TC#35 : Fantoccio
Arko's POV
Tumalikod na ako sa kanila. Hindi ko kayang saksihan ang pag-ibig nang dalawa kong kaibigan. Kung masisira ang pagkakaibigan namin ni Jen dahil sa pag-amin ko ng nararamdaman ko para sa kanya, ililigtas ko na lang ang pagkakaibigan namin ni Dran sa pag-iwas sa kasintahan niyang si Jen.
Mahirap sakin ang isipin na may mahal na si Jen ngunit wala akong karapatang magreklamo. Umamin nga ako ng nararamdaman ko ngunit huli na ang lahat, wala na siya sakin. Mali, hindi siya naging akin.
May mga bagay talaga sa mundo na hindi natin kayang panghawakan ng matagal. Hindi natin kayang itago ang isang bagay para sa sarili natin ng habang buhay darating ang panahon mawawala at mawawala din ito at wala tayo magagawa kundi ang bumitaw at hayaan na lamang itong kumawala sa mga palad natin at tangayin ng hangin patungo sa bagong magmamay-ari nito. Katulad ni Jen, ito na yung panahon na kung saan mawawala na siya sa piling ko at wala akong magagawa dun.
Hindi ako martyr para ipaglaban ang bagay na sa una pa lang ay hindi na laan para sakin. Anong saysay ng paglaban kung wala naman pala tayong tsansa manalo.
Magkagayunpaman, Wala na akong pinagsisisihan dahil naamin ko na ang nararamdaman ko para sa kanya. Sapat na sakin na malaman niya ang pag-ibig ko.
Nakailang hakbang na ako palayo nang biglang tawagin ni Jen ang atensiyon ko.
"Sandali Arko" sabi niya sakin na agad kong sinunod. Lumingon ako sa kanya pero napatingala sa madilim na kalangitan upang pigilan ang mga luhang gustong umagos sa mga mata ko.
"Ano yun Jen?" pinipigilan ko ang pagpatak ng mga luha ko na nagbabadyang tumulo. Ayokong makita niya akong nasasaktan nang ganito.
Kahit naman kasi tanggap mo na ang isang masaklap na bagay. Hindi pa rin talaga maiwasan na tayo ay masaktan.
Masakit...
Sobrang sakit pala ang pakiramdam na magmahal ng iba ang mahal mo.
"Paki-ulit nang sinabi mo ?" paki-usap niya.
"Umamin na ako nang nararamdaman ko Jen. Oo , mahal kita. Matagal na kitang mahal na itinago ko dahil ayokong mawala ang pagkakaibigan natin. Pero..." bumuntong hininga ako bago ko ituloy ang sasabihin ko.
"Pero , mas hindi ko pala kaya na ikaw ang mawala sakin dahil mas pinili ko ang pagkakaibigan natin. Masakit sobra" Tinitigan ko siya sa mata at doon na tumulo nang sunod sunod ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Pinunasan ko ito ngunit wala ding saysay, patuloy pa rin ito sa pag-agos.
"Jen, pwede ba kitang yakapin sa una at huling pagkakataon?" sabi ko. Biglang tumakbo si Jen palapit sakin at niyakap ako nang mahigpit. Umiiyak na kami pareho. Inalo ko siya sa pamamagitan nang paghaplos sa buhok niya.
"Kainis ka Arko! Ang tanga mo , ang bulag mo, ang manhid mo!" sabi niya sakin pagkabitaw niya sa yakap.
"Hehe --pilit kong tawa-- totoo lahat ng sinabi mo. Tanga ako dahil hindi ko nasabi sayo ang nararamdaman ko nung wala ka pang ibang minamaha--" naputol ang sasabihin ko nang bigla niyang siniil ang labi ko nang halik.
Nagulat ako sa ginawa niya! Ano ang ibig sabihin nito ? Paano si Dran? Magagalit yun!
"Tanga mo kasi iba ang interpretasiyon mo samin ni Dran , Bulag ka dahil hindi mo nakita na mahal kita at manhid ka para sabihin ang lahat ng nararamdaman mo sakin na hindi mo naiisip na nasasaktan din ako!" sabi niya matapos ang halik namin.
"Hah?" hindi ko maintindihan ang sinsabi niya.
"Tanga ka nga Arko , Mahal na mahal din kita! Ikaw lang naman ang hinihintay kong na umamin! " sabi ni Jen.
"Paano si Dran?" sabi ko sabay tingin kay Dran. Nakangiti lang siya habang nakapatong ang dalawa niyang kamay sa likod nang kanyang ulo.
"Kaibigan ko siya, Yun lang" paliwanag ni Jen.
"Ta-tayo na ba?" utal utal na tanong ko.
"Hindi mo pa ako nililigawan Arko!" sabi niya sabay nguso.
"Mahal kita" sabi ko sabay halik sa kanya.
"Haha! Uy! Tama na yan nilalanggam na ako dito oh!" biglang salita si Dran kaya natigil kami.
Nagkangitian kami ni Jen at humiwalay sa yakap sa isa't-isa.
"Tara na, gabi na, kailangan na nating umuwi" sabi ni JL.
Halos lahat kami may kapareha na pwera kay Dran. Kanina ay inggit na inggit ako sa kanila ngunit siya, parang wala lang. Alam ko na may nararamdaman siya para kay Jen dahil si Jen lang ang kinakausap niyang babae bukod kina Lily at Ces. Tinatago niya lang ba ang nararamdaman niya? Nasasaktan rin ba siya? Hindi ko alam, mananatiling misteryoso ang pagkatao niya para sakin.
Nandito na kami, nakasakay na sa karuwaheng maghahatid samin pabalik sa Xanadu Scolu. Babalik na kami sa aming paaralan dahil tapos na yung ilang araw na binigay samin para dumalo sa kasal.
Aalis na sana kami nang biglang may sumabog sa hindi kalayuan. Malakas ang pagsabog na nagawang yanigin ang paligid.
Hindi sana ako mababagabag ngunit napansin ko na ang direksiyon ay ang lugar kung saan nakatira ang mga kaangkan ni JL! Bilang kaibigan, responsibilidad namin ang isa't-isa.
Masama ito!
Dali-dali kong binukasan ang pinto ng karuwahe at tumakbo sa direksiyon kung saan may nangyaring pagsabog. Naririnig ko ang pagtawag nila Jen sakin ngunit hindi ako nakinig. Masama ang kutob ko rito at mas maigi na tulungan ko kung sino man ang nandoon.
Pagdating ko sa lugar ay nakita kong pinapalibutan ng mga morphers ang isang lalaking nakamaskara na purong itim at isang mahabang kasuotan na purong itim din. Nandito kami sa tarangkahan ng Zoic Clan kung saan nakatayo ang estatwang Dragon na may kagat na scroll.
Naabutan na ako nila Dran. Agad nilang nalaman ang nangyayari sa paligid.
Isa-isang nagpalit ng anyo ang mga morphers, may mga naging hayop na disoriented, may mga naging parang likido at mayroon naging espada ang mga kamay. Mamangha na sana ako dahil nasaksihan ko ang tatlong uri ng morphers pero hindi dapat, kailangan naming mag-ingat.
Kahit lamang kami sa bilang, palagay ko ay mahihirapan kami. Malakas siguro ang nakamaskara para sugurin ang isang buong angkan nang nag-iisa.
Parang kilala ko ang nakamaskarang ito...
Ang mata niya...
Ang kulay ay nag-aalab na pula..
Ngunit...
Walang kislap at emosiyong pinapakita.
Hindi kaya siya yan?
(A/N: oha ! got a hint ?? )
