TC#12 : Castling

1.3K 59 11
                                        


TC#12 : Castling

Castling = A move in which the king moves two squares towards a rook, and the rook moves to the other side of the king; the action of the verb to castle.

--

I

Matapos marinig ang sinabi ni Dran ay dali-dali itong pumunta sa Cafeteria upang agapan ang lumalalang sitwasiyon. Napatalsik na sila nuon sa laro at ayaw na niyang maulit pa ito.

Lakad-takbo na ang ginagawa niya upang mabilis makarating sa kinaroroonan ni Jude. Naabutan niya si Dran na akay-akay ang Pawn , si Arko.

"Anong nangyari kay Arkdude , Drannyboy ?" tanong niya rito.

Hindi tumugon si Dran. Sa halip ay itinutok niya ang kamay niya kay Arko. Nagliwanag ang kanyang pulso at lumabas ang magic circle niya. Unti-unting gumagaling si Arko mula sa mga sugat at pasa na kanyang tinamo.

"Nie , isama mo si Arko sa pagpigil kay Jude. May aasikasuhin lang ako. Nga pala , pagkatapos niyo doon ay bumalik kayo nang apartment. Magpupulong tayo" sabi ni Dran na nagsimula nang maglakad sa pasilyo nang paaralan.

Nagising si Arko na agad na nabungaran ang nakangiting si Nie. Lumapit si Nie kay Arko at bumulong sa tenga nang huli. "Samahan mo ako"

II

Pagkarating nila Nie at Arko sa Cafeteria ay nagulat sila sa kanilang nasaksihan. Nasa gitna si Jude ng canteen , nakadipa ang mga kamay at ginagalaw ang mga daliri. Tawa siya ng tawa habang pinagmamasdan ang mga taong halos nagpapatayan na sa paligid niya. Wala pa namang malubhang nasusugatan ngunit alam nilang dalawa na kung magpapatuloy pa ito ay baka may mangyaring masama.

'Wala man lang guro na pumupunta dito ? Maging mga bantay ng paaralang ito ay walang dumating !?' Sa isip ni Arko na nagtataka kung bakit ganoon na lamang ang inaasal ni Del. Hindi pa niya pala alam ang isa pang ugali nang King nila.

"Rahahaha! kaawa-awang mga nilalang !" sabi bigla ni Jude.

"Nie ! bakit walang pumupunta ditong maestro at bantay?!" tanong ni Arko.

"Nagkakamali ka Arksdude, kanina pa sila nandito pero hindi sila makalapit" ani ni Nie sabay turo sa may gilid niya. Ayun ang higit sa dalawampung mga maestro at bantay na walang magawa sa sitwasyon.

"Bakit hindi sila lumalapit ? Kung ganun ako na lang ang pipigil sa kanya !" suhestiyon ni Arko sabay takbo papalapit kay Jude ngunit bigla siyang pinigilan ni Nie.

"Bakit mo ko pinipigilan?"

"Makokontrol ka niya Arksdude. Nakakalat ang sinulid ni Jude sa sampung metro sa paligid niya !! Oras na madikit ka dito ! kontrolado ka niya !" sabi ni Nie.

"Asan ang mga sinulid ? At sinong Jude ?" nagtatakang tanong ni Arko habang tumitingin sa direksyon ni Del. Wala akong makita!

"Hindi mo ito makikita kung mahina ka pa Arksdude, Magpalakas ka muna. Ang sinulid na yun ay ang kapangyarihan ni Jude. Mamaya ko na saiyo ipapaliwanag ang lahat" sagot niya.

"Bakit ito ginagawa ni Del ?" tanong ni Arko na naguguluhan na.

"Upang makaiwas sa pagkabagot ? Ewan ko, siguro. Pero kailangan natin siyang pigilan. Ayokong madisqualify kami ulit dahil sa kagagawan niya" Matapos sabihin ito ni Nie ay agad nagliwanag ang katawan niya. Nang mawala ang liwanag ay nakasuot na siya ng kanyang Falcon-eyed armor at hawak niya sa kanan ang kanyang Excalibur, ang Gold set.

