TC#36 : Bloodshed

844 37 16
                                    

TC#36 : Bloodshed

Arko's POV

"Mula sa langit
Nagbabadyang umihip ang malamig na hangin
Apulahin ang nagniningas na galit..
Buhay na walang kamatayan..
Kamatayang naghihintay sa buhay..
Lumabas ang dyosa ng hangin..
Einfrieren Helada!" sigaw ng lalaking nakamaskarang itim.

Umihip ang malamig na hangin sa aming paligid at nagtipon ito sa likuran ng lalaking nakamaskara. May nabubuong hugis dito na nakakamanghang pagmasdan. Isa itong babaeng kulay puti ang balat. Asulan ang mata at may maamong mukha. May pakpak itong kasing puti ng nyebe. Tanging puting sutla lamang ang bumabalot sa kanyang kaselanan at dibdib.

"Dran! Ano yan?" tanong ko sa nakikita ko.

"Isa yang espirito ng hangin, tanging mga shaman lamang ang maaaring tumawag sa kanila kaya tiyak kong shaman ang isang yan!" paliwanag ni Dran.

"Hoy! ikaw? sino ka?" sigaw ni Nie.

"Fantoccio" simpleng sagot ng nakamaskara.

May hinala akong siya yun! ngunit bakit pakiramdam kong mas malakas ang isang to.

Habang nag-iisip ako ng paraan. Biglang pumagaspas ang pakpak ng nilalang na nasa likod ni Eclipse. Tumalsik ng milya si Dran na ikinagulat ko. Nahawi rin ang mga damo at mga puno sa paligid namin.

Anong nangyari?

"What the! Pinatalsik niya si Dran nang ganun lang kadali? Arko! JL! Maghanda kayo! Mga babae dyan lang kayo sa likod namin!" utos ni Nie samin.

"Sprite Form! Thunder Element!" usal ko sabay bukas ng botelyang may dilaw na liwanag. Hinigop ito ng katawan ko at dahan-dahang naging kuryente ang katawan ko.

"El Zodia! Taurus!" sigaw ni JL. Naging brusko ang katawan niya at nagkaroon ng dalawang malalaking sungay, para siyang minotaur.

"Armour of gods!" usal ni Nie na naghahanda nang lumaban. Nagliwanag ang katawan niya. Matapos mawala ang liwanag ay nakasuot na siya ng baluting ngayon ko lang nakita. Marami ring sandata ang nakalutang sa likuran niya.

Sabay sabay naming inatake si Fantoccio ngunit lahat ng ito ay binalewala lang ng nilalang sa likuran niya. Ni walang galos na tinamo ang aming kalaban. Kada-atake namin ay hinahawi lamang ng marahas na hangin ang mga bisig at sandata namin na nagpawalang saysay bawat pagsugod na aming ginawa.

"Haah! Kanina pa natin siya sinusugod ngunit wala pa din siyang sugat! Nasaan ba si Dran?! Bakit wala siya rito! Haah! Patay na ba siya? Hindi pwede! Hindiiii!" natatarantang sigaw ni JL. Halata sa kanya ang pagod dahil tagaktak na ang pawis niya. Ang dami na rin niyang galos sa katawan.

Napaluhod ako sa lupang halos wala nang puno at damo dahil sa mga hangin pinakawalan ni Einfreren Helada. Napatingin ako sa paligid, ang daming morphers ang nasa paligid na anumang oras ay maaring tumulong sa'min.

"JL, Huminahon ka nga!" sita ni Ces na akmang susugod kasama sila Lily at Jen.

"Dyan lang kayo! Wala kayong magagawa! Masasaktan lang kayo!" pagpipigil ni Nie kina Ces na ngayon ay halatang seryoso na.

Biglang tumingala si Eclipse kaya lahat kami ay napatingin sa langit. Gabi na pala at napakalaki ng buwan. Napakaliwanag ng bilog na buwan ngayong gabi.

"Tinatawag ko ang serpente ng kalangitan...
Kainin ng buo ang dugong-buwan..
Ipunin ang kaluluwang nasa iyong harapan!
Bumaba ka ngayon din! Bakunawa!!" usal ni Eclipse.

Biglang nagkulay pula ang buwan nang mabilisan. Maganda ang kulay nito ngunit hindi ko maiwasang mangamba. Mukhang may tinawag na naman na espirito si Fantoccio.

"Maghanda kayo!" sabi ko sa kanilang lahat. Alam kong malakas ang tinawag niyang espirito ngayon.

Ang mga morphers ay nanunuod lang samin dahil alam nilang wala silang magagawa sa sitwasiyong ito.

May naaninag kaming tuldok sa gitna ng buwan. Habang patagal ng patagal ay palaki ito ng palaki hanggang sa naaninag na namin kung ano ang bagay na iyon. Isang higanteng ahas na pababa mula sa pulang buwan.

"Manginain ka ng kaluluwa bakunawa. Ikaw na ang bahala sa kanila at tatapusin namin Einfrieren Helada ang misyon ko" sabi ni Fantoccio at dahan dahang lumapit sa estatwa na dragon. Hinaplos ng nakamaskara ang katawan ng estatwa, tila nagagandaan sa pagkakaukit nito.

"Tumigil ka!" sigaw ko sabay sugod sa nakamaskara ngunit hindi pa man ako nakakalapit sa hinambalos ako ng Bakunawa ng kanyang buntot. Tumalsik ako ng milya dahil sa atakeng iyon. Madaming beses humambalos ang likod ko sa mga puno pero hindi nito nagawang pahintuin ang mabilis kong pagtilapon. Ramdam ko ang sakit sa buong kalamanan ko. Pakiramdam ko rin na ay may nabali sa tadyang ko.

Pagbangon ko ay nakita ko si Dran na nakahandusay sa lupa at duguan. May mahabang hiwa ang kanyang dibdib na likha siguro ng pagatake sa kanya ng espirito ng hangin.

"Aargh!" Masakit man ang aking kalamnan ay pinilit kong tumayo at buhatin si Dran pabalik sa aming lugar. Matagal tagal din kami bago makabalik at nagimbal ako sa nakita ko.

Wala na ang kalaban pati na rin ang mga espiritong tinawag niya. Duguan si JL at Nie na parehong wala nang malay. Si Lily , Ces at Jen ay umiiyak.

Ngunit lang yun ang ikinagimbal ko.

Nagkalat ang dugo sa paligid at marami sa mga morphers ang nakahandusay sa lupa ,sugatan ang iba at karamihan ay wala nang buhay. Agaw pansin din ang estatwang dragon na ngayon ay wala nang kagat na scroll.

Sandali lang ako nawala ganito na agad ang nangyari dito?

Ganun ba kalakas si Fantoccio na napatumba niya ang mga kaibigan ko?

Maging karamihan sa mandirigma riti?

Sino ka ba Fantoccio? Ikaw ba si..

"Ugh! Haha! Anong nangyari?" naputol ang iniisip ko nang magsalita si Dran na nakaakbay pa rin sakin. Halos sumuka siya ng dugo dahil sa pinsalang tinamo niya.

Inihiga ko siya sa puno at iniwan saglit. Kailangan kong maging mahinahon sa sitwasiyong ito. Huminga ako ng malalim at tahimik na nag-isip ng paraan.

"Jen, tulungan mo akony gamutin ang mga may sugat. Lily at Ces, dalhin niyo sa loob ng bahay si Nie, JL at Dran. Yung ibang mga morphers diyan, maghukay kayo ng libingan para sa mga nasawi" utos ko sa kanila.

Mamaya na siguro ako magluluksa. Marami pa ang kailangan gawin at hindi pwedeng umiyak na lang ako kung pwede namang isalba ko ang ibang nag-aagaw buhay dito.

Tassein CzarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon