TC#17 : Misapprehension
Nie's POV
Iniwan ko na si Arko sa battlegrounds upang makaiwas sa kanyang mga tanong. Masiyado na kasi siyang nagtataka sa aming lahat. Maging ako ay walang alam sa mga kagrupo ko at mas mabuting wala na ako malalaman pa. Ayoko masira ang maganda kong mukha nuh.
Habang naglalakad ako sa pasilyo ng paaralan papuntang cafeteria ay pinagtitinginan ako. Mga babaeng puno ng paghanga at mga lalaking insecure sa kagwapuha ko. At siyempre, bilang isang sikat at gwapo, kailangan kong gumanti sa kanila. Nginitian ko ang mga naggagandahang mga babae dahilan upang mapuno ng tilian ang buong pasilyo. Spell pa nila ang salitang gwapo ? N-I-E, thats me.
Sa kalilingon ko sa mga babae ay may nabunggo ako. Siguro lalaki to dahil wala naman akong naramdamang malambot or what.
Napatingin ako sa nabundol ko at pinagmasdan. Isa pa lang babae, nakayuko ito at nakatingin sa sahig. Maya maya ay narinig ko siyang humihikbi.
"Yu-yung lo-lolipop ko, waaahhh!" pag atungal ng babae.
Hala ! may napaiyak akong bata , ang tanging hanggad ko lang ay magpaligaya ng kababaihan at hindi magpaiyak. Well, may umiiyak din naman pag first time.
"Miss, tahan na" sabi ko sakanya sabay abot ng panyo at dagdag ng aking pamatay na ngiti.
Tinabig niya ang kamay kong may hawak na panyo at biglang tinitigan ako ng matalim. How dare she ? Pero Nie , relax chickababes ang kaharap mo kahit flat yan.
"Pagbabayaran mo ginawa mo sa lolipop ko, waaah ! hik hik ang sama mong lalaki ka !" atungal nang babae.
Teka ! kilala ko to ! Siya si Lily Laverinth , ang second year representative ng paaralang ito. Para sa akin , isa lang siyang immature at flat na babae na hindi dapat pinagaaksayhan ng panahon kung kaya't pa cool kong nilagay ang kamay ko sa bulsa ng aking coat at umalis.
"Hinahamon kita ng duelo mister !" sabi ni Lily habang pinipigil ang pagiyak sa pamamagitan ng pag kagat ng labi.
Haynaku , pinagbubulungan na kami, ayoko namang masira ang NAPAKAGWAPO kong imahe kung tatanggihan ko siya. Take note , NAPAKAGWAPO.
"Sige , sige Ms.Flat , basta wag kang iiyak pag nasaktan ka ah ?"
Napahawak siya sa kanyang dibdib at sinamaan ako ng tingin. Mas lalo pa siyang naiinis dahil sa sinabi ko.
"Tara na sa battlegrounds" sabi ko , pero pina una ko siya. Maginoo ako eh. Take note , maginoong gwapo.
Nang susunod na ako sa kanya ay may babaeng lumingkis sa braso ko.
"Babe , pag aaksayahan mo ba yan na ilusyonadang yan ? sumama ka na lang sa akin" pagkasabi niya nun ay kinindatan niya ako at mas lalong nagsumiksik sa bisig ko.
"Hoy ! babaeng lukaret ! hindi ako ilusyonada ! isa akong ilusionist bobitang to ! May laban kami ng lalaking tumapon sa lolipop ko kaya umalis ka dyan" sigaw ni Lily.
Hindi man lang pinansin ng babae si Lily sa halip ay inirapan niya ito at humarap sa akin. Nang akmang hahalikan na niya ako ay bigla siyang natakot at napabitaw sa akin.
"Wahaha ! ang hina ! simpleng ilusyon pa lang ang ginawa ko ay natakot na, wahaha ! Kunsabagay , lahat ata ng utak niya napunta sa kanyang dibdib wahaha" halakhak ni Lily na tuwang tuwa sa nangyari. Lumitaw tuloy ang biloy sa kanyang pisnge.
Ako naman ay nainis dahil sa ginawa niya ! Pinaalis niya yung chicks ko ! Unang beses ko nainis sa babae. Ok, una sa kinaiinisan ko sa kanya , flat siya , pangalawa walang shape ang katawan niya at pangatlo immature siya.