Agad sumugod si Nie kay Jude. Hindi man lang tinablan si Nie ng mahika ni Jude. Iwinasiwas ni Nie ang kanyang Excalibur pero wala naman siyang tinatamaan. Matapos nito , isa isang nagsibagsakan ang mga kontrolado estudyante ni Jude.

" Rahaha ! pakialamero ka parekoy ! Naglilibang lang naman eh !" pagkasabi ni Jude ay tinuro niya ang ibang mga estudyanteng kontrol niya. Limang estudyante ang sumugod kay Nie pero hindi man lang tinatablan si Nie ng mga suntok at sipa nila.

"Matulog ka na muli Jude" sabi ni Nie ng makalapit siya kay Jude at buong lakas na sinuntok sa mukha si Jude. Agad naman nawalan ng malay si Jude.

Lumapit si Arko , ang mga bantay at maestro kay Nie nang masigurong wala nang kapahamakan ang naghihintay sa kanila.

"Mr.Nie Bust , ito ba si Del King ? Pinuno ng alyansa niyo ?" tanong ng isang lalaking naka amerikana

"yeah" sagot naman ni Nie

"Ikukulong namin siya sa loob ng dalawang linggo dahil sa ginawa niya. Wag kayong mag alala , hindi ito makaka apekto sa paligsahan" sabi ng lalaki at inutusan ang dalawang kasama niya na buhatin ang walang malay na si Jude.

Agad naman dinala sa pagamutan ang mga biktima ng mga teacher at ibang mga estudyante.

"Nie ! bakit dika tinablan ng mga sinasabi mong sinulid ? at ano ang dapat gawin para hindi ka matablan ng kapangyarihan niya" tanong ni Arko.

Nag-uumpisa na silang maglakad papunta sa kung saan man sila dalhin nang kanilang paa.

"Ahh ! Dahil yun sa Excalibur. Hindi tatablan ng mahika ang user nito. Para di ka matablan ? Kung ang power mo ay kayang ipawalambisa ang power niya o kaya naman ay walang kahit katiting na galit na itinanim sa puso at isip mo. Mahirap naman yun, kahit pinakamabuting tao kahit papaano nag isip din ng kasamaan"

Mga dalawampu pataas ang mga biktima na sugatan. Salamat na lamang at walang namatay. Ang lakas ng kapangyarihan ni Del. Sa isang iglap , kaya niya pabagsakin ang isang hukbo ng mandirigma kahit na nag-iisa lamang siya.

"Nga pala Nie , Bakit ang tawag mo kay Del kanina ay Jude ?"

"Yun ba ?" biglang sumeryoso ang mukha ni Nie. Tumungo naman si Arko bilang pagsang-ayon.

"Si Jude ay ang isa pang katauhan ni Del. Dual personality kumbaga. Sakit sa utak ni Del na nakuha niya nuong bata pa lamang sila nang makita niyang may brutal na pinapatay sa kanyang harapan" paliwanag ni Nie.

"Huh ? Eh kung ganun , bakit ngayon lamang nagpakita o lumabas yung 'Jude' sa katauhan ni Del"

"Hmm.. dahil si 'Jude' ay nati-trigger lamang kapag nakakakita si Del nang brutal na pinapatay sa kanyang harapan. May nagtangkang gisingin si Jude kaya ganito ang nangyari" ani ni Nie.

"Akala ko ba marionettist si Del ? Bakit parang nakontrol niya ang mga tao kanina ?" tanong ulit ni Arko.

"Ahh! Paano ko ba ipapaliwanag ? Si Del ay isang 'shaman' simula pa lamang nang ipinanganak siya-- ang hirap ipaliwanag dahil si Dran lang nagsabi nito sakin eh, anyway. Espesyal si Del dahil kaya niyang kumontrol nang mga kaluluwa nang buhay basta ba may negatibo itong emosiyon. Naging marionettist lamang siya upang hindi niya magamit ang kapangyarihan niya dahil para kay Del , ito ay isang sumpa" paliwanag ni Nie.

"Ahh" tanging tugon ni Arko na naguguluhan pa rin sa mga nangyayari.

"Tara na sa headquarters , may meeting daw sabi ni Dran" sabi ni Nie at naglakad na silang dalawa pabalik sa headquarters.

Tassein CzarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon