngayon ay paakyat na sa balikat niya ang apoy. Parang inuunti unti ang pagsunog sa kanya. Lumapit ako kay Dran at sinabing "Tama na Dran , tama na"
Sandaling napatitig sa akin si Dran. Blankong ekspresyon. Itinaas niya ang kanyang kamay at ipinitik ang daliri. Agad naglaho ang apoy na tumutupok sa lalaki. Napapikit si Dran na tila may iniindang sakit. Napaluhod siya. Inalalayan ko siyang makatayo.
"Aaargh! Magbabayad ka Dran ! Gaganti ako sayo !" sigaw ni Jedeus at bahag ang buntot na tumakbo paalis.
"Maghihintay ako sa pag ganti mo, At sa oras na yun, ipaparanas ko sayo ang tunay na impyerno" bulong ni Dran sa hangin.
Agad akong kinilabutan sa sinabi niya. Ewan ko , parang.. tototohanin niya ang kanyang banta ?
Agad akong inaya ni Dran at magmadali na daw kaming pumunta sa klase dahil alam niyang malapit na kaming mahuli dahil sa delay na naganap.
Ano ang heretiko ? Nais kong mas malaman lahat... Alam ko ,medyo personal pero.. Nais ko talagang malaman.
(A/N:
gladium aureum = Golden sword
Inferni = gate of Hell Fire)
